FIRST DAY OF SCHOOL.

0 0 0
                                    

First day of school for being a Senior Student. Hay! Ang bilis naman ng panahon parang dati takot na takot palang akong maging high school student kasi nga iba't-ibang klase na ng tao makakasalamuha mo don. Merong mabait. Maarte. Spoiled brat. Mahangin. Feelingero. Feelingera. Nerdy. Mayabang. Kikay. Baduy. Gangster. So yun, di ko alam non kung kaya ko bang makipagsabayan sakanila. Tapos ngayon eto na nga...

Maaga ko gumising ngayon. Syempre excited na kong pumasok hindi dahil gusto ko ng magklase kundi dahil gusto ko ng makipagchikahan sa mga kaibigan ko. Hahahaha. Yun talaga reason kung bat maaga ko gumising ngayon. ☺

Naligo tapos nagbihis na ko. Hahaha. Ay, nagtoothbrush din ako hano. Kailangan mabango ko, dalaga na ko eh. Senior na ko diba? Hahaha. :D Natapos na kong magbihis. Hindi ako makaalis sa harap ng salamin, ang ganda ganda ko kasi. Hahaha. Joke lang! Nag-iilusyon lang ako. :D

Umalis na ko sa bahay namin then sumakay na ko ng tricycle. Haaays! Yung hair ko, nililipad na naman. Eh baka nai-rejoice. Hahaha. Areng lang. :D Chineck ko yung phone ko na kaninang kanina pa nagvivibrate. Haaays! Alam ko naman na yung mga magaganda at mababait kong kaibigan yon eh. Hahaha. :D Tuwang tuwa na naman mga yon at pinupuri ko sila pero alam naman nilang palabiro ako sa mga ganyang usapan. Hahaha. Dejk. :D

Msg. #1: "Bes asan ka na ba?"

Msg. #2: "Oy babae! Bilisan mo!"

Msg. #3: "Ang tagal mo. Magi-start na yung flag raising."

Msg. #4: "Parang ang layo ng byahe ha. Asan ka na ba?"

Yan yung mga texts ng mga kaibigan kong magaganda at mababait. Hahahaha. Ew! :D Hindi naman halata na miss na miss at excited na nila kong makita hano? Hahaha. Dinaig ko pa principal sa pagpapabilis nila sakin. Hahaha. Iba talaga ang isang Ella de Leon. Daming nagmamahal. Haaaays! Hahahaha. :D

After 20 minutes, nakarating na din ako. Si Manong kasi ang bagal ng tricycle niya, mas mainam pa yata na nilakad ko nalang. Hahaha. Dejklang. Para namang kaya eh no? Haha. Areng ko lang yon. :D

Sinuot ko muna yung ID ko bago ko pumasok ng gate na nandon yung ultimate security guard na kinaiinisan ko. Hahaha. Eh pano ka ba namang hindi maiinis, kapag naiwan mo yung ID mo pauuwiin ka pa sa inyo para sa lintik na ID na yon. Eh pano nalang yung mga estudyante na sobrang layo ng bahay nila from school, kung uuwi pa sila ulit eh mas lalo silang malelate diba? Haynako.

Nakapasok na ko sa school at tumuloy agad ako sa gymnasium. Haaays! Napakadaming estudyante, di ko tuloy makita mga kaibigan ko. Ilang saglit lang ay may nagtakip ng mata ko habang hinahanap ko mga kaibigan ko. "Aray! Sino ba to?" Yan nalang nasabi ko sa sobrang gulat ko. Nakakainis kasi, nagmamadali na nga ako, bigla pang may magmamaepal. Haaays! :/ "Nagbakasyon lang nakalimot ka na." Sagot ng taong nagtakip ng mata ko. Kung sino ka man, nako nako! Humanda ka! "Tinakpan mo yung mata ko, eh pano kitang makikilala ha?! Ano ko manghuhula?! Try mo kayang alisin yang kamay mo sa mata ko!!" Sagot ko sa sobrang inis ko. Haaaays! Panira ng araw to. "Ay! Wala ka pa ding pagbabago. Masungit ka pa din. Hahahaha. :D" Pang-aasar niya at bigla niyang inalis kamay niya. "Epal ka talaga Shin!! Wala ka pa ding pagbabago!!" Sagot ko sakaniya pagkaalis ng kamay niya sa mga mata ko. Siya pala si Shin Ramirez, lalake yan pambabae lang yung name niya, ex ng isa sa mga kaibigan ko, pilot student siya pero hindi naman siya ganon katalino. Ewan ko nga ba at napunta sa pilot section yan. Hahaha. Dejk! :D Pilot section nga pala yung pinaka higher section sa school namin. Susunod lang yung section namin, Section 1.

"Hahaha. Eh bat nag-iisa ka yata?" Sabi ni Shin. "Hinahanap ko nga mga kaibigan ko eh. Nakita mo ba sila? Sagot ko naman. Dahil magpapasama ko sakanya na hanapin mga kaibigan ko kaya hindi ko na siya aawayin. Hahaha. Wise yata to! :D "Kapapasok ko lang din eh. Hindi ko nga din alam kung nasaan mga kaibigan ko eh." Sagot ni Shin sakin. "Samahan mo nga akong hanapin sila, baka nandon sila sa gawing harapan ng gymnasium. Bayad mo yan sa ginawa mo sakin kanina. Hahaha. :D" Sabi ko naman sakanya. Kapag eto hindi ako sinamahan, nako nako! "Sige. Tara na baka magsimula na yung flag raising." Sagot naman niya. Hahahaha. Woooah! I won! :D Hindi ako maghahanap mag-isa na parang tanga sa loob ng gymnasium.

Nagsimula na kaming maglakad. Dahil puro pagbati lang naman yung ginagawa sa stage kaya hindi kami pinapagalitan kahit kanina pa kami ikot ng ikot sa loob ng gymnasium at sa kalagitnaan ng pag-iikot namin ay biglang nagvibrate yung phone ko. 1 message received from Clarice Acosta: "Hoy babaita! Nandito kami sa harap ng gymnasium, nakikita na kita. At bat kasama mo yang Shin na yan?! Wag mong isasama dito yan, nandito si Crish." Si Crish Dela Cruz yung kaibigan ko na ex ni Shin Ramirex, hindi pa kasi siya totally na nakamove-on sa relationship nila dati kaya ganon nalang reaksyon ni Clarice nung nakita niya na kasama ko si Shin. Walang something samin ni Shin, we're just friends. At alam namin limitations namin.

"Oy Shin! Nakita ko na sila. Salamat sa pagsama. Sige, una na ko." Mabilis kong sinabi sakanya. "Per--o.. Camille!" Hindi ko na siya pinakinggan at nagmabilis ako sa paglakad. Alam mo naman yung sasabihin niya, na gusto niyang sumama sakin sa mga kaibigan ko. Pero hindi nga kasi talaga pwede kaya nagmabilis na ko sa paglakad. Close din kasi niya yung ibang members ng GFRIENDS, hindi lang ako. Classmate niya kasi nung grade school yung mga iba kong kaibigan kaya ayun. Hindi siya FC, short for feeling close. Hahahaha. :D

At nakarating na nga ako sa mga kaibigan ko. Syempre, yakap dito, kiss don. Hahaha. Ganyan kami kasweet sa isa't-isa. Wala kaming pake kung may nakakakitang iba. Hahaha. :D Hindi naman masagwa yon. Yun lang talaga yung way namin para ishow yung love namin sa isa't-isa. Hahaha. :D OA na ba? Sarreh.

Si Clarice, Chrish, Allyssa, Gevs at Jhoms lang yung nadatnan ko dun, wala pa si Sherrienne at Meme. "Eh bat kayo lang, nasaan yung dalawa?" Tanong ko sakanila, hindi kasi ako sanay na kulang kami. Hahaha. Kung nasaan yung isa, nandon dapat ang lahat. Hahaha. Ganyan kami kaya wala kayong pake. :D "Eh kanina ko pa tinatawagan si Sherrienne, hindi naman sumasagot." Sagot ni Clarice. "Si Meme daw, malapit na." Sagot naman ni Allyssa. "Hahaha. Baka hindi makaahon yung tricycle na sinakyan kaya natagalan. Hahaha." Pangbubully naman ni Gevs. Hahaha. Gaga talaga yung babae na yan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon