Naglalakad ako sa Corridor para sunduin si Nicole ng may marinig akong boses.
Boses ng maldita.
Nilapitan ko ang isang room natanaw ko ang isang babaeng pinagsakluban ng langit at lupa ang pagmumukha
"Oh talaga! Yung mukha mo nga parang nilublob sa bowl ng ilang beses. Mukhang tae na nga Amoy tae pa!"
Ibang klase talaga tong babaeng to. Wagas kung magsalita. Parang di nakakasakit ah!
"Atleast ako hindi malanding katulad mo! Nilandi mo na si Andrei pati ba naman si Julian!"
Bat pati ako nasali?
"Bakit kasalanan ko bang maganda ako! Naiingit kalang kasi walang papatol sayo, PANGET!"
"Kung makapagsalita ka para kang maganda! Eh Flat chested ka nga. Magco-college na hindi parin tinutubuan!"
Muntik na akong tumawa ng malakas sa sinabi ng kaaway ni Nicole.
Pansin pala ng lahat. Hindi lang ako!
"Ano naman ngayon? Ano tingin mo sa dibdib halaman na tumutubo? Saka pwede ba wag kang lumalapit sa akin ang baho ng hininga mo!" Sabi niya saka nag walk out
Pagkalabas niya sinundan ko agad siya.
"Astig ah. Sino ang kaaway mo na yon?" Hindi siya kumikibo
"Kasasakit ng binitawan mong salita baka na offend yung tao!" Sabi ko uli. This time lumingon siya saka tumingin ng masama
Ano nanaman nasabi ko?
"Ano bang pakielam mo sa nasabi ko sakanya? Sino ka ba Boyfriend ka ba niya? Siya rin naman ah. Kung ano ano ang sinabi sa akin!!! Sinabihan niya ako ng Malandi for pete's sake!!"
"Pero sana di mo nalang pinat--"
"Bakit diko papatulan?! Ano ako tanga! Martyr. Binaback stab na ako wala pa akong gagawin. Julian hindi ako santo!! Kaya pwede ba. Manahimik ka nalang kung wala kang sasabihin!!"
Gaya ng sinabi niya nanahimik nga ako.
"Ugh! Asan ba sila Guia. Kung kelan mo kailangan saka wala!!"
Sasabihin ko sana na pinapasundo siya kaso nag echo sa isip ko yung sinabi niya 'manahimik ka nalang'
"Julian ano ba! Bakla ka ba?!" Sigaw niya sa harap ko
"Bakit nanaman ako naging bakla?"
"Katanghaliang tapat nagdeday- dream ka? Tinatanong kita kung alam mo kung nasaan sila Guia"
"Nasa Caf. Nag la-lunch pinapasundo ka nga sa akin eh"
"Ano?! Bakit hindi mo sinabi?! Bwisit ka talaga Bobo!!"
"Sabi mo kasi manahimik nalang ako"
"Ang sabi ko manahimik kung wala kang sasabihin!"
Hindi na ako umimik! Baka makalimutan kong babae to masapok ko lang.
"Tara sa ca--"
"Ano bang sabi ko? Diba sabi ko tumahimik ka!!"
Bwiset! Nakakabwiset ang bwiset na to!
Pagpunta namin sa Caf, natanaw ko agad sila Guia.
"GUIIIIAAAA!! ARRRAAAAHHH!!"
"OUCH my eardrums is wasak na" nandito na pala si Leah-- the conyo girl.
"Yo Leah!" Bati ko
"Hi Julian!" Balik naman nito
Tiningnan ko ang katabi nitong si Jennilyn as usual nagbabasa nanaman siya.
Tinapik ko siya sa balikat, tumango lang naman.
Magkakaibigan kaming sampo.
Si Joey Arellano, Dan Marzan, Rodel Diga, Andrei De Ocampo at ako -Julian Gwapo Santos.
Guia Sarmiento, Leah Maie Zabat, Jennilyn Valmonte, Arah Talusan, at Nicole Sungit Pelayo.
Yung mga daddy namin magkaka team sa Basketball nung college sila. Samantala yung mga mommy namin, nagkakila-kilala lang nung naging kasintahan sila nila Daddy.
Yung Mom ni Nicole saka yung Mom ko at yung mommy ni Andrei mag bebestfriend since Elem.
"Julian what do you want to order?" Tanong ni Jennilyn
"Baked Mac, saka apple Juice nalang"
Tumango naman siya
"Nicole, What exactly happen?"
"Si Raina. Inaway niya nanaman ako! Pinatulan ko na naiinis na ako eh"
"Nicole dapat di mo na pinatulan" sabi ni Guia
"Yes. Guia's right" dugtong naman ni Arah
"Binaback stab na niya ako dapat lang sa kan--"
"Mas lalo mo lang pinalala. Pinalabas mo na ganon ka ngang tao" sabi ko naman
"Bakit ka ba nakikisali. Kinakausap ka ba?"
"Opinyon lang!" Giit ko naman
"Pwes diko kailangan ng opinyon mo!"
Napaka napaka napaka!! Julian babae yan bayaan mo na.
Isa nalang. Isa nalang talaga makikita mo!!
BINABASA MO ANG
The more you Hate The more you Love
HumorNakakainis ka na! - Nicole Pelayo I LOVE YOU TOO! -Julian Santos