Typos
Bago ako lumabas ng cr. Naglagay ako ng red lipstick then blush on.
Yung lugay kong buhok, iniba ko naging messy bun na siya.
Lumabas na ako saka pumasok sa room.
"OMG for the first time ti-nry mo rin yung lipstick na gift ko sayo" masayang sabi ni Arah
Nginitian ko lang naman sya.
"Ano nakain mo at naglagay ka niyan?" Tanong ni Guia
"Duh! Hindi pa nga siya kumakain!" Sagot naman ni Arah
"What? Halika kumain ka!"
Hinihila ako ni Guia pero di ako nagpatinag.
"Mamaya nalang please. Magii-start na ang class"
"Nicole meron pa tayong tatlong class bago mag dissmiss magugutom ka!"
Nginitian ko lang siya bilang assurance
Hindi nagtagal dumating na sila Leah Maie at Jennilyn, wala sila kanina kasi nag remedial sila sa isang subject.
Kasunod nila dumating yung mga boys. Si Andrei Joey at Julian lang yung classmate namin tapos yung dalawa si Rodel at Dan sa kabilang section.
Habang nagkaklase nakaramdam ako ng hilo, siguro sa gutom.
Tatayo na sana ako kaso biglang umikot ang paningin ko.
"NICOLE!!"
Narinig kong may tumawag sa akin pero sobrang nahihilo na ako after that.
ALL WENT BLACK.
--------------
Nagising ako nasa clinic na ako. Anong nangyari?
"Ate nurse, anong nangyari?"
"Uy gising ka na pala. Nahilo ka dala ng gutom kaya ka nawalan ng malay. Dyan ka lang may kukunin lang ako"
Pagbalik niya may dala siyang tatlong styro. Tatlong brownies isang mineral water na litro size saka isang Iced tea na kasize nung mineral water.
"Ano yan?" Nagtatakang tanong ko.
"Pagkain! Ito naman kailan ka pa naging inosente?" Natatawang sabi niya
Hindi ko nalang pinansin.
Binuksan ko yung styro, yung isa kanin tapos yung dalawa magkaibang putahe ng ulam.
Kumain na ako tutal gutom naman ako eh.
"Ate kanino galing to?" Tanong ko habang sinusubo ang pagkain.
"Sa boyfriend mo, si Julian"
Boyfriend? Sino daw si Julian
"Hindi ko siya boyfriend" sabi ko sabay subo.
"Talaga. Kaya pala alalang-alala siya sayo kanina nung hinatid ka niya"
Hinatid? So siya yung naghatid sa akin. Eh ano naman!
Pagkayari ko kumain nag ayos ako ng kaunti saka pumasok.
"Nicole okay ka na?" Tanong ni Julian
"Pwede bang tama na!" Sigaw ko sa kanya
"Anong tama na? Ano bang nangyayari sayo?" Naguguluhan niyang tanong
"Tama na! Stop making me believe na importante ako sayo! Wag mo na akong paniwalain na mahalaga ako!! Na nag-aalala ka sa akin dahil ang totoo nagkukunwari ka lang!!"
BINABASA MO ANG
The more you Hate The more you Love
HumorNakakainis ka na! - Nicole Pelayo I LOVE YOU TOO! -Julian Santos