Chapter 5:Hula.
Aya POV
So eto libot lang ako ng libot,tumingin ako sa mga shorts na andito pero wala along mapili tinignan ko yung relos ko at 45min. pa ang nakasulat kaya eto minadali ko nalang at sa ilang minuto kong pagpili ay ayun nakapili na ako ng isang checkboard na jogging pants pwede kotong pantulog.
So eto naglalakad ako ng Makita ko ang isang manghuhula (yung kamukha ni madam auring) tas wala siyang customer parang 45+ yung tanda niya nakakaawa lang kasing tignan magpahula kaya ako sa future kung anong mangyayari.
Pumunta ako sa pwesto niya biglang kumunot ang noo niya at parang confused and itsura mukhang ngayon palang ay hinuhulaan niya na ako dahil ang lalim ng tingin niya sakin tapos yung mukha niya takang-taka shete! ano ba tong pinasok ko bahala na si Batman kung anong kapalaran ko pero baka masama siguro... aiyssshh bahala na...
Palapit ako ng palapit sakanaya nang... "Miss Aya" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kilala niya ako pero hindi ko siya kilala pero paano yun?. tanga ka din Aya siyempre manghuhula yab bopols. "papahula po ako magkano pu ba?" tugon ko habang umuupo sa upuan dito sa tabi ng tindahan niya. "100" mahinahong tugon nito agad ko naman iniabot ang 100 pesos. "Ano bang papahula mo?" takang tanong nito agad naman akong nagsalita. "Yung future ko po kung sad or happy ang ending nang buhay ko".
Sinimulan niya nang balasahin ang mga baraha at eto akong so tanga kabado bakit ba?. Malay niyu sad ending nang buhay ko hay napasinghap ako ng malalim dahil tapos na siya mag balasa.Nine. King. At Two ang nakalagay my mukhang nakangiting siya yehey... mukhang happy ending to. "Anong gusto mong unahin ko?" Tugon ni Mam Manghuhula, agad kong tinuro king na baraha siguro naman ay good news to hindi naman siguro bad
"Tsk" sabi ni Madam Manghuhula mukhang masama ito. "Ang king ay sumisimbulo sa magiging Hari ng iyong puso".Shet totoo ba ang narinig ko pwede pa akong mainlove muli pero paano naman baka masaktan ako, agad kong tinuro ang nine napabalikwas naman siya at may kinuha. "Eto o" sabay abot sakin ng isang couple shirt na damit pero LO lang ang akin wala man-- sht eto yung couple shirt namin ni Gino pero bakit nasakanya. "Naiwan mo nun hindi mo ba ako natatandaan". kasabay ng pagpasok ng mga ala-ala ko.
_Flashback_
Nang matapos ang ilang mga araw eto ako si tanga hindi parin nakaka move on Sino ba talagang kailangan kong puntahan para maka move on...
Eto ngayon ako papuntang tsange (ukay-ukay) kasama ang dakila kong best friend na nagloko din oo nagalit din ako sakanya dahil alam daw niya na kapag sinabi niya sakin ehh hindi daw ako maniwala kaya eto hinintay niya nalang daw si Gino na siya yung magsabi sakin para errr~, bahala na so eto ako sa tsange naglalakad at eto namang si Miro ay tuloy lang sa pagpili ng damit wala ako sa mood para sa mga yan marami na akong damit hindi ko na kailangan yan.
"Miro Kain naman Tayo" bulong ko rito habang siya naman ay pumipili ng damit napahinga siya ng malalim. "Tara na bili Tayo ng Japanese cake" sabi nito agad naman akong sumunod, agad naman akong nagbuluntaryo para sa pambayad dahil bente pesos lang naman kaya eto si Miro naman ay tuloy lang sa pagpili ng polo mahilig talaga siya sa polo hindi mo makakaila.
Sunod lang ako ng sunod sakanya na parang aso na ewan basta after naming kumain ay sumama na naman ang mood ko kaya eto nakab--- at sa kasamaang palad nakita ko si Gino agad siyang lumapit dito at ibinigay ang isang shirt na may nakasulat na LO tas yung sakanya naman ay VE. "para hindi mo makalimutan na may pinagsamahan Tayo na matagal kahit papano. Bye!" sabay alis nito ano ako gago dobleng broken iniwan na nga sa Lovelife pati pa ngayon ay iiwan ako sa ukay-ukay ayy ang emo ko.
Nakakita ako ng isang matandang nanghuhula pero hindi pa naman ganun katanda ang itsura mga 40+ ang itsura balak ko sanang magpahula pero kinakabahan ako sa lalabas na masamang baraha pero kailangan kong gawin to wala namang masama diba?. diba?.
So eto ako papalapit nang papalapit sa Manghuhula kita ko naman agad akong nginitian nito kaya sinuklian ko din siya ng ngiti ~ pero peke kaya eto agad akong umupo at agad inabot ang isang daan na dala ko dito. agad naman niyang binalasa ang mga baraha kaya ako etong si tanga naghihintay ng lalalabas...
After a couple of minutes ay itinigil niya na ang pagbabaraha at agad siyang kumuha nang isang baraha. Five ang nakalagay sa bahara at black of spades ang nakalagay hayy nako kinakabahan na talaga ako...
"Hindi kapa nakaka-move on no hula ko lang pero alam kong 3 years nang na end ang relationship niyo ng isang lalaki, tatlo ang ibig sabihin ng Five of spades una, ay may makikilala kang isang lalaki, pangalawa ay mamakalimutan mo ang lahat ng sakit dahil sa bagong pag-ibig at pangatlo ay, magkakagulo kayo tatlo kayong magkakagulo 'LOVE TRIANGLE'".
So hindi niya talga ako pagmomove on pero imposible naman yun lahat ng tao ay makaka move on yun yung alam ko habang kumikibi ako dito ay bigla siyang nagsalita. "Masakit pero kakayanin mo yan alam ko" na touch ako sa sinabi niya kaya agad tumulo ang luha ko. Tuloy lang ako ng tuloy sa pag iyak. "Huyy bebs kanina pakita hianhapan Tara na" tugon ni Miro agad naman akong sumunod nang hindi sinasadyang mabitawan ang couple shirt na binigay sakin ni Gino...
--End of Flashback--
So siya pala ang nanghula sakin agad kong kinuha ang couple shirt at agad niyakap agad akong nag pa thank you sakanya dahil late narin ako kaya eto nagmamadaling sumakay ng jeep.
*~*
Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa bahay nagmamadaling pumasok at sakto andun si Tita Erenz at agad ko siyang niyakap na miss ko talaga tong si Tita ngayon nalang kasi kami nagkita after mg ilang buwan niyang pag ee stay sa Batangas at March 9 ngayon at bukas kami mag iimpake ni Miro ma chat nga nagluluto naman si Tita kaya eto pwede ko siyang ma chat.
Chatting Miro:
Bes bukas tayo mag aayos diba?.
From Miro:
Ahh bes diba inusog sa March 28 nalang siguro Tayo mag impake okay lang ba sayo?.
Chatting Miro:
Oo naman sige bye!.
At pagkatapos kong mag chat ay agad nang nakahain ang pagkain wala lang tahimik pang kaming kumakain feeling ko may problema tong si Tita Erenz pero ayaw ko namang makialam sa buhay niya no buhay niya na yun kaya hanggang sa labas lang ako bawal akong pumasok sa loob ng mga usapan pero feel mo talaga Basta kakaiba.
Teacher dati si Mama ko pero tumigil siya dahil naaksidente siya kaya eto binaling nalang ang atensiyon sakin pero ayaw ko namn yun gusto kong bumalik si Tita Erenz sa pagiging Teacher selfish naman ako kung ako nalang lagi ang umiikot aa mundo niya no.
Nakapasok na ako sa loob ng kwarto ko at gusto kong itulog lahat ng ito kaya eto ako nag on muna nang fb upang magpadating ng antok at ilang saglit pa ay nakatulog na ako.
*~*
Chapter 5 END...
BINABASA MO ANG
Where Do Broken Hearts Go?
Random{Published under Gma Books} Si Aya Guzman ay hindi pa nakaka-move on sa dati niyang Boyfriend na si Gino Hiberez kaya naisipan niyang sumama sa isang Road Trip Kung saan makakalimutan niya si Gino pero paano niya gagawin iyon. Date Written: April 29...