Zafarra's POV.
Nadatnan ko sa sala na naghihintay si abby, naka ready na ito at talagang nag ponytail pa sya na parang high school student pa talaga. Kaya natawa ako nang maka lapit sakanya, ngayong araw na kase ang reunion ng high school batch namin.
Aba! Lumalaban ang besh ko ah, ano yan parang teenager pa ang peg ha abby?.
Tapos ay nagtawanan kami dahil sa ayus namin. Ako naman ay simpleng nag make up at nagkulot ng buhok saka ko lang sinuot ang uniform na binili ko sobrang hikli nga ng mga palda ngayon kesa sa mga palda namin dati na below the knee, wala na kasi yung mga luma naming uniform at hindi narin naman kakasya yun sakin dahil payat talaga ako nung high school ako. Ngayon naman hindi na gaanong payat dahil medyo malaman na ang shape ng katawan ko mas sexy ako ngayon kesa nung high school ako echos'' hehe..Ikaw din naman besh, masyado mong ginandahan, baka naman magka love life ka ulit nyan ha.. Ani nya sakin.
Sira ka talaga besh, sino naman magkaka gusto sa isang babaeng na byuda na at may anak?, saka ako ngumiti ng mapait sa tinuran ko.
Ano kaba zafa ang ganda mo kaya at ang sexy mo pa, eh daig mo pa nga yung mga dalaga dyan na single nga pero hindi naman maganda. Ani ni abby.
Nagtawanan nalang kami at inayahan ko nalang ang mga sinasabi ni abby, at nagtuloy na kami sa kotchi ko at pumunta nalang sa dati naming skwelahan. Inihatid ko muna si jillian kay papa, tutal close naman ang mag lolo kaya gustong gusto ni papa na dun ko ini iwan minsan si jillian pag may lakad ako.
Habang nasa byahe kami ni abby, naisip ko na tama nga minsan si abby sa mga sinasabi nya sakin na try ko daw makipag date minsan dahil puro stress lang daw ang mangyayare saken kung puro business aatupagin ko. Meron din naman mga gustong manligaw sakin lalo na at nasa larangan ako ng business. May mga naka transact nadin ako na mga single parent din at yung iba mga binata. Ang kaso lang ay ayaw ko. Ayoko talaga dahil siguro ay hindi kopa tanggap na wala na si julian.
Pero ngayon ay napa isip ako sa payo ng best friend ko. Na magiging masaya at makulay ang buhay namin ng anak ko kung mabubuo kami bilang isang pamilya. At isipin ko daw na mas magiging masaya kami lalo na ni jillian kung magkakaroon sya ng bagong daddy na gagabay din sakanya katuwang ko. Siguro wala naman mawawala kung susubukan ko. Ani ko sa isip ko.Naka pasok na kami ni abby sa campus at iginala agad namin ang mga mata sa paligid, dahil talaga naman lumaki na ang school na ito at may mga bagong school building na nadagdag.
Malaki na talaga ang nabago sa school na ito no zafa?.
Oo nga abby, isipin mo 16year old palang tayo nung grumaduate tayo dito, at ngayong babalik tayo dito ng 28year old na. Halos 12years na din ang lumipas nang huli akong umapak sa school na ito.
Tama ka besh, at yung ibang mga ka batch natin eh mukhang mga gurang na, at hindi inalagahan ang pagiging baby face hehe.. Nagtawanan lang kami sa sinabi nya.
Nang maka pasok na kami sa function hall kung san gaganapin ang reunion party, nakita agad namin sila marie, pearl at celyn sa pabilog na lamesa kasama nila ang iba pa naming naging kaklase nung araw. Kaya lumapit kami ni abby at nakipag komustahan sakanila.
Hi guys! Long time no see,. Ani abby sa mga kasama namin sa lamesa.
Masaya naman ang mga naging kwentuhan nila at kung minsan ay sumasali din naman ako sa mga kwento nila about sa nangyari nung mga high school kami. Para tuloy nag balik kami sa nakaraan dahil sa mga masasayang ala ala namin nung high school. Iba iba ang kwento nila at nasali narin ang mga crushes at ligawan nung araw, kaya ginisa din ako about sa past na nangyari tungkol sa crush kong si jan. Nagtuksuhan at nagtawanan kami. Punung puno ng tawanan ang upuan namin sa sobrang saya.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY ULTIMATE HIGH SCHOOL CRUSH
Romancemasaya na si zafarra evans williams sa kanyang pamilya, may isang anak sya na babae apat na taong gulang at may asawa na mapagmahal at masipag kaya naman maganda ang buhay na naibibigay nito kay zafarra at sa anak nila na si jillian. may namana rin...