Jan's POV.
Nilibot ng mga mata ko ang mga round table sa buong function hall para hanapin kung saan ko makikita sila manuel.
Sila manuel, oscar at agustin ang mga malapit kong kaibigan nuong high school kami.
Habang nililibot ko ang buong function hall, ay may isang babae ang nahagip ng mga mata ko, tandang-tanda ko pa ang mala anghel nyang mukha, nang minsang napunta ako sa probinsya nila lolo.
Sya yung babae sa cementery na naka upo sa harap ng isang lapida na lumuluha, sobrang lungkot ng kanyang mukha nung makita ko sya doon.
Wala naman talaga akong interest sa mga babae, pero nang makita ko itong babae nato, ay nakuha na nya ang atensyon ko.
Yung araw na makita ko sya ay ang araw ng libing ng lolo ko sa tuhod.Flashback.....
Kuya joel, mauna nako sayo sa sasakyan. Mukhang tayo nalang ang naiwan dito sa puntod ni lolo, hihintayin nalang kita dun, nagsi-alisan na kasi ang lahat at mukhang uulan pa yata dahil makulimlim ang panahon.
Habang naglalakad ako papunta sa sasakyan kung saan ito naka park ay nakita ko ang isang babaeng lumuluha habang naka upo sa harap ng isang lapida, napaka lungkot ng kanyang mukha na tila sobrang nangungulila ito dito.
Kahit napaka lungkot nito, ay makikita mo parin ang kanyang ganda, na para bang isang angel. Napaka hinhin ng kanyang mukha, ito ang unang babae na pumukaw ng mga mata ko. Dahil ss mala angel nyang mukha.
Lalapitan ko sana sya at bibigyan ng panyo, ang kaso ay dumating na ang kuya ko at kinabig nako sa sasakyan ko na malapit lang saken.
Simula nun ay hindi kona sya nakita. Yun ang una at huling nabighani ako sa isang babae sa taglay nyang ganda.
End of flashback..
Ngayon nakita ko syang muli, at iba ang itchura nya ngayon kesa sa dati ay malungkot, ngunit ngayon nakikita ko syang nakikipag tawanan sa mga kasama nya, mas lalo syang naging mukhang angel dahil sa napaka ganda ng kanyang mga ngiti, na tila ba ina aya nya akong ngumiti.
Napapangiti ako habang minamasdan ko sya. Ngunit napansin yata nung kasama nya na nakatingin ako sakanila kaya pati sya ay luminga sa gawi ko.Nagka eye to eye contact kami ng mga ilang segundo ng bigla syang pumikit ng 5sec, kaya kunyari ay hindi siya ang tinitignan ko. Nagpalinga ang mata ko sa katabing lamesa nila at nakita ko si oscar na kalikuran nya ng upo. Kaya ay lumapit na ako sa mesa namin at nakipag komustahan.
Dude' how are you?,. Pambungad saken ni manuel.
Im fine bro', kayo kumusta na?..tanong ko sakanila.
Heto parin.. Si oscar yun, Kaya nagtawanan nalang kame.
Balita ko sikat ka ng abogado ngayon pare'. Si agustin naman ang nagsalita.
Hindi naman gaano bro, kumusta naman ang ina anak ko?. Ani ko
Ayun ang laki na, sobrang likot na nya ngayon. "ani ni agustin.
Habang nakikipag kwentuhan at nakikitawa ako sa table namin ay pasimple akong tumitingin kay angel, nang bigla nalang syang napalinga sa kina uupuan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko ng magtugma ulit ang mga mata namin, kaso nga lang ay bigla syang nagpalingalinga na tila may hinahanap, kaya naisip ko na baka feeling ko lang na ako ang tinitignan nya pero hindi naman yata.
"ANGEL" Yun ang tawag ko sakanya sa isipan ko, cause she's look like an angel.
May matandang babae na lumapit sa table nila at sa table namin. Isa ito sa mga teacher namin nung araw. Nagumusta lang sya at umalis din pagkatapos makipag kwentuhan kila angel.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY ULTIMATE HIGH SCHOOL CRUSH
Romancemasaya na si zafarra evans williams sa kanyang pamilya, may isang anak sya na babae apat na taong gulang at may asawa na mapagmahal at masipag kaya naman maganda ang buhay na naibibigay nito kay zafarra at sa anak nila na si jillian. may namana rin...