Naging matatag siya para sa kanyang bayan, para sa kanyang pamilya. Nakipaglaban siya sa mga hindi makatarungang kababayan at ipinagtanggol ang mga walang laban na mamamayan. Ngunit isang gabi nang matapos na ang madugong labanan ay pinaslang sa kanyang silid si Emilio at doon na nagtapos ang kanyang buhay.
"Ano ba yan? Wala bang magandang wakas ang talambuhay ng mga bayani? Lagi nalang silang namamatay sa katapusan ng kwento" wika ko at isinara ang librong binabasa ko.
"Ano na naman yang binabasa mo Val?" Sabay tabi sa akin ng aking nakatatandang kapatid na lalaki.
"Emiliano Victorino na naman? Hindi ka ba nagsasawa sa mga ganyang kwento?" Sabi nito nang makita ang pabalat ng librong kakatapos ko lamang basahin.
"Unang-una Van, wala akong pake sa nararamdaman mo. Pangalawa, hindi ko hinihingi ang opinyon mo. Pangatlo, lumayas ka na dito sa harap ko dahil hindi naman kita kailangan dito. Alis na! Dali!" Sabay kumpas ng aking kamay na tipong pinapalayo siya.
"Unang-una Val, wala rin naman akong pake sa nararamdaman mo. Pangalawa, hindi ko rin naman hinihingi ang opinyon mo. Pangatlo, hindi sayo 'tong bahay kaya hindi ako aalis dito. Intindi mo?" May halong pagyayabang sa boses niya.
"K" tipid kong sagot at inayos ang pagkakahiga ko sa kama.
"Teka, bakit ka nga pala nandito sa kwarto ko? May kailangan ka na naman?"
"Wala po akong kailangan mahal na prinsesa. Pinapasabi lang po ni Ina na maghanda ka na para sa paglilibot natin sa Centuria mamaya" huling sabi nito at umalis na.
"Daming alam. Maglilibot pa raw sa Centuria samantalang sa libraria lang naman talaga ako naglilibot doon" bulong ko at saka ko ipinikit ang aking mga mata para sa aking pagtulog.
~
"Ah!" Isang malakas na sigaw ang naging dahil para mapabalikwas ako ng bangon sa aking kama."Huwag po!" Narinig ko ulit ang sigaw kaya tumakbo ako papunta sa bintana ng aking silid para tingnan kung ano ang nangyayari.
Agad akong napaupo sa sahig dahil sa aking natunghayan. Ramdam ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko. Kinakabahan ako.
"Val!" Biglang bukas ng pinto ng kwarto ko kung saan nasilayan ko ang nag-aalalang mukha ng aking kapatid.
Agad siyang tumakbo sa kinaroroonan ko at niyakap ako. Nang sandaling iyon ay nagkusa na ang mga luha ko'ng mag-unahan palabas. Hindi ko alam ang gagawin. Kinakabahan ako at punong-puno ng tensyon ang katawan at isip ko.
"Tara na. Kailangan na nating umalis"
"Si Ina? Nasaan si Ina?" Nag-aalala kong tanong. Hindi sumagot si Van at tiningnan niya lamang ako gamit ang mga tinging ni minsan ay hindi niya pinakita sa akin dati. Nangilid na naman ang mga luha ko sa napagtanto ko.
"Ayoko. Dito na lamang ako" wika ko.
"Hindi pwede Val. Tara na, kailangan na natin umalis bago pa nila halughugin ang bahay" Pangungumbinsi nito.
"A..yo...ko" Sabay hikbi ko.
"Val, isipin mo naman ang nasa paligid mo hindi yung panay sarili mo lamang. Hindi mo ba naisip na sumama si Ina sa mga iyon para hindi ka nila makuha't gawing alipin? Inilaan ni Ina ang buhay niya para sayo ngunit sisirain mo lamang ito dahil sa kagustuhan mo? Hindi ba't ikaw na ang nagsabing matalino ka? Bakit hindi mo isipin ang mga maaaring mangyari sa oras na magpaiwan ka rito?" Napatungo na lamang ako habang patuloy sa pag-iyak.
Niyakap na lamang ulit niya ako habang hinihimas ang likod ko. "Tahan na. Ayaw ni Ina na naiyak ka" Kinalas niya ang pagkakayakap sakin at hinawakan ang kanan kong kamay. "Tara na" Sabay kaming tumayo at tumakbo palabas ng kwarto.
"Wag po! Wag niyo po siyang kunin samin" Rinig kong sigaw ng mga tao sa labas habang pababa kami ng hagdan.
"Tulong!" Kasabay nito ang pagkakarinig ko sa sunod-sunod na putok ng baril. Sa likod kami ng bahay dadaan at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking katawan.
"Van," tawag ko sa aking kapatid. Tiningnan lang ako nito at hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay.
"Makakaalis ka, tayo, rito" Nginitian na lamang niya ako. Buti pa siya, kahit halatang pilit na pilit ay nagagawa pa rin niyang ngumiti kahit papaano.
Mabilis na binuksan ni Van ang pinto at nang makita namin ang naririto'y sana'y hindi na lamang kami lumabas at hintayin na lamang ang darating na milagro.
"May balak ka pang tumakas Giovanni" Sabi ni Dawo habang ikinakasa nito ang kanyang hawak na baril. Itinulak niya kami papasok uli sa loob ng bahay habang nakatutok kay Van ang baril.
"Makakatakas ka" Bulong sa akin ni Van at ngumiti na naman siya pero iba na ang kanyang ngiti hindi katulad ng ngiting pilit kanina. Natural ito ngunit parang may mali. Teka, bakit ba nakakangiti pa rin siya kahit sa oras na may posibilidad na mamamata - Hindi. Makakatakas kami.
'BANG!'
"VAN!"
![](https://img.wattpad.com/cover/23741446-288-k98179.jpg)
BINABASA MO ANG
Emilia Valerie [ SOON ]
AdventureSa mundo kung saan nahahati ang mga tao base sa kani-kanilang estado sa buhay ay may isang babaeng naging matapang at kinalaban ang mga nakatataas. Sa ginawa niya bang ito ay magiging normal na ulit ang lahat? O sa ginawa niyang iyon ay lalong gugu...