Career

10 0 0
                                    

Ito pa isang dahilan kung bakit Single ka pa din , ito ay dahil sa iyong kareer na narating mo na. Paano ? ikwento ko sayo

Ako ay Produkto ng Seperated parents, dahil dun ang aking ina ay kinailangan na mag hanap buhay pra kami ng aking ka isa-isang kapatid ay kanyang ma itaguyod.

Kayat ang aking mga tiyahin ang tumayong aking ina na tagapag alaga siya si tita Wheng ,at si Tita Nhia.

Oh ano kinalaman ng tiyahin ko sa pagiging single mo ?

Ganito yun si tita Wheng ay isang Professional Teacher sa isang Pribadong iskwelahan,.Magaling at napaka bait na Guro ng High school at Elementary student si tita Wheng.

kadalasan nakikita ko sya na gumagawa ng mga lesson plan tuwing gabi. natatapos sya ng madaling araw at pag umaga na bago sumikat ang araw umaalis na sya papuntang iskwelahan para magturo.

Everyday ganun ang routine nya , at minsan naman pag gabi may Nanliligaw sa kanyang lalaki may dalang bulaklak, pero pagkatapos ng isang gabi ng pag uusap , ndi ko na ulit nakikita yung mga nanliligaw sa kanya ndi ko alam dahilan.

Maaring binasted ni tita ,maaring ayaw nya pang pumasok sa isang relasyon, dahil marami pang mga bagay na higit nya pinahahalagahan , isa pa siya ang bread winner sa pamilya.

Hanggang sa nakagraduate na ako ng kolehiyo, wala pa ding asawa si tita Wheng.

Para tuloy may punto yung  sinasabi ng professor ko noon na
" kung gusto mo pang makapag asawa ay huwag kang mag aral ng pagtuturo ,o Pag titeacher "

Dahil karamihan sa mga guro ay hinde na nakakapag asawa hanggang sa tumandang dalaga na.

Sa totoo lang marami akong kilalang ganun. yung teacher ko ng Grade 3 ng grade 2 at ng grade 1 yung isa.matandang dalaga na si Ms. Aguillar.

Subalit hinde namn lahat ng guro ay hinde nakakapag asawa, karamihan lang sa kanila ay single may pinapaaral may binubuhay kc karamihan din kanila ay bread winner sa kanilang pamilya.

Ganun pa man malaki pag hanga ko sa mga guro na mabuti at masigasig nilang ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang guro. Dahil din isa sila sa mga humuhubog ng Pagkatao ng bawat Estudyante.

Naalala ko pa yung sinabi ng Lolo ko sa tiyahin kong si tita Wheng., sabi nya

" kung sa tingin mo wala kang nararamdaman sa kanya ( sa mga nanliligaw sa.kanya ) ay huwag mo nag paasahin sabihin mo ka agad kung ano ang Opinyon at nararamdaman mo pra sa kanya"

kaya hayun puro basted inabot ng mga manliligaw nya, at cguro masyado pihikan si tita Wheng.

Wala namang masama sa pagiging pihikan , ang masama ay bandang huli  may Regrets ka pla sa sarili dahil hanggang ngayon ay
Single ka pa din..

Haha ! Baka naiisip mo na dahil panget ka o panget ang figure mo,
O dahil kaka iba ka kung ikukumpara sa iba o di kaya may kapansanan ka.

Well believe it or not marami ako kilala at nakita sa TV. Na malayo ang itsura nila sa isat isa , kumbaga ang bansag ng iba ay

" beuty and the beast " bakit kc naman ang ganda ganda ng girl pero si boy maitim na panget pa sabi nila.

Ito ang patunay  hinde lang laging panlabas na katangian ang pinahahalagahan , kundi ang tunay at busilak na puso pra sa minamahal.

Marami kc sa atin na ang hangad ay puro Kagandahang panlabas , gwapo o maganda, well kahit sinu naman.

Ang masama lang eh. Alam mo ng may sabit ,masama ang ugali, pero go ka pa din nilandi mo pa din.

Wag ganun dahil gulo ang kahihinatnan nun. Maging matuwid ka na lang sa mata ng Tao at ng Diyos.

May mga tao naman na pinagpala ng Diyos sa kanilang partner  kc , maganda na o gwapo na mabuti pa ang puso.

Huwag ka mainggit sa kanila , dahil yung Diyos maalam sa lahat. May mga dahilan kung bakit single ka pa din ngayon, maaring nag hahanda  ang Diyos ng para lang sayo, maaring kung yung klasmeyt mong crush na crush mo noon nakatuluyan mo eh magiging kalbaryo pala magiging buhay mo sa kanya.

Single ka hinde dahil panget ka kundi nag hihintay ka ng taong nararapat sayo.

Single ka kc ang dami mong higit na pinahahalagahan kaysa sa love life mo.

Single ka kc mas importante ang meeting nyu ng Boss mo kesa sa kaibigan mong guy na nag ppm sayo na nag aalok na kumain kayo sa labas.

Single ka kc gusto mo gwapo o maganda, bakit maganda ka ba o gwapo ka ba ?

Single ka kc gusto mo mayaman , bakit maganda ka ba ? Bakit gwapo ka ba ? At bakit mayaman ka ba ?

Single ka kc gusto mo relihiyoso
Bakit Relihiyoso ka ba ?

Babaan natin ng kunti yung standard ntin , lalo na kung papunta na tayo sa desperasyon , dahil baka bandang huli magkakaroon tayo ng regrets at mapunta pa tayo sa masama.

Pls. Vote and Follow for the next parts
God bless !

Why you are Single ?Where stories live. Discover now