Fear

3 0 0
                                    

Marami sa atin ,kung tawagin ay torpe, kadalasan sa mga lalaki ,.takot manligaw sa mga babaeng nagugustuhan nila. Sa mga babae naman takot mag paligaw o pumasok sa isang relasyon dahil baka lokohin lang sila ng lalaking karelasyon nila.

Natural ang matakot sa mga bagay bagay na maaring makasakit sayo sa pisikal at emosyonal.

Subalit hinde nakakabuti sa tao ang sobra o labis na matatakutin dahil ito ang magdadala sayo sa kalungkutan at pag kabigo.


Halimbawa , Paano tataas ang grado mo ? Kung takot ka mag recite sa klase nyu.

Halos lahat ng klasmeyt mo alam na ang isasagot at nagtataas ng kanilang kamay , samantalang ikaw, iniisip mo pa din na baka mali , atnbaka pagtawanan ang sagot mo.

Paano tataas ang grado mo kung takot ka mag report, ipapasa mo na lang sa ka grupo mo ? Paano ka mapapansin ng kaklase mo, na crush mo,  kung ayaw mo mag report, ayaw mo mag recite.

Sa Office ,takot ka na mag report sa tuwing mag me meeting kayo ng mga  co-worker mo na matataas ang mga posisyon.

Takot ka sa Boss mo na baka pagalitan ka kapag nagkamali ka sa ipinatatapos nyang report.


Takot ka na baka iwan ka ng mga kaibigan mo kaya nmn trying hard ka makisama sa kanila kahit nmn panget talaga ang ugali ng iba mong mga kaibigan.

Dahil sa takot maraming mga opportunity ang nasayang ,kagaya ng sana yung grade mo eh 98%  kung hindi ka natakot na mag report sa napaka ganda mong topic sa Biology.

Sana na promoted kana ng boss mo kung maganda sana ang performance report mo , kaya lang na blanko na isip mo utal utal ka na nung mag discuss ka ng report mo.

Sana kayo na nung Super crush mong  kaibigan, kaya lang ayaw mo takot ka baka lokohin ka , baka hinde ka makapag pokus sa iyong pag aaral, baka dahilan ng pag baba ng grado mo.

Takot isa sa dahilan bakit nanjan ka sa kinalalagyan mo.
Takot ang dahilan bakit anjan ka sa estado mo
Takot ang dahilan kung bakit ayaw mo mag tayo ng negosyo ,  sabi mo " Baka malugi , baka kc mabankcrupt
wag na lang "

Walang masama ang matakot , ito ay patunay na ikaw ay isang tao at hinde halimaw , subalit ang sobrang takot ay maaring maging dahilan ng pag kabigo.

Maraming pwedeng gawin upang ma iwasan ang sobrang takot , pra lalong mapataas ang self confidence mo.

1. Read -
Mag basa ka ng mga Libro yung libro na binigay ng skwelahan nyu dahil ang magiging topic ng discussion ninyo sa klase siguradong nasa libro. Medyo mag advance ka ng pag pagbabasa mo,unahan mo ng bahagya ang topic ng discussion sa klase , kapag nagawa mo yun, baka ang crush mo maging crush ka na din dahil sa pag hanga sa mga sagot mo.

2. Confidence - Dahil sa mababang tiwala sayong sarili kaya ka natatakot na manligaw , o pumasok sa isang relasyon, takot ka na baka mabasted ka ,takot ka na baka masaktan ka lang, once na maging kayo ng crush mo at baka matapos ang relasyon nyu.

Pwede mong palaguin o pataasin ang level ng confidence mo. Kung takot kang mang ligaw , subukan mong mag effort  na ayusin ang sarili mo, maligo ka twice a day. Mag Gel ka mag pabango yung mild lang ang amoy wag matapang dahil kapag matapang imbes na mabanguhan si crush eh baka mabahing lang atska  pumustura ka pomorma ka.

Kapag nagawa mo na yun gawin, kung may kaibigan kang babae na mapagkakatiwalaan, huminge ka ng tulong sa kanya alamin mo ang don'ts and want ng mga babae, pwede din na mag ensayo sakanya sa harap niya ng mga salitang sasabihin mo sa babaeng na gugustuhan.

Dahil dyan masasanay ka ng mabasted , haha ! Joke lang masasanay ka na ,ng may kaharap kang babae habang sinasabi ang mga gusto mong sabihin sa kanya.

3. Image - Kung maari ibahin mo ang image mo physically at ugali. Maraming mga tao na nadidisappoint o na teturn off ,sa ugali once na malaman nila at sasabihin nila " ganun pala sya, ay may attitude pala." Minsan makikinig ka sa mga kaibigan mo sila magsasabi kung sino ka ,masakit man pero iyun ay totoo kaya tanggapin mo at baguhin mo.

Sa physical syempre alam mona yun yung mga binaggit ko na kanina.

Iyan ang mga pwede mong gawin upang mabawasan ang takot mo sa sarili ,maari mong  maiwasan ang mga yan kung palalaguin mo ang sarili mo

Makinig sa mga matatanda na may karanasan na ,dahil alam nila kung paano i take over ang takot sa sarili.

Guys pa vote na lang at Follow, Kung may mali po sa mga salita pwede po kayong mag comment pra may itama
Salamat po.
God bless.!







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Why you are Single ?Where stories live. Discover now