Chapter Five

7 3 0
                                    

Nami's POV

Nangmagising ako sa pagtulog ay gabi na. Kagigising ko lang pero feeling ko pagod na pagod ang katawan ko. Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas at sumilip si Matheo.

"Gising ka na pala. Kain na tayo." sabi niya at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko. Umupo siya sa kama at parang tangang nakatingin lang sa akin. "May pupuntahan ako mamaya pagkatapos kumain. Sama ka?" he said, still looking at me.

"Where?" I asked. I want to unwind.

"Sa bar na malapit lang dito. May resort kasi na kalapit itong bahay na ito."

"Sama ako." sabi ko at bumangon na. "Magbibihis lang ako." dagdag ko at nagtungo sa kinalalagyan ng traveling bag ko at naghanap ng isusuot.

"I'll wait you downstairs." at lumabas na siya ng kwarto.

Nagsuot ako ng highwaist denim short at croptop. Isinuot ko din ang flat ko na sandal. Naglagay lang ako ng face powder then off to go na.

Pagbaba ko ay nakita ko si Matheo na naghihintay sa may sala. Napansin niya naman ako kaya lumapit siya sa akin.

"Come, let's eat." he said and grab my hand. Naglalakad kaming pareho papunta sa dining room. Nakahain na ang mga pagkain doon.
Naupo na kami at sinimulan ng kumain.

Habang kumakain ay biglang nagsalita si Matheo.

"Alam mo Nami, para sa isang babae ang tahimik mo." sabi niya at sumubo ng kanin na may ulam.

"Nakakapagod magsalita." I said. Totoo naman. At isa pa wala naman akong ibang sasabihin.

"Nakakapanis naman ng laway ang hindi pagsasalita. Magkwento ka naman. Magkwekwento din ako." ugh! Ang daldal niya. Hindi niya ba nakikitang busy ako kumain?

"Im eating." I said with a bored tone. Makahalata naman sana siya na ayaw ko magsalita. Duh~ I hate their species tapos makikipagusap ako sa kanila? Big NO!

"Okay. Finish your food then we'll go." sabi niya at nanahimik na. Buti naman kundi bubusalan ko na ang bunganga nitong bwisit na lalake na 'to.

Bakit ko nga ba siya ulit kasama? Ah yeah right. Dahil sa nanay kong may saltik.

Nandito kami sa may labas ng bar na sinasabi ni Matheo. Rinig na rinig ang malakas na tugtog mula sa loob ng bar. May mga nakita din akong mga kababaihan na naka bikini. Well malapit lang ito sa dagat kaya siguro ganun ang suot nila.

"Let's go. Wag ka lang lalayo sa akin baka mapano ka." sabi niya habang hawak ang wrist ko.

"Matheo," tawag ko sa kaniya nang makapasok na kami sa bar.

"Why?" he asked. Nakatingin lang ito sa cellphone niya at tila may ka text.

"Anong gagawin mo dito kung hindi ako sumama?" I asked. Na curious ako eh. Ano namang gagawin niya sa bar? Mambababae? Ugh! May rules kami.

"May kikitain lang na kaibigan." may kikitain? Sa Bar?

Wait, why do I even care?

Napatango na lang ako at hindi na nagsalita.

"Alam ko na kung nasaan sila." he said at kinaladkad na naman ako. Huminto kami sa tapat ng isang lamesa at may mga lalakeng nakaupo doon.

Lalake na naman? The heck!

Matheo's POV

Nandito kami sa bar na pinagusapan naming pagkikitaan. Mga kaibigan ko na nandito din pala sa batanggas. Kasama ko si Nami na nagpunta dito. Ewan ko ba pero ayaw kong hindi siya nakikita. Baliw na ata ako.

Hawak hawak ko ang kamay niya habang hinahanap ang kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Nang malaman ko na kung nasaan sila ay hinila ko na ulit si Nami palunta doon. Ayaw ko siyang bitawan dahil baka mawala siya.

"Hey bro!" masiglang bati ko sa mga kaibigan ko ng makarating kami sa kinalalagyan nila.

"Theo mah friend!" Jester said at nakipag fist bump pa sa akin at pinaupo na kami. Hinila ko naman si Nami para maupo sa tabi ko.

"Hey Theo, who is that beautiful girl beside you?" tanong ni Lenard, pinsan ni Jester.

"Ahh, She's Nami. My wife." pakilala ko sa kanila. Inabot ko naman ang beer na binigay ni Jester.

"Woah! Kasal ka na talaga? Di mo man lang kami inimbitahan." Matt said still looking at Nami. Inabutan ko din si Nami ng beer.

"Yah, sorry buds, biglaan din eh." Nakangiti kong sabi. Nakatingin lang ako kay Nami na tahimik na umiinom.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Hindi pa naman ganon karami ang naiinom namin kaya hindi pa kami lasing. Though, wala naman sa plano ko ang mahpakalasing dahil kasama ko si Nami baka mapano pa kami.

"Matheo, cr lang ako. San banda ang cr?" tanong ni Nami sa tabi ko.

"Samahan na kita." I said to her. Baka kasi bigla na lang may humila sa kaniya eh.

"I can manage. Sabihin mo na lang  kung saan." wala na akong nagawa pa kaya sinabi ko na.

Pagkaalis niya ay itinuloy namin anv kwentuhan. Bigla bigla ay nagtanong si Lenard.

"Theo, what is her full name again?" Lenard asked.

"Nami Dela Vega." I said. Yun na ang pangalan niya mula ng ikasal kami.

"No, her name before you two get married." He said again.

"Nami Salcedo." medyo nagtataka na ako dahil sa inaasta nila.

"I knew it. Kaya pala pamilyar eh." he beamed. Pamilyar? Nakilala na niya ito dati?

"What do you mean familiar?" I asked Lenard. He was about to answer pero bigla na lang bumalik si Nami. I looked at her face and there's a trace of tear in her eyes.

Agad akong tumayo at hinawakan ang muka niya. She flinched and her eyes started to get watery.

"What happened?" seryoso kong tanong sa kaniya. Damn! I am worried.

"C-can we go h-home?" She said stammering. I nod my head.

"Buds, mauna na kami. Mukang hindi maganda pakiramdam ni Nami eh." sabi ko. Nakakaintinding tumango naman sila.

Hawak hawak ko ang kamay ni Nami habang naglalakad palabas ng bar.

Nang makauwi kami ay balisa pa rin si Nami. Did somebody harrased her? Damn! Dapat talaga hindi ko na siya hinayaan na pumunta ng cr ng magisa.

Nakaupo kami sa sofa. Tinitignan ko siya habang siya nakatingin sa kawalan.

"What happened Nami?" I asked her. Nilingon niya lang ako pero hindi siya nagsalita.

"Nami." still no response. Napabuntong hininga na lang ako.

"Magpahinga ka na." sabi ko at inalalayan siyang tumayo.

Pagdating sa kwarto nakatulala parin siya.

"Nami magshower ka na bago ka matulog." walang imik siyang sununod sa sinabi ko.

After how many minutes, lumabas na siya ng banyo at nakapantulog na. Lumapit siya sa kama at nahiga na. Ilang minuto lang siguro ay nakatulog na siya.

Lumabas ako ng kwarto niya at nagtungo sa katabing kwarto. Nagshower at nagsuot lang ng boxer then nahiga na din ako iniisip pa rin kung ano ang nangyari kay Nami. Hindi ko na namalayan, nahila na ako ng antok at nakatulog na.

--

Y e m a b o l 🌻

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Without DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon