He Save Me ! PART I

1.1K 26 9
                                    

He Save me ! this is just a short story. Listen to Stand Up by J-Min habang nag babasa kayo if you want :)

----------------------------------------------------

"Hoy ! Ms. Sokoro ! Mag salita ka naman ! Freak ! hahaha !" sabi nung lalaking ka schoolmate ko.

Nan dito ako ngayon sa isang garden sa likod ng apat na palapag na building at nakaupo habang nakayuko at natatakpan ng mahaba kong bangs ang muka ko ..

eto na naman ako ginagawa na naman nila sakin to...

"Grabe ! ang creepy mo talaga Sokoro! pangalan palang niya nakakatakot na. Hindi kaya kapatid yan ni Sadako? Hahaha!"sabay tawanan nilang mag kakabarkada.

"Anak ng mamamatay tao yan kaya dapat hindi tayo lumalapit diyan !"

At bigla bigla nila akong binato ng isang itlog sa ulo naramdaman ko na nabasag yung itlog sa ulo ko.

Hinayaan ko na lang yon na kumalat sa buhok dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Tiningnan ko yung mga lalaking yon nag tatawanan pa sila nakita kong may mga estudyante narin na nanonoud at may mga hawak pa silang cellphone at camera.

Dahil sa walanghiya kong Ama kung bakit ako nag kakaganito ! Pero ayoko siyang sisihin..

Naiinis ako. Naiiyak ako. Bakit ba hindi nila ako tinitigilan. Ano bang dapat kong gawin ? Ano bang gusto nila buhayin ko yung napatay ng Papa ko ...pero aksidente lang yon.

Siguro nga masama ang ugali ng Papa ko pero hindi naman ako katulad niya. At tsaka wala na siya...sumakabilang buhay na.

Bagong lipat kasi kami noon sa isang village at doon nagkaroon ng kaaway si Papa dahil sa sugal isang gabi nagising na lang ako sa pag kakahimbing ng tulog ko nag kakagulo sa bahay namin at may mga pulis.

Ng makulong si Papa sinabi sakin lahat ni Mama ang nangyari dahil gusto ko talagang malaman . Ayaw pa niyang sabihin sakin noon pero kinulit ko siya at nalaman kong nakapatay si Papa.

Hindi ko na malayan na may tumutulong luha na pala sa pisngi ko ..agad ko itong pinunasan gamit ang kamay ko.

"Ouch ! nakakaawa ka naman naiyak na siya Hu-Hu-Hu !" at nag iyak iyakan pa yung ka schoolmate kong lalaki

Halos araw araw ganyan ang ngyayari sakin. Lagi silang may surprise, gusto na nila akong umalis dito. Dahil sa kahihiyan daw na dinudulot ko sa eskwelahang ito. Pero hindi parin ako umalis at nag matigas parin ako. Kinatatakutan at nilalayuan ako dito sa school dahil akala nila katulad ako ng Papa ko. Nadumihan ang pangalan ko dahil sa kanya.

Kahit ilang beses kong pinlano na umalis na lang sa school na ito pero hindi ko magawa dahil ayokong malaman ni Mama na ganon ako tratuhin ng mga estudyante sa eskwelahang ito... ayoko siyang mag alala.

Mag tatapos na naman ang ikatlong taon ko dito at isang taon na lang gagraduate na ko ng highschool at aalis na rin ako sa impyernong eskwelahan na ito.

Nakatungo akong nag lalakad pauwi napadaan ako sa isang malaking bridge ....napatingin ako sa leftside ko at kitang kita ko ang paglubog ng araw.

Bukas panibagong araw na naman.

Sigh.

Naiiyak na naman ako naalala ko na naman yung kanina. Lahat sila ayaw sakin, miski makatabi ako o makausap. Hindi naman ako mabaho. Iniisip ko na lang minsan na may nakakahawa akong sakit kaya ayaw nilang lumapit sakin.

mag isa na lang ba ko lagi? magkakaron pa kaya ako ng mga kaibigan ulit?

Simula nung mga nangyari sa Papa ko parang lahat ng tao lumayo sakin.. naibalita kasi yon sa tv dahil yung napatay niya ay isang mayaman na nasa pulitika kaya naman ganon na lang ang galit nila sa akin.

He Save Me ! [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon