NAGHAHANDA NA ako para sa pag-alis namin ni zach sa condo ko at pupunta kami sa bahay namin para maipakilala ko na siya sa parents ko
Medyo kinakabahan ako dahil si papa ay sabihin na nating medyo strict pero sweet at si mama na bungangera at OA kaya nga nagtataka ako kung pano sila nagkasundo ni mama ayaw kasi ni papa ng maingay
At si zach. Ayun sobrang kinakabahan at kanina pa may kung ano-anong binubulong sa tabi ko na hindi ko naman marinig
Nagmamaneho na si zach papunta sa bahay at ako naman ay tinuturo ko lang ang kung saan siya liliko
Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa pupuntahan namin
tignan ko si zach na ngayon ay pinagpapawisan na dahil sa kaba. Hinawakan ko naman ang kamay niya at agad naman siyang napatingin sa akin, binigyan ko siya ng isang ngiti at ginantihan naman niya iyon ng isang halik
Nang makapasok kami sa bahay ay agad na bumungad sa amin ang maingay na si mama na ngayon ay nilalaro ang anak nila kuya vince at ni ate krys na si kenji
Sinabihan ko kasi sila na pupunta ako dito sa bahay at may importante akong sasabihin kaya ayun nandito sila
Sobrang close kami ni vinn sa lahat ng bagay, sa mga kalokohan, bakbakan, kapilyuhan, at sa mga laro. Sobrang close kami at mahal namin ang isa't isa at wala kaming secretong tinatago kaya im really sad ng hindi ko siya makita sa bahay
Agad naman silang napatingin sa akin— i mean kay zach na ngayon ay nakaalalay sa akin at bahagya lang nakangiti
Unang lumapit sa akin si mama at nagulat na lang ako ng bigla niya akong dambahin ng yakap. Diyos ko! Yung baby ko! V relax dalawang linggo pa lang yan!
"vannesa miss na miss na kita!! Sino naman yang kasama mong gwapo!! Boyfriend mo ba!? Ha!?" diba sabi ko sa inyo madaldal si mama at napakatinis ng boses!
Hindi ko siya sinagot at dumretso muna ako sa sala habang hila si zach
Nang nakaupo na kami ay hinawakan ko ang kamay ni zach at ramdam ko ang pagpapawis ng kamay niya! Hahahaha!!!
Naghahanda na ng lamesa ang mga maids namin, si kuya at si papa ay on the way na daw papunta dito, samantalang nandtio naman ang asawa't anak ni kuya at si mama ay hindi na naubusan ng itatanong kay zach at si zach naman ay magalang na sumasagot
Ang galang ng mokong! Hahahaha!!
Nakikinig lang ako sa kanila at paminsan minsan ay ako ang sumasagot kapag hindi masagot ni zach ang mga binabatong tanong ni mama
Napangiti na lang ako ng maramdaman ko na presensya ni kuya at ni papa
Im very excited!! And nervous at the same time!! Pero mas lamang yung excitement!! Gusto ko makita ang reaction nila kapag nalaman na nila na buntis ako!!
Hindi naman ako kinakabahan masyado dahil alam ko naman na hindi nila pahihirapan si zach, tatanungin lang nila ito ng kung ano-ano, yung tanong na alam magpapakaba sa'yo, makakasakit sa damdamin mo!! Ganiyan kasi ang nangyare kay ate krys
Pero siguro dahil lalaki siya? Yayain siya ni papa sa basement. Napasimangot na lang ako sa isiping yayain siya ni papa sa basement dahil dalawa lang naman ang pwede nilang gawin dun eh! Una sa wine cellar! Pangalawa doon sa kung saan kami nagtra-training!
Malaki ang bahay namin lalo na yung underground
Nang makapasok sila ay agad na napakunot ang noo ni papa ng makita si zach pero si kuya nakangisi lang siya ng makita niya si zach!
Gaganti yan for sure! Isa kasi ako sa mga nagpahirap kay ate krys nung pinakilala ni kuya si ate
Konting greetings lang at kamustahan bago kami tumuloy sa lamesa at kumain
Habang kumakain ay si mama lang ang nagiingay at tinatanong ako at si zach hanggang sa dumako na ang usapan sa baby
Lihim naman akong napangisi dahil alam ko naman na mapupunta ang usapan sa baby dahil pinipilit niya akong mag baby habang bata pa daw ako at malakas pa dahil mahirap daw manganak kapag matanda na! Lalo't pa't nasa lahi namin ang pagkakaroon ng kambal minsan nga triplets pa eh!
"vannesa! Kailan ka ba ikakasal!? Ayaw kong tumanda kang dalaga kaya dapat magpakasal ka na para naman magkaroon ka na ng katuwang sa buhay! Tapos alam mo naman na nasa lahi ng papa mo ang pagkakaroon ng kambal! Kaya kung manganganak ka ng matanda na eh baka mahirapan ka! Kayo naman na ng batang ito eh! Sya na lang ang asawahin mo! Mukha naman siya sharp shooter eh!" mahabang sabi niya at sinundan niya pa ng nakakalokong tawa, tumawa na rin ang ibang nakarinig maliban kay papa na seryosong kumakain
Mas tumawa pa ang lahat ng masamid si zach kaya hinawakan ko ang kamay na nasa ibabaw ng lamesa
Pero kanina ko pa tinatago ang kaliwa kong kamay para hindi nila makita
Gusto ko kasi may grand entrance ang pagsasabi ko sa kanila
Natigil lang sila sa pagtawa ng hawakan ko ang sintido ko gamit ang kaliwang kamay ko kung nasaan ang sing sing at kita ko ang panlalaki ng mata nila ng mapansin ang sing sing sa kamay ko
Napangisi na lamang ako dahil sa mga reaction nila pero si papa seryoso lang siyang nakatingin pero bakas pa rin ang gulat sa mga mata nila
Mas lalo pang lumawak ang ngisi ko at nagpanggap na nahihilo ako
"ouch! Nahihilo ako dala siguro ng pagbubuntis ko" nagpapanggap ko at kita ko panlalaki ng mata nila pero si papa lang pinagtutuunan ko ng pansin
Gulat na gulat siya—i mean silang lahat, katahimikan ang namumuo sa dinning area
Pero nagulat na lang ako ng biglang batuhin ni mama ang hawak na kutsilyo papunta sa akin at mabuti na lang ay mabilis ko itong nasalo kung hindi dumudugo na sana ang mata ko
Napanguso na lang ako at nilapag ang kutsilyo. Saan niya nakuha yung kutsilyo? Si mama kasi marunong din siya makipaglaban katulad namin dahil tinuruan daw siya ni papa nung mag syota pa lang daw sila. Lahat naman kami marunong dahil kailangan at self-defense na rin daw"nakakainis ka! Dapat kasal muna! Hindi ka dalagang pilipina! Dalat kasal muna! Bago anak! Oh my ghodddd!!! Pero im so happy for you!! May makakalaro na si kenji!! Tapos ako na ang bahala sa kasal! Yung gown mo!, yung venue!, yung invitation!, yung cate—" naputol lang ang sasabihin ni mama na ngayon ay nakatayo na sa gilid ko ng magsalita si mama
"shut up venus" malamig na saad ni papa kay mama
Nasa centro si papa ng hapag at si mama sa kanan niya at si kuya ang sa kaliwa. Katabi ko si kuya at si zach tapos katabi naman ni mama si ate krys at yung baby ay tulog at tapoa ng kumain
Nakatingin lang kami kay papa at seryosong seryoso ang mukha niya. Hindi na niya tinapos ang pagkain at agad na tumayo at tinitignan si zach na para bang may ginawa siyang mali
"follow me, mr. Villareal"
YOU ARE READING
My secretary is my bodyguard [COMPLETED]
Teen Fiction"Kahit na there is no forever as long as we're together there is an happily ever after" "after happily ever after i know that, it's either me or you will leave and we're over! You will find another and the both of you will be happy together" ...