Chapter 27

17.1K 535 132
                                    

Chapter 27


"Maureen, nasaan ang asawa mo?"tanong ni Fely ng maabutan na nag-iisa na ang pamangkin. Iniwan niyaang mga ito kanina upang mabigyan ng pagkakataon si Nathan na umaminng totoong nararamdaman.


"Kausap niya angsecretary niya sa telepono." Gustong- gusto nang tanungin niMaureen sa tiyahin kung ano ang napagpausapan nila ni Nathan ngunithindi siya makakuha ng magandang tiyempo.


"Umamin na ba siya sa'yo?" muling tanong ng ginang. Ayaw niyang pangunahan si Nathantungkol sa pag-amin nito ng totoong nararamdaman kay Maureen ngunitkung ganito naman kalungkot ang pamangkin ay baka hindi niyamapigilan ang sarili.


Napakunot ang noo niMaureen. "Ano ang aaminin niya?"


Napailing na lamang siFely. "Torpe rin pala ang damuhong lalaking ito," bulongniya sa sarili.


"Tita, are you sayingsomething?" Hindi naintindihan ni Maureen ang sinabi ng tiyahin.


"W-Wala. Ipapalipat kona ang mga gamit ni Nathan sa kuwarto mo," mabilis na tugon niFely. Ayaw niyang pangunahan si Nathan ngunit sa tingin niya aykailangan nito ng tulong upang umamin ng totoong nararamdaman.


Naalarma si Maureen sasinabi ng tiyahin. "Akala ko po ba ayaw ninyong magsama kami saiisang kuwarto habang nandito sa poder ninyo?"


"Nakapag-isip- isipako na legal naman ang kasal ninyo kaya gusto kitang bigyan ng chancena makasama si Nathan. Alam ko naman na matagal ka ng may gusto salalaking iyan. Kaya kung ako sa' yo samantalahin mo ang pagkakataonna ito." Maluwag ang pagkakangiti ni Fely habang nagsasalita.


"Tita! Huwag kangmaingay baka marinig ka niya," suway ni Maureen sa tiyahin.


Natawa si Fely sareaksiyon ng pamangkin. "Kung ako sa' yo magpabuntis ka na parasiguradong hindi ka na niya iiwanan." Lalo pa niya itong tinukso.


"Oh my goodness! Tita,what's happening to you? Kahapon lang galit na galit ka dahil sapagpapakasal ko kay Nathan tapos ngayon naman pinagtutulakan mo akongmagpabuntis sa kaniya."Medyo napalakas ang boses ni Maureen.


Habang papalapit siNathan sa magtiyahin ay nakangiti siya. Narinig niya ang hulingsinabi ni Maureen. At nang makalapit ay inakbayan niya ang asawa."Ilang apo po ba ang gusto ninyo?" Lalong gumuwapo ito sapagkakangiti. Napansin niya rin na namula ang mga pisngi ni Maureen,kung hindi lamang nila kaharap ang tiyahin nito ay baka nanakawan naniya ito ng halik.


"Naku, maliit lang angpamilya namin kaya mas pabor kung bibigyan ninyo kami ng maramingapo," tugon ni Fely. Bago nagpaalam sa mag-asawa na may mgaaasikasuhin pa siyang ibang bagay ngunit bago tumalikod ay muliniyang binalingan si Nathan.


"Huwag kang masyadongkampante dahil nalaman na ni Nicholai na nandito si Maureen."


Nawala ang magandangmood ni Nathan ng marinig na naman ang pangalan ng lalakingkinaiinisan niya. Magmula ng malaman niya ang tungkol kay Nicholai aytila may insecurity siyang nararamdaman.

Deal with the Millionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon