Simula

23 0 0
                                    

Sasalubungin natin ang kinabukasan
Nang walang takot at walang pangamba

It's Saturday night. Saturday night means bar-hopping night! Nandito ako ngayon sa bar kasama ang aking pinakamamahal na mga kaibigan.

"Anong oras tayo uuwi?" tanong ni Jarie.

"Halos kadadating lang natin ah. Bakit uwian na iniisip mo?" sagot ni Jamir.

"Oo nga naman. Samahan naman muna natin 'tong si Atasha Elissandra. Baka mamaya magpakawasted na naman 'to. Kawawa iniwan na naman eh." sabat naman ni Sonny.

"Ha-ha-ha! Funny!" sarkastiko kong tawa.

Paano ba naman kasi, itong boyfriend ko ng halos apat na buwan nakipaghiwalay na lang bigla dahil busy na raw masyado sa acads niya like wtf? Pero don't get me wrong ha. Nag-aya ako para magsaya kasi finally, I am free!

"Puro pogi kasi hanap. Nandito naman ako." papoging sambit ni Paul.

"Hoy! Hindi tayo talo 'no! Isa pa, masyado kang maraming babae!" angal ko sa kanya.

"Boo! Wala ka pala pre eh." kantiyaw ni Sonny at nagtawanan silang lahat.

Nagsalin na kami ng alak sa kanya-kanya naming mga baso. Nagsisimula pa lang kami kaya matino-tino pa ang usapan. Ito namang si Jarie kanina pa pindot ng pindot sa cellphone niya!

"Janna Marie! Okay ka lang?" tanong ko. Sinimangutan niya lang ako.

"Nag-away kayo ng boyfriend mo? Pinapauwi ka na?" sunod-sunod kong tanong habang ang tatlo ay nakikinig lang.

"Hayaan na natin siya. Bahala siya. We're here to have fun 'no! Cheers!" sabay-sabay naming tinaas ang aming mga baso atsaka nagtawanan.

Puro kwentuhan at kantiyawan lang kami. Usapan tungkol sa buhay sa eskwelahan at sa buhay trabaho nila.

"Gusto ko ng magresign!" si Sonny na palagi na lang namomroblema sa trabaho niya.

"Resign ka na, dude. Lipat ka na sa'min." tugon ni Jamil na tinanguan naman ni Paul.

"Hintayin ko lang matapos 'tong condo project magreresign na ako."

"Paano mo pa kami malilibre niyan kung magreresign ka, Architect?" pabirong tanong ko.

"Eh ano pang silbi ni Arch. Jamir at Arch. Paul?" balik tanong ni Jarie na nagpahalakhak sa'kin atsaka kami nag-high five.

Napailing na lang silang tatlo sa'min.

"Kapag kayo nagkatrabaho maiintindihan niyo rin." seryosong sambit ni Sonny.

We are on our third year in college. Communication major. Habang sila graduate ng Architecture. Same school lang kami. Isang taon pa lang kaming magkakakilala but it feels like it's been years! May birthday party kaming dinaluhan ni Jarie one year ago at doon namin sila nakilala. Matagal ng magkakakilala sila Sonny, Tian at Paul. Syempre same course tapos batchmates din. Gano'n din kami ni Jarie.

Alas diyes na ng gabi at nagdadagsaan na ang mga tao dito sa bar. Nagsimula na rin tumugtog ang mga banda. Every Saturday kasi ay may banda na tumutugtog dito at ito ang pinakagusto ko sa lahat!

Nakakatatlong bucket na kami kaya naman medyo inaantok na ako. Mahina kasi ang tolerance ko pagdating sa alak.

"Excuse me. I'll just go to the rest room." paalam ko sa kanila.

"Samahan na kita." alok ni Jarie na mukhang inaantok na rin gaya ko.

"Huwag na. Okay lang." dumiretso na ako sa restroom.

Nakalakad naman ako ng maayos. Pagdating ko doon ay walang tao. Pumasok ako sa isang cubicle pagkatapos ay naghugas na ng kamay sa sink. Tumitig ako sa salamin ng nakangiti dahil sa tuwang aking nadarama ngayong gabi. Ang sarap mabuhay!

Palabas ako nang may marinig akong lalaki na parang may kausap sa telepono.

"I told you to stop doing this. Wala kang mapapala sa'kin."

Tuluyan na akong nakalabas nang makita ko ang malaking bulto na nakatalikod sa madilim na bahagi ng lugar habang may hawak-hawak na telepono na nakatutok sa kanyang tenga.

"Wala akong panahon, okay?" sabi pa niya.

Akmang aalis na ako nang bigla siyang mapalingon sa kinaroroonan ko. Sa sobrang gulat ay naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Familiar ang lalaki sa akin.

"Anong ginagawa mo? Nakikinig ka ba?" seryosong tanong niya sa'kin.

"Ha? O-ofcourse not! Palabas lang ako kasi g-galing ako diyan." sambit ko ng nauutal sabay turo sa restroom.

"Tsk." masungit na angil niya at umalis na.

Ipinagwalang bahala ko na lamang iyon at bumalik na sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.

"Ang tagal mo, girl! May gwapo kanina dito. Sigurado matitipuhan mo 'yon!" salubong ni Jarie sa akin.

"Kayong mga babae talaga puro gwapo ang hanap. Paano naman kaming mga sobrang gwapo?" sabat ni Sonny.

"Ang f-feeling!" sabay naming sambit ni Jarie at nagtawanan kaming lahat.

Natigil kami sa tawanan ng may lumapit sa table namin. Pag-angat ko ng tingin ay iyong lalaking masungit!

"Bro! Dito ka na." aya ni Jamir sa lalaki.

Napalingon ako kay Jarie na pinanlalakihan ako ng mga mata. Sa ginagawa niyang 'yon alam ko na ang gusto niyang iparating.

Umupo ang lalaki sa bakanteng upuan sa tabi ni Paul. Pito ang nakapalibot na upuan sa mesa. Dalawa ang bakante. Ang isang bakante ay nasa kanan ko. Katabi no'n ay si Sonny, kasunod si Jarie, si Jamir, yung lalaki, at si Paul.

"Salamat, bro." sabi nung lalaki at napasulyap sa'kin.

"Anong oras kayo tutugtog?" tanong ni Paul na nagpagulantang sa'kin. Nagbabanda siya!

Tumingin muna siya sa wrist watch niya bago sumagot.

"11 pm." aniya sa baritonong tinig.

"Oh by the way, Luis, meet Atasha." pagpapakilala ni Sonny sa lalaki. So, Luis pala ang pangalan niya.

"Atasha." sabay abot ko ng kamay na tinanggap naman niya.

Waves Underneath The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon