Unang Kabanata

11 0 0
                                    

Tahimik lang akong nakikinig sa mga pag-uusap nila. Kapag siya na ang nagsasalita hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa mukha niya. He has two deep set eyes, makapal ang kilay, matangos ang ilong at yung mga labi niya... Ano kayang pakiramdam mahalikan ng mga ito? Baliw na yata ako.

Hindi naman nila hinahayaan na ma-out of place kami ni Jarie kaya sinasali rin nila kami sa usapan. Napag-alaman kong Architecture ang kursong kinukuha niya at batchmates kami.

Natigil ang usapan nang may lalaking lumapit sa table namin at kinausap si Luis.

"Tayo na." anyaya ng lalaki kay Luis at agad namang tumalima itong huli.

"See you around, Arkis." paalam niya sa tatlo at tinanguan kaming dalawa ni Jarie. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong may nilapitan siyang tatlong lalaki na may dala-dalang mga gitara. Mga kabanda niya siguro ang mga iyon.

"May girlfriend ba 'yon?" tanong ko sa tatlo.

"Type mo? Hindi ka papatulan no'n." pang-iinis ni Sonny.

"Ang sama mo ha! Nagtatanong lang eh."

"Hindi iyon nag-girlfriend." sagot ni Jamir.

"Sa gwapo niyang iyon?" tanong ni Jarie na hindi makapaniwala.

"Edi tanungin niyo." malamig na sambit ni Paul.

Nagkibit na lang ako ng balikat at ininom ang laman ng baso na nasa harapan ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko na dumaan si Luis kasama ang mga kabanda niya at umakyat na sa stage. Ngayon ko lang napansin ang porma niya. He's wearing a black plain t-shirt paired with ripped jeans. At ang kanyang sapin sa paa ay converse shoes naman na kulay itim din. Rock star!

Habang inaayos ng mga kabanda niya ang mga instruments na gagamitin ay nagsalita siya.

"Good evening, everyone! Our first song for tonight is Far Away of Nickelback. Please, enjoy the night." palakpakan ang mga tao kaya naman nakipalakpak na rin ako. Far Away is one of my favorite songs!

Nagsimula na sila sa pagtugtog. Sa unang lyrics pa lang ng kanta ay parang mawawala na ako sa sarili ko.

This time, this place
Misused, mistakes
Too long, too late
Who was I to make you wait?

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa sobrang tuwa ng puso ko. Ang lamig at ang linis ng boses niya! Medyo husky at bagay na bagay sa mukha niya. Kumakanta rin naman ako pero hindi ganito kalinis.

I love you
I loved you all along
And I miss you
Been far away for far too long

Titig na titig lang ako sa kanya. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang napatingin siya sa banda ko kaya napaiwas ako ng tingin.

"Hala, Tash! Nakakainlove yung boses." kinikilig na sabi ni Jarie.

"Anong nakakainlove dyan? Mas nakakainlove pa rin si Ely 'no!" masungit kong sagot.

Nakauwi na ako sa apartment at lahat ay hindi pa rin nawawala sa isip ko si Luis. Funny 'coz I keep thinking about him while he's busy with his girls! Paano ko nalaman? I am now scrolling on my Facebook feed and I saw a post that is tagged with my friend Paul! It was posted five minutes ago by Luis' bandmate. Ang mga nasa picture ay sina Luis, tatlo n'yang kabanda, si Paul at tatlong babae na kung hindi ako nagkakamali ay mga Communication students din at kabatch din namin! Hindi ko napigilan ang sariling imessage si Paul.

AE Villaluz: Hey. Saan kayo?

Apollo Ruiz: Dito pa rin ako sa bar. Yung tatlo umuwi na pagkatapos nila kayong ihatid. Why? Miss me?

I just sent a thumbs up. Ang isang 'to kahit kailan napakaharot!

Apollo Ruiz: Haha. Sungit.

Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili kong magtanong ng tungkol kay Luis dahil baka asarin lang ako. The next thing that came to my mind is to visit Luis' Facebook account.

Luan Madreal. Luan? May second name siguro. Wala siyang profile picture. Nakapublic ang account niya pero iilan lang ang uploaded pictures at halos lahat ay tagged photos na. Ang tipid naman ng isang 'to. Nakakawalang ganang bisitahin ang account. Nagscroll pa ako at tinignan ang iilang uploaded photos. Ang daming comments pero may isang comment na kumuha ng atensyon ko.

Margaret Sy: I miss you, Luan. :(

Sino 'to? Girlfriend n'ya? Pero sabi naman nila Paul wala siyang girlfriend eh. Ipinagkibit balikat ko na lamang ang isiping iyon at tinabi na ang laptop. Ipinikit ko ang mga mata ko at umasang makakatulog pero alas tres na ng madaling araw ay pabiling-biling pa rin ako sa higaan at nang hindi na nakatiis ay kinuha ko ulit laptop.

Margaret Sy
Studies Interior Architecture and Design in Marbella Design Academy

Yan ang mga impormasyon na nakita ko sa Facebook account ni Margaret Sy. Kung hindi ako nagkakamali ay sa Spain ang school na 'yan. Kung ganoon ay mayaman sila? Nagscroll pa ako at tinignan ang mga pictures. May picture sila ni Luis! High school prom yata 'to ni Margaret at si Luis ang escort.

"Wala akong mapapala dito." sambit ko sa sarili at napabuntong hininga na lamang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waves Underneath The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon