Chapter 1.2

40 0 0
                                    

This is a continuation of the chapter 1 :">

Hope you all like this! :D

Chapter 1.2

George's POV

"Ang ingay mo George! Halika nga, pa-hug!"

sabi ni Zik sakin.

"Tse! Ngayon lang kaya kita nakita ulit no!"

Ang tagal na kasi ng huli kaming magkita. Almost 1 week. kasi mag-kaiba kami ng shift sa Cafe eh. pang gabi sya. Oo nga pala, papakilala ko sya...

Siya ay si Harry Ezekiel Yap, B.S Culinary Arts Mgmt. (Graduating), isang Dean's lister, "College Hearthrob" (Oo, gwapo sya.), 6'0 ft tall, laging mabango at hindi pinagpapawisan (De joke lang, pero madalang lang talaga syang pagpawisan) Nagka-gf na, pero isa lang. ewan ko kung phikan yan. HAHAHA. at etong lalaking to.... Bestfriend ko! :>

"Oh.. Nalungkot ka pa dyan! Eh alam mo namang di tayo sabay ng shift eh. Wag kanang malungkot.."

"Eh di ka man lang nagtetext."

pabulong kong sinabi.

""Sus. eto talagang Bespren ko, emotera. Halika! Kumain muna tayo!"

"Libre mo? :D"

Masigla kong sabi.

"Aynako.. Oo na! Tara na nga!"

"Yehey!!"

Tsaka ako tumakbo ng mabilis habang hinahawakan yung braso nya. 

Nung dumating na kami sa Mcdo. (Oh diba? Batng bata lang. HAHA) Dun kami sa favorite spot namin. sa may dulo na malapit sa aircon.

"Oh, anong gusto mo?"

Sabi ni Zik.

"Big breakfast meal! :D tska large french fries! :>"

sabi ko sa kanya habang naka todong smile at beautiful eyes.

"Tindi mo talaga. Tigilan mo na nga yang pagpapa-cute mo.. Hindi ka naman cute. Hahahahaha!"

tumatawa sya habang paalis ng table namin.

"Sus. Ang yabang moooo!  =3= (*pout*)"

sigaw ko sa kanya.

Ang yabang talaga ng lalaking iyon! Porket hearthrob sya! Hmmp! Porket gwapo, maganda ang katawan, may abs, maganda ang mata at lips at ilong at pisngi at.. at.. at.. Oo na! sya na talaga gwapo! Hmmp.

"Oooh. Wag mo ko masyadong isipin. Baka mainlove ka sakin."

sabi ni Zik. Nakakabigla naman tong taong to. Bigla bigla nalang sumusulpot.

"Tse! Bakit ang bilis mo? Wala bang tao?"

"Meron. Kaso, may nagpasngit sa akin kapalit ng picture. So ayun."

"Asuus. Umandar na naman yang magnet mo. Kain na nga tayo!"

Sabay kurot sa pisngi nya.

"Aray.. Aray.. Oo na po!"

Shhht. Buti nalang talaga may Bespren akong mayaman! Libre lagi pagkain ko. HAHAHAHA. Lagi nya kasi akong nililibre pag nagugutom sya. Isang text nya lang sa kin... Pupunta na agad ako. Hahahaha.

Ang sarap ng hotcakes ng McDo! Tapos unlimited syrup pa! Wow talaga!

Sarap na sarap akong kumakain ng mapansin kong hindi kumakain si Zik.

"Hoy. Madudurog na yung hotcake. Bakit ba hindi ka kumakain dyan?"

"Tumingin ka sa kaliwa mo."

matamlay nyang sabi habang humigop ng hot choco.

Nabigla ako sa aking nakita.

Kaya pala nawalan sya ng gana kumain kasi...

Nandun si Emily.

Yung ex nya na nanloko sa kanya. may third party kaya sila naghiwalay. Si Zik ang nakipaghiwalay. Ayaw makipaghiwalay ni Emily kasi hindi naman daw nya mahal yung taong nakita ni Zik na kasama nya sa sine habang magka-holding hands pa. 

"Wag mo ng pansinin yang poodle na yan. Kumain ka nalang."

sabi ko sa kanya ng seryoso.

"I'm trying."

Matamlay nyang sabi sa akin.

Maya-maya biglang may anino sa gilid ko. Pagtingin ko...

"Zik, can i talk to you in private?"

Si Emily.

Hindi kami kasi magkasundo. Hindi kasi ako boto sa kanya. Para kasi sya yung babaeng maraming lihim. Ayoko sa mga ganun. Kaya sa una palang naming pagkikita non. Prinangka ko na sya.

"Sorry Emily. I'm with my Bestfriend and we're having our Breakfast."

Sabi ni Zik.

Pagkatapos sabihin ni Zik iyon. Tumingin sya sa akin at inirapan sabay talikod.

"Aba! Sinusubukan yata ako ng poodle na yun ah!"

aaktong tatayo na ako sa upuan ko ng magsalita si Zik.

"Hayaan mo na sya. She's just a waste of time."

x o x o x o x o x o x o x o x o x o x

Pa-vote! :)

Sige na!

Puhlease? :( XD

Follow me at Twitter and Instagram: @rymndspn

God Bless! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm in love with my Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon