Prologue

15 3 0
                                    


Ash's POV

“Ash bilisan mo naman ma la-late na tayo” sigaw ng kaibigan kung si Breah na siyang nagpabuhay sa natutulog kung dugo.

“Ma la-late? Saan?” bugnot na bugnot na tanong ko sa kaniya.

May mabibigat na yabag akong naririnig na palapit sa aking kuwarto. Pagbukas na pagbukas pa lang ng pinto ay may nakatutok ng baril sa akin.

“Babangon ka diyan o talsik ang ulo mo..ano ba naman Ash unang araw ng pasukan malalate tayo? mahirap maghintay ng masasakyan papuntang school” giit niya. Dali dali akong lumabas ng kuwarto at dumiretso sa aming banyo, mahirap na baka barilin pa ang aking magandang face TEKA LANG.

Bumalik ako sa kuwarto na nanginginig ang mga lamang loob

“S-saan mo nakuha yang b-baril na yan ha Breah” nanginginig na tanong ko.

“Ahhh hihihi ito ba laruan lang to ng kapatid ko”

“Putikk naman ohh ‘kala ko pa naman totoo na”

Hi! My name is Asher Pearl Zimmerman, sana kasing sosy rin ng pangalan ko ang buhay ko ehh noh. D niyo na itatanong ang pangalang yan ay naka burda sa damit ko nung napulot ako. Ako ay isang simpleng babaeng nabubuhay mag-isa, Well mag-isa dahil wala man lang akong naka gisnan na mga magulang. Sa unang bukas pa lang ng aking mata ay sina Tiya Matilda, Tiyo Waldo at Breah na ang nasa paligid ko. Lagi nilang kine-kuwento sa akin kung paano nila ako napulot, may dalawang mamahalin raw na sasakyan ang nagbanggahan sa harapan ng kanilang bahay at ang isang sasakyang nabangga ay pag mamay-ari daw ng aking mga magulang, di daw nila alam kung buhay pa ang mga magulang ko o patay na. Kung buhay man sila ediwow na lang.
.
.
.
“Kriing-Krinng” Bumalik lang ang aking huwisyo sa tunog ng kampana sa aming paaralan hudyat na magsisimula na ang unang klase. Patakbo naming tinatahak ang hallway at sinasabayan naman ni Breah ng pagtalak ang pagtakbo namin.

“Lintik ka talaga Ash ang tagal tagal mo kasing kumilos yan tuloy late tayo di pa nga natin nakukuha ang schedule natin di rin natin alam kung ano ang section nati-“ di na niya nai-tuloy pa ang kaniyang pag talak ng nasa tapat kami ng dean office at biglang bumukas ang pinto sa kaniyang gilid at sakto sa kaniyang mukha, Pfffttt hahahahaha talak pa kasi ng talak yan tuloy.

“HAHAHAHAHAHA talak pa nga” di ko na napigilan ang pagtawa at binatukan siya hahahaha…hala ba’t siya naka tunganga
“HOY! Okay ka lang” tanong ko sabay tapik tapik sa balikat niya.

“ bakit ka naka nganga diyan” nakailang tapik na ako sakanya pero di niya parin nililipat ang tingin niya sa akin at deritso parin ito sa lalaking nasa harapan namin, ngayon lang ba ‘to nakakita ng lalake parang ewan naman to ohhh bahala siya sa buhay niya. Tumakbo ako patungo kung saan naka puwesto ang bulletin board ng di man lang sinulyapan kung sino man iyong lalaking iyon.
Syempre sa star section kaming pareho ni Breah dahil pareho kaming scholar. Oo scholar kami dito sa Hamilton Academy di naman talaga namin afford ang university na ito pero may pinanindigan kaming motto ni Breah “kung walang pera utak ang ilaban”
.
.
Halos di na ako makahinga sa pagod nang nakarating ako sa tapat ng aming silid, sakto wala pa ata yung profesor namin deritso ang lakad ko patungo sa likod dahil doon na lang ang may bakanteng upuan kaya no choice talaga ako ngunit nang pag-upo ko.

“Ahhm excuse me, can you just sit down on the other chair?” isang matipunong boses ang umalingaw-ngaw sa gilid ng aking tenga.

“ Sorry mister ahh pero nauna na ako dito ikaw na lang ang mag-adjust” sagot ko at abalang tine-text ang bruha kung kaibigan.

*Text box*

Ako: Hoyy! Bruha nasaan kana ba?

Breah: Papunta na! pa reserve ako ng upuan ahh salamat

Ako: Ohh sige sige marami pa namang mau-upuan ehh

Habang nagre-reply ay nakikita ko pa rin sa gilid ng mata ko ang lalaking gustong umupo dito, baliw ba ang isang to ba’t di pa umaalis

Nabaling lang ang attention ko nang may pumasok na higad ohh I mean kain ulo tapon katawan na isang babae.

“I’m Violet Alvarez your English teacher, Goodmorning everyone” bati ng isang babaeng may makapal na labi, I think malanding teacher ito kapal ng make-up ehh.

“Goodmorning Miss Alvarez” bati namin, mabilis kung itinago ang hawak kong kaninang cellphone at bumaling sa lalaking nakatayo pa rin sa aking gilid.

“Baliw ka ba?” di ko na napigilan ang sarili kung magtanong

“Yes Mr. Hamilton? Any problem bakit ka nakatayo diyan?” malanding tanong ni Miss Alvarez

“None” aba aba di lang pala baliw ang isang to may pagka bastos rin.

“Okay if none kindly take your sit” ewan ko ba kung ganito talaga mag salita ang isang to ang landi.

“Yeah” sagot ng lalaki at naglakad patungo sa gawing kaliwa ko at umupo.

"baliw" bulong ko sa sarili

Biglang bumukas ang pinto at may gurang na babaeng pumasok hahahahaha it’s Breah ang oily na nang face niya kawawa hahahaha.

“S-sorry po Miss n-naligaw lang p-po” nanginginig pa ang bruhang ito hahahaha

“It’s okay, kindly introduce first yourself bago ka umupo” tugon ni Miss Alvarez na mabilis namang tinanguhan ni Breah

“H-hi my name is Verona Breah Cabrera but you can call me Breah I'm 18 years old and I love to play” sabay tingin sa lalaking nasa gawing kaliwa ko.

Yeah right she’s a playgirl di ko na nga mabilang kung naka ilang lalake na to ehh oo mahirap lang kami pero may itsura rin kaming nakaka-akit noh.

Nang tapos na siyang nagpakilala, umupo siya sa bakanteng upuan na nasa likuran ko.
Mga transferee ang mga unang nag pakilala tatlo pala kaming mga transferees ako, si Breah at yung lalaki kanina.

“My name is Klynn Bracken Z. Hamilton “Ken” for short I am 18 and I don’t have ego issues” pa cool na sabi niya.

Ang gwapo niya shiitt he had a deep voice, he seemed molded from a different cast as he had an androgynous look uncommon to most people, his hair was Achilles-gold and coiffed to perfection, his basalt jaw, his mariner-blue eyes-..bakit parang magkamukha kami? Hamilton? They own this university kaya?

Habang papunta ako sa harapan ay kitang kita ko sa gilid ng aking mga mata ang mabibigat niyang titig sa akin. Bakit? may tae ba sa mukha ko?

“Hi everyone my name is Asher Pearl Zimmerman 19 years old turning 20 this comming July 05, I am just a simple girl and I prefer simplicity in everything, from clothes, food etc. I don’t like things getting complicated or confusing” sabay ngiti at mabilis na bumalik sa upuan ko, pagkaupong-pagkaupo ko may bulong akong narinig na nag pa tindig ng balahibo ko

“Zimmerman? I knew it!”

-------------------~_~------------------

ang tanong:
anong relation ang meron sa dalawa?

na-appreciate ko po yung mga 6 na readers ko salamat po❣

Keep reading po

Useless Truth (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon