"I'm sorry for lying." I met his eyes. Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako naloko ng sobra. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko kayang mawala siya ulit sa buhay ko.
Ngayon lang ako umasa to the point na nagduda pa ako sa sarili ko.
Muli kong tinignan ang mga mata niya. Ang mga matang minsan ko ding inibig at minsang nanakit sa'kin.
Nararamdaman ko ang likidong umaagos sa kanyang likuran at hindi ako nagkakamaling natamaan nga siya.
"Baby... K Baby." I called his name for the last time. Akala ko iiwan na niya ako.
Yakap-yakap ko siya at gano'n din siya sa'kin pero unti-unting lumuluwag ang pagitan namin. Muli kong pinagmasdan ang mga mata niya. His deep dark blue eyes are enchanting. Tulad ng lugar na kinaroroonan namin ngayon. Ang lugar na sumira sa pagkatao niya at ng iba pa.
Alam kong nanghihina na siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumulo na ang luha ko. Sunod-sunod na tumulo ang bawat isang luha sa mukha ko.
He's looking at me intently with his sad eyes. You can see his soul beyond those eyes. He smiled but it faded away so easily.
Humihiwalay na ang aming katawan pero may isa pang pares ng kamay ang kumulong sa aming pagitan.
"Babi?"
"Ivy, anak?"
"Babi'ng mapisngi!"
Nagulat ako nang daganan ako ng isang mabigat na bagay. Minulat ko ng maayos ang aking mga mata at hindi ko napigilang i-ikot ito dahil sa inis.
"Ano ba?" Angal ko nang makitang nakadagan sa'kin ang isang malaking tao.
"What happened to you, Babi?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Yzo habang nakadagan sa akin. Naka-angat ang ulo niya kaya ginamit ko ang aking kamay para itulak siya sa ulo.
"Get off me Landi." I sniffed. May sakit ba ako?
My eyes wondered inside my room and I saw my parents. Bakas sa pagmumukha nila ang pag-aalala. I smiled and hugged them. Yzo was completely out of my bed when I stood up and hugged my parents.
"Babi!" Reklamo niya dahil nasa sahig na siya. Inikutan ko lang siya ng mata. Dadaganan pa kasi ako para lang magising ako.
"You were screaming. Nag-aalala kami." Puno ng sinseridad na saad ni Papa. Umupo ako sa bed at tumabi sa'kin si Yzo at inakbayan ako.
"Don't worry Tito, andito naman ako to protect Babi from danger." He smiled at me and my parents. Unti-unti namang kumalma ang mga magulang ko dahil ito ang unang pagkakataon na makita nila akong magising sa isang bangungot.
It was a nightmare.
Lagi ko namang nararanasan 'yon pero hindi nawawala ang sakit. At palaging gan'on ang napapanaginipan ko. Maybe it's a part of my past life?
"Tita?"
Napatingin kami sa pinto ng aking kwarto at nakita namin si Ynyr na humahangos at kasalukuyang hinahabol ang hininga niya.
"Yes, Ynyr anak?" Mama replied. Napansin kong medyo basa ang pang-itaas ni Ynyr mula sa pawis niya. Saan ba 'to galing?
"Kahel's mom told me that she needs your help on something. I'm not allowed to say it though." Huminga siya ng malalim at unti-unti namang lumaki ang mga mata ni Mama.
"I gotta go anak." She smiled and hugged me as well as Papa. Lumabas na sila at naiwan sina Yzo at Ynyr sa kwarto ko.
Humiga si Ynyr sa bean bag na nakalatag sa floor habang hinahabol ang hininga niya.
"Saan ka galing?" Tanong ni Yzo kay Ynyr habang pinapalakasan ang AC sa kwarto.
"Kahel's house. I was passing by then his mom called me." Paliwanag niya habang nagtatanggal ng damit sa sobrang init ng pakiramdam niya.
Nagpatuloy sila sa pag-uusap pero hindi ko na lang sila pinansin. Tumayo ako at pumunta sa bathroom ng kwarto ko para maghilamos.
Napadaan ako sa vanity table ko at nakita ko ang isang lumang litrato.
It was our first photo taken together.
Simula nang makilala ko sa court 'yang si Kahel, 'di na talaga kami nagkasundo. Siguro paborito niyang laro ang Tennis kaya lagi siyang naglalaro no'n. At dahil alam kong ayaw niya rin ako, tinamaan ako ng bola ng Tennis niya. Hindi ko alam kung sinasadya niya pero pakiramdam ko, sinadya niya talaga.
"Umalis ka diyan!" Sumigaw pa siya. Sabi ko nga, 'di talaga kami okay no'n.
Simula no'n hindi na kami nagkasundo sa lahat ng bagay at tanging kalaro niya lang ay ang mga pinsan ko. Ako ang pinaka-ayaw niya sa'ming magpipinsan at hindi ko alam kung bakit.
"I wonder why?" Tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang larawan naming dalawa. Hinayaan ko lang na naka-display ang litrato namin dahil siya ang pinaka-unang best friend ko... kahit na hindi niya ako best friend.
"What's with that look?" Tanong ni Yzo na hindi ko napansing nasa tabi ko na pala. Kinuha niya ang frame tsaka tinabi sa mukha ko.
"Mapisngi ka talaga ano, Babi?" He laughed while comparing my younger face from the frame.
"Go away." I scoffed. Bwisit na pinsan 'to. Pakialam niya naman sa pisngi ko?
"Were you thinking about your unrequited friendship?" Muli na namang tumawa si Yzo kasi alam niya naman na self-proclaimed ang pagiging best friend namin ni Kahel. Ako lang naman kasi ang nagsasabi na best friend ko siya.
"I do know na hindi niya ako tanggap na best friend, Landi." Sabi ko at tinulak siya paalis sa harap ko. Lalo pa akong inasar ni Yzo dahil sa reaction ko. He kept on bragging his friendship with Kahel kaya hindi ko na lang siya pinansin.
Sa tabi ng frame ay ang calendar na binigay ni Ytt sa akin. First birthday gift niya sa akin. It's a movable frame with numbers. Parang iPad mini ang size pero numbers lang ng isang month ang makikita at pwedeng i-customize ang mga templates pero higit sa lahat, kapansin-pansin ang naka-highlight na araw.
May 11
Bukas na.
-//
YOU ARE READING
1 Week Free Trial
FantasyEvery year, my family sets up surprises for my birthday. My parents would give me something significant for another year in my life and my cousins would be non-stop pranking me. This year, unexpected occurrences happened in my life. Something more...