I

6 1 0
                                    

"Pakibilis naman Babi!" Nakakarinding sigaw ang bumungad sa'kin at nakikita ko na naman ang napakalaking bibig nito. Ang sarap ingudngod ng bunganga niya sa sahig para kahit papaano ay lumiit.

"Kadiri 'yang bibig mo 'nak ng pu--"

"Inggit ka lang sa pouty lips ko!" Inismiran pa ako ng hinayupak tsaka tumawa ng malakas. Inisang hakbang nito ang pagitan namin saka kinuha ang daladala kong 'di kalakihang duffle bag.

"Babi, ang bagal mong kumilos." Huminga siya ng malalim sa mukha ko kaya naman agad kong tinakpan ang ilong ko.

"Mabango 'yang hiningang nanggagaling sa pouty lips ko!" Tinaasan niya ako ng kilay at ilang beses na pinikit-mulat nito ang mga mata para ipaglandakan ang mahahaba't makakapal na pilik-mata.

Oo, alam kong nakakainggit ang mga pilik-mata niya!

"Masaya ka ha, tangi--"

Nasipa ko siya sa pwet nang biglaan niyang tinakpan ang bibig ko. Nakakagulat naman 'tong lalaking 'to!

"No bad words, Babi!" Sinamaan ko siya ng tingin kasi 'di niya pa tinatanggal ang kamay niya sa bibig ko.

Tinapik ko ang pwet niya para bitawan na ang bibig ko at unti-unit niya naman itong binitawan. Inakbayan niya ako at naglakad na kami papunta kina Mama.

"Teka Babi, may tumatawag." Saad niya at tinanggal ang brasong naka-akbay sa'kin. Nakasabit ang binuhat niyang bag sa isang braso nito. Kinuha niya ang mamahaling phone nito sa kaniyang bulsa at sinagot ang tawag.

"Yes Pa. On the way na po kami ni Babi." Hinila na niya ako para makarating na sa villa na pagmamay-ari nila.

Napansin ko ang batak na katawan ng hinayupak na 'to dahil naka-shirt lang ng manipis dahil mainit na ang panahon dito sa'min.

Alagang-alaga tsk.

"Sige po. Daan na lang po kami kina Ynyr." Napatingin ako kay Ytt na patuloy na naglalakad habang nakapout. Kadiri amputa!

"Yeah. Take care rin po." Ibinaba na nito ang tawag kaya binilisan na lang naming maglakad.

Patuloy lang kaming nagchismisan ni Ytt at nabulabog na lang kaming dalawa nang may pumatid sa kanya.

"Who the fuck tripped me?" Sigaw ni Ytt at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Kumaway at lumundag-lundag pa ang tatlong lalaking bagong dating.

"Parang tanga ampu--"

"Babi! Bunganga mo please!" Singhal ni Ytt na narinig pala ang binulong ko lang. Nakasalampak na siya sa sahig at may sand sa katawan niya.

"Ampupu kasi 'yon! 'To naman 'di mabiro." Saad ko sa kanya saka ngumiti ng matamis pero nag-pout lang siya.

Kadiri talagang bibig 'yan.

Buti na lang at hindi siya nagsho-shower ng laway!

"Hindi mo ako maloloko Babi!" He countered. Napawi na lang ang munting ngiti ko nang isa-isang humarap sa'kin ang tatlong lalaking humarang at pumatid kay Ytt.

"Babiiiiiii!"

"Babi'ng mapisngi!"

"Babiiiiiiiiiii! I love you, I miss you-- ay tangina! Ang landi naman no'n!"

Sabay-sabay na sigaw ng tatlong lalaki na ubod ng pangit, langya!

Napatingin ako sa mga taong nasa paligid namin at parepareho lang silang umiiling. Nakakahiya talaga 'tong mga kupal na 'to. Sanay naman na sila dahil lagi nilang nakikita ang mga kalokohan ng pinsan ko bilang mga tagapag-alaga ng villa nila Ytt.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

1 Week Free TrialWhere stories live. Discover now