Part 7
DOOOOR..BEELLL!! DOOOORR..BEELLLL!!
Napatingin sa pintuan sina Patrick at Dave pagkarinig ng doorbell.
“Buksan mo!” tulak ni Patrick kay Dave. Sabay silang tumingin uli kay John, pero wala na siya doon. Laking pagtataka ng dalawa. Una, nakakapagtakang napunta sa likod nila si John nang hindi nila nalalaman. Pangalawa, paanong bigla nalang itong nawala sa isang kisap mata lamang.
Tumungo si Dave sa pinto, nakita nya sa pintuan ang dyaryo para sa araw na iyon. Halos maatake sa puso si Dave sa nakita. “Pat! Tignan mo to!” takbo nya kay Patrick. Gulat na gulat sya. Kung maiimagine nyo yung itsura nya, mukha syang gorilyang tumatakbo.
“Tignan mo tong dyaryo!” sabay abot ni Dave.
“Alam ko nakapatay ako.” pagkatingin nito sa front page ng dyaryo.
“Hindi yan. Eto!” sabay turo ni Dave sa isang bangkay na basag ang bungo na nakasakay sa kotse.
“Kotse ito ni John, ah!” gulat din ni Patrick.
“Oo! Baka sya ang bangkay na yan. At…” tuloy ni Dave pero sumabat si Patrick.
“Nandito sya kanina diba?”
Maya maya ay nagkalampagan ang mga bintana, nahagisan ang mga gamit sa bahay ni Patrick. Nagpanic na ang dalawa, walang anu-ano bigla nalang nahagis si Patrick sa pader ng bahay. Kahit nasaktan ito, nagawa pa niyang tumakbo palabas ng sariling bahay. Naiwang nangangatog ang tuhod ni Dave. Nang biglang may humawak sa kanyang balikat at bumulong!
“Sana hindi ko na siya inadd sa Facebook!”
»
Hingal na hingal si Rina sa kanyang nasaksihan. Isang bangungot, ito ang eksenang nagpagising sa diwa ni Rina. “Panaginip?” aniya. “Pero parang totoo.” tanong nito sa sarili.
Nag-ayos ito para magsumbong sa pulis sa kanyang napanaginipan. Iniwan niya ang kanyang kwarto, inakala nyang mag-isa sya doon ay nagkamali sya.
Pagdating nya sa presinto, “Sir, pwede ho ba nating puntahan ang address na ito?” ani Rina sa pulis.
“Bakit iha? Ano bang meron sa lugar na yan?” sagot ng pulis na si Turleng.
“Kung alam nyo po ang kaso ng babae na pinatay ng brutal at nirape. Napanaginipan ko ho kagabi, ang address na yan. Baka dito po nakatira ang mga suspek.” bigkas ni Rina.
“Kaano-ano mo ang biktima?” tanong uli ng pulis.
“Malapit na kaibigan ko ho siya.” sagot ni Rina.
Napakalakas na hangin ang umihip papasok sa presinto.
“Lets go.” sabi ng pulis.
»
Habang papunta si Rina kasama ang mga pulis sa address na kanyang binanggit sakay ng isang police car, nakasalubong nila ang isang lalakeng nagtatatakbo na parang may linalayuan. Tinitigan ni Rina ito, at nang lumampas sila sinundan pa niya ito ng tingin sa side mirror ng police car.
Nagulat siya nang makitang, sinusundan ito ng isang babaeng nakalutang. Nakasunod lang ito at nakatitig.
“Aaaaaaahhh!!” sigaw ng isang lalake.
“Miss dyan ka na lang.” sabi ni Turleng. Tango nalang ang sagot ni Rina dito.
“Back-up..Ksshhkk.. I need back-up..KsshhKk..” report ng pulis sa walkie talkie. “Copy. Ksshhk..” sagot ng nasa kabilang linya.
Lalabas na sana ng kotse ang pulis pero hinawakan siya ni Rina. “Iiwan nyo ako dito?” takot na tanong nya.
Bakas sa mukha nito ang takot kaya di na muna umalis si Turleng.
Ilang segundo lang at dumating na ang back-up na tinawag ng pulis. “You’re safe now.” ani Turleng at lumabas ng kotse.
“Dito ka lang.” sabi ni Turleng sa kapwa pulis para maalagagan si Rina.
Pagbukas ng pinto ng bahay, natumba ang bangkay ng isang lalake. Si Dave. Nakapatong lang ito sa pinto kaya pagbukas, bumagsak ang bangkay ni Dave na tinuhog sa tubo na parang lechon mula sa bibig hanggang pwetan. Walang humpay ang pag-agos ng dugo. Pinulsohan siya ni Turleng. Patay na ito. Nahuli sila ng ilang minuto. Kahit napaaga man sila ng dating ay malabo na nilang mailigtas ang ganitong klaseng pagpatay.
»
Nakaabang lang si Rina sa kotse hinihintay ang pagdating ng pulis para maghatid ng balita. Nainip sya kaya napatingin sa likurang upuan ng kotse. Nagulat sya nang makita ang maayos at maamo pang mukha ni Shane.
“Bes, sorry. Pakisabi kay Mama at Papa, sorry.” ani Shane.
Gusto nyang magsisigaw pero mukhang hindi naman sya sasaktan ni Shane.
“Mag-ingat ka sa mga kakausapin at kakaibiganin mo sa Facebook.” bilin ni Shane sa kaibigan. Lumuha na lamang si Rina sa tagpo habang unti-unting naglalaho ang imahe ni Shane. “Ingat.”
“Miss, tara sa presinto. Kukuhanan ka namin ng statement.” ani Turleng. “Umiiyak kba?” habol na tanong ng pulis.
“Ah.. Wala ho ito.” ani Rina at pinunasan ang luha.
“Ano ho ang nangyari?”
“Patay ang nasa loob ng bahay. Nakita namin sa biktima ang i.d. na ito, kompirmado. Isa siya sa mga nakitang sumusunod sa babae bago naganap ang krimen.” sagot ng pulis.
“Ilan ho ba ang suspek nyo?” mausisang tanong ni Rina.
“Sa totoo lang, tatlo sila. Ang isa ay si John L. Mariz. Si Dave C. Benitez. At Patrick S. Taruc.” paliwanag ni Turleng.
“Nahuli na ho ba yung iba?”
“Hindi pa. Si John ay natagpuang patay sa kanyang kotse kahapon. At si Dave ang bangkay kanina.” anang pulis.
“Yung si Patrick ho?” usisa ni Rina.
Napatingin siya sa likod, doon sa pwesto ni Shane, nakita nya ang isang bracelet. Ang bracelet na tanda ng kanilang pagkakaibigan, iniwan ito ni Shane para sakanya. Kinuha nya ito at itinago.
Walang anu-ano, habang nasa byahe ay bigla na lamang nahimatay si Rina.
BINABASA MO ANG
The Girl From Cyber World (Complete)
HorreurIs this cyber world safe for us? Take time to read and do not forget to pray before you sleep.