(pancit canton original flavor inspired me to do this XDDD)
(CRINGE STUFF AHEAD)
simula pa nung una, nandito na 'ko. nakangiti lamang at naghihintay na mapansin niyo. ngunit kailanman, hindi niyo 'ko isinaalang-alang at hinayaan niyo lamang akong mabulok.
simula pa nung una, nandito na 'ko. naghihintay na lamang mapili ng kung sino. lahat ng iba kong kasama ay nakuha at napili na, ngunit hinayaan niyo muli akong mabulok at nag-iisa.
simula pa nung una, nandito na 'ko. pero bakit hindi ako pinipili? lahat ng mga kasamahan ko'y wala na, ako na lamang ang tanging natitira dito. ano pa nga bang magagawa ko? kun'di maghintay at manalangin na sana mayroon nang pumili sa akin.
simula pa nung una, nandito na 'ko, at hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit. hindi ba dapat, mas nauna ako sa kanila na mapili? pero bakit kung sino pa ang nauna, siya rin ang matitirang mag-isa.
simula pa nung una, nandito na 'ko at hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako.