di ako makatulog kagabi kasi may napanood ako tapos ginawa ko 'to

2 0 0
                                    


patuloy kong aalalahanin ang pinakamasayang pangyayari sa buong buhay ko, yun ay nang nagsimula akong magtrabaho sa isang fast food chain.

paulit-ulit na lamang ang mga nangyayari sa bawat araw ko, magmula nang magkaisip ako.
bubugbugin ako ng mga kaklase ko dahil naiiba raw ako sa kanila. pagkatapos ay uuwi ng bahay at madadatnan ang nagluwal sa akin na mayroong kasamang lalaki (bawat araw ay bago) sa kaniyang kwarto.

paulit-ulit na lang, nakakasawa. kaya nang matapos ko ang high school, ay agad akong umalis at nangako na papatunayan ko na hindi 'ako' ang iniisip nilang 'ako'.

dalawang araw pagkatapos ko maglayas ay naghanap ako ng trabaho, mabuti na lamang at nakapasok ako sa isang kilalang kainan.

at dito na nga kita nakilala. bawat araw na magkasama tayo ay puno ng kasiyahan. walang araw na hindi kita minahal.

hindi mo hinusgahan ang pagiging iba ko. ikaw lamang ang natatanging tumanggap at nagmahal sa'kin. kaya naman ayaw kong nakikita kang nalulungkot at nahihirapan.

kaya ngayon, papakawalan na kita, ibabalik na kita sa langit kung saan ka nararapat. aalagaan kong mabuti ang bunga ng ating pagmamahalan at mamahalin siya gaya ng ipinaramdam mo sa akin. salamat sa lahat-lahat at sana'y makapiling kitang muli.










panoorin niyo yung vid dito hehe:
https://www.facebook.com/nibba.gessus/videos/129370035411212/

pants Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon