Prologue

189 11 0
                                    

May mga bagay sa mundo na akala natin hindi natin makukuha, pero once na pinursue mo 'yon and you give your all effort, passion and dedication. No one knows, baka higit pa sa gusto mo ang makuha mo.

Isa ako sa milyon-milyong nangagarap na makapag-aral sa Maynila. Sa Ateneo, sa LaSalle o sa UST. Mahirap lang kasi kami, I never experienced na magkaroon ng touchscreen na phone, never ko din naranasan na ihatid ng mamahalin na sasakyan sa eskwelahan. Gumala after ng klase, makipagbabad sa telepono ng may kausap na kung sino-sino, bumili ng mga mamahalin na damit o makapunta manlang sa magarbong selebrasyon.

Never ko naman pinangarap ang mga 'yon, dahil ang gusto ko makapagtapos at matulungan ang pamilya ko na makaraos sa hirap ng buhay. Sino ba naman ang anak na gustong nakikitang nahihirapan ang kaniyang pamilya? Ako na lang kasi ang inaasahan sa amin kahit na ako pa ang bunso sa tatlong magkakapatid. Puro sila lalaki at ako naman ang prinsesa ng tahanan namin. Prinsesang nangangarap pa lang na maabot ang sariling langit.

Nawala ako sa aking pag-iisip ng makababa na ako bus na sinasakyan ko. Tumingin ako sa buong paligid, napaka-modernisado nito kumpara sa bayan namin sa Zambales pero ang polusyon dito ay maamoy at malalanghap mo sa'n ka man pumunta. Kinuha ko na ang maliit na papel kung saan nakalagay ang address na tutuluyan ko, at saka dire-diretsong naglakad patungo sa ibang sakayan.

Nagtanong-tanong ako sa mga nakakasalubong ko kung alam nila ang lugar na nabanggit sa papel na hawak ko. Ang sabi nila ay kailangan ko daw sumakay ng tren tapos jeep at matapos no'n ay tricycle. Gano'n pala kahirap sa Maynila. Napakarami mo pang sasakyan para makarating ka sa iyong paroroonan. Naglakad na ako ng naglakad para matunton ang sakayan ng tren hanggang sa-------

"Waaaaaaaaaaa!" parang nag i-slow motion ang paligid ko. Omg! Omg! Tatama ako sa sahig!

Hindi ko na maigalaw ang katawan ko upang mapigilan ang pagkakatumba ko. Ipinikit ko na lang ang aking mata at niyakap ang sarili.

Lord kayo na po bahala sa aki-----

Wait?

Bakit malambot ang sahig?

Napaligon ako sa likod ko.

May sumalo sa akin.

"Oops, Get you."

Napakalalim ng boses niya.

-------
Author's NOTE: Hi, if you appreciate this story please kindly click the vote button below. Thank you nga din pala sa mga nagbabasa ng story ko if meron man haha sana 'wag kayo magsawa kahit may cringe part or scenes. Stay Safe A'TIN :)

b i p o l a r _ l a d y ♡︎

Get You : Ken Suson FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon