Into The Sea

51 6 2
                                    


Based on true story.

Warning:This story contains violence and mature contents. Any resemblance to actual persons,living or dead,or actual events is purely coincidental.Readers discretion is advised.
____________________________________


OLIVIA

NASA loob parin kami ng sasakyan. Napag desisyunan Kasi ng ate na sa probinsya na lang kame manirahan kaya ngayon ang pag lipat namin ng tirahan at ngayon mukhang malapit lapit na kami sa destinasyon namin, dahil sabi ng ate malapit na kami.

Si ate Emma ang nangangalaga na saaming magkakapatid,Apat kaming mag kakapatid si ate Emma,ate Tintin,ate adalyn,at ako ang bunso sa mag kakapatid.

May asawa na'rin ang ate Emma namin kaya sa kanila kami naninirahan dahil ang inay at ang itay pumanaw na.Bumunggo 'raw ang sinasak'yan nilang barko papunta dito sa probins'ya.Nag aaral pa kaming mag kakapatid kaya hindi kami kasama sa pag punta dito sa probins'ya,Simula noong pumanaw na ang inay at itay.Ang inuupahan namin ay nawala na pinapalayas kaming tatlo at si ate Emma naman ay naka bukod ng bahay.Kaya noong pinapalayas na kami pumunta kami sa bahay ni ate Emma kasama ang kaniyang asawa na si kuya Roger.

Pero napag desisyonan nilang mag asawa na tumira nalang sa probins'ya kasama kaming tatlo.

Tumigil ang sasakyan sa tapat nang mala kayumanggi bahay.Halos luma na ito pero sakto lang ang laki nito.

Bumaba na kami sa sasakyan para salubungin ang bago naming tirahan kasama ang mga kapatid ko at ang asawa ni ate.Ibinaba na namin ang mga bagahe sa sasakyan at ipinasok na sa loob ng bagong bahay namin.

Inilapag ko lang ang gamit ko at sila na bahala 'roon.Napansin ko lang na sa likod ng bahay namin may malawak na dagat dito.Medyo madilim na'rin kaya napaka gandang tignan ang sunset mula rito sa sea side.

"Oliv,hinahanap ka ni ate"tawag saakin ni ate tintin.

Sa huling pag kakataon Sinulyapan ko muli ang sunset bago umalis sa sea side.

"Saan ka nanggaling bakit wala ka dito sa bahay"

Isang sermon agad ang nasalubong ko sa ate ko,Mapag alala talaga 'yan si ate Emma.

"Pumunta lang ako sa sea side para panoorin ang sunset"paliwanag ko.

Hindi na siya sumagot pa.

"Hali na kayo at kakain na tayo huwag ninyo pag hintayin ang gras'ya"

Lahat kami pumunta na sa hapag kainan para salo salong kumain.Dahil sa haba ng biyahe namin papunta dito ay nakaka gutom at nakakapagod talaga.

Nakasanayan na namin ang mag dasal muna bago kumain kaya sabay sabay kaming nag sign of the cross bago mag dasal.Bilang bunsong kapatid ako lagi ang nag le-lead ng pray.

"Ama naming maka pangyarihan maraming salamat sa mga gras'ya na ibinibigay mo saamin,nawa'y ang pag kain na ito ang makapag pabusog saaming nagugutom na katawan at kaluluwa.Nawa'y patnubayan ninyo 'ho ang inay at itay sa kalangitan at huwag ninyo 'ho kaming ipapahamak sa tukso at ilayo ninyo kami sa lahat ng masama.Maraming salamat 'ho amen"

Pag katapos nang prayer nag simula na'rin kaming kumain sa luto ni ate.Ilang saglit lang natapos na'rin kaming kumain at napag pas'yahan na matulog.

My One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon