Antoinette's POV"Goodmorning Ma'am/Sir" bati ko sa mga taong dumadaan. Isang buwan na 'kong nagtra-trabaho bilang recaptionist dito sa Salvador Hotel. Kahit bagong empleyado lang ako ay gamay ko na ang mga gawain dito.
Nakuha naman ng atensyon ko ang mga nagkukumpulang tao sa entrance ng hotel. Iniluwal ng entrance door ang lalaking hinahangaan ng lahat at 'yon ay si Philip. Hindi ko naman sila masisisi dahil artista ito at tunay namang napaka-gwapo at makalaglag panga . Pamilya niya rin ang may-ari ng hotel na ito.
Sumulyap naman ng tingin sakin si Philip at ngumiti bago tuluyang magpatuloy sa paglalakad. Nasanay na 'ko na ganon siya dahil lagi niya itong ginagawa kapag pumupunta siya rito sa hotel. Kahit sanay na 'ko sa presence niya ay hindi parin marunong kumalma ang dibdib ko.
"Acosta" rinig kong tawag sakin ni Paul, ang katrabaho ko "Mukhang para sayo yan ah" at itinuro naman niya ang tsokolate at ang letter envelope na nasa front desk. Kanina lang wala 'to dito ah.
Kumunot naman ang noo ko nang sabihin niyang may pangalan ko ang envelope. Kinuha ko ang mga ito at madaling binuksan ang sobre.
"Love letter" bulong ko sa sarili ko. Sa baba ng sulat ay nakasulat ang mga numerong 532.
"532? Wala bang ibang clue?" singit naman ni Paul. Aba at nakibasa rin pala ang loko. Tinaboy ko naman siya paalis at tiningnan ulit ang sulat. It's very unusual for me na makatanggap ng love letter. Huli kong nakatanggap ng sulat ay noong highschool pa. Nagkibit balikat na lang ako at itinago ang mga ito.
"Halos araw araw kang pinapadalhan ng tagahanga mo Acosta, ang galing mo talaga sigurong sumayaw 'no?" pangaasar ni Paul.
Madaming araw ang lumipas at patuloy parin akong nakakatanggap ng mga chocolates at love letters galing sa iisang tao. At isa sa mga nakasulat sa letter ay ang sinabi ni Paul
"Hindi mo ba talaga naaabutan kung sinong naglalagay nito sa front desk?" umiling naman siya bilang sagot. Napabuntong hininga na lang ako. Bigla namang nag-vibrate ang cellphone ko. Nakita ko naman ang pangalan ni Trixie sa phone screen. Si Trixie ay isa sa mga kaibigan ko galing workshop.
From: Trixie
There will be a workshop gathering party at Sandoval Hotel's pool area. 9pm. I'll expect you to be there.
Mabilis namang natapos ang buong araw ko sa trabaho. Umuwi muna ako para maligo at mag-ayos. Saktong 9pm naman ay nakarating ako sa party. Hindi ko naman agad nakita si Trixie kaya nagpasya muna akong dumeretso sa isang hotel room na binayaran niya for one night para sa mga bisita
Umupo ako sa sofa sa tabi ng mesa. Nakita ko naman ang envelope na kapareho ng natatanggap ko. Kinuha ko ito at binasa.
Antoniette,
I'm too shy to reveal my true personality so I ended up sending you chocolates and writing you some love letters. I want to get straight to the point. I know this phrase is old fashioned but no one can stop me from saying that I'm head over heals in love with you. It's creepy right? Yung biglang may magsasabi sayo na mahal ka niya pero wala kang kaide-ideya kung sino siya. But loving a woman who I've only known through numbers is the creepiest. It's driving me crazy and I want to stop this craziness right now. I want you Antoniette Acosta, nothing else but you.
- 532"Just what I've expected" napatingin naman ako sa nagsalita at 'yon ay si Philip.
Nakasama ko din siya sa summer workshop noong highschool. Acting workshop ang kinuha niya at dancing workshop naman ang kinuha ko. I didn't expect na magg-grow siya ng sobra and now he's one of the best actors in the industry. Maya maya lang ay lumapit na siya sakin.
"You've already red the last letter. Alam na alam mo talagang para sayo yan huh?" he chuckled
"Ha--ha?" ang tanging naisagot ko sa kanya.
"Just like what I've wrote on that letter Antoniette, I want to stop this craziness." mas lalo naman siyang lumapit sakin.
"A-ano bang sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong.
"Remember the first activity we've done from the workshop?" tumango ako bilang sagot.
"We've been asked about 3 numbers that symbolizes what we want in life and your answers are still fresh in my mind"
"5 that stands for adventure. 3 that stands for love and 2 that stands for harmony" ani niya habang pinoporma ang mga daliri niya sa lima, tatlo at dalawa.
" 'Nung una hindi ko alam kung bakit ganyan kababaw ang gusto mo sa buhay. We can easily get the harmony, the love and the adventure we want in life but there is something about that numbers that made me curious"
" It took me so long to understand the real meaning of it but if you sum up those numbers, you will get ten and that gave me a hint. The only thing you want in your life is yourself and number ten stands for your name which has 10 letters " my jaw literally drop. Hindi ko naman maikakaila na tama lahat ng sinabi niya. Sarili ko lang ang gusto ko sa buhay at kuntento na ko 'ron
" You prove me that what we want in life are really hard to get but we still manage to find a way to pursue it and we know it'll be worth it and so are you." sa mga oras na ito ay wala akong ibang nararamdaman kundi ang mabilis na tibok ng puso ko. I can't imagine na ang artistang nasa harap ko ay ang secret admirer ko.
"I know it's surprising but would you let me to be the love of your life?" natawa naman ako bigla
"I agree with what you have said"
"Which one?
"That you are an old fashioned man and..." I stopped for awhile and gave him my sweetest smile before continuing "to be the love of my life" his lips formed a smile before kissing my forehead.
***
BINABASA MO ANG
The Sway of Love
Short StoryThis is a short story entry for the Summer of Hope contest by @RomancePH Subaybayan ang kwentong pag-ibig ng magkakaibigang sila Philip, Chase at Loyd kasama ang tatlong babaeng magpapatibok ng kanilang mga puso na sila Antoniette, Nadia at Fritz. T...