Last Night With You

20 1 0
                                    

Pag mahal mo tagal ang isang tao gagawin mo ang lahat para sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pag mahal mo tagal ang isang tao gagawin
mo ang lahat para sa kanya. You will make him/her happy and choose what's the best for them.
Pero matatanggi mo ba ang ka isa
isang hiling ng taong mahal mo?

x~~

              
      - - -

"Tumabi kayo!" Sabi ko sa mga taong nakaharang habang binubuhat ko si Ella papuntang Emergency room. Iyak ako ng iyak dahil di ko alam ang nangyayari sa kanya.

Maya maya lumabas na ang doktor para sabihin ang resulta at iexplain kung bakit nagdudugo ang ilong ni Ella. Napatayo ako bigla.

" Sir Paul? Kaano ano nyo po si Miss Ella?"
Tanong ng doktor nang bigla akong napatayo. Ewan ko ba pero kinakabahan ako sa sasabihin ni Dok.

"Boyfriend niya po ako dok... Ano po nangyari sa kanya? Bakit siya nagkakaganyang dok? Sabihin mo na pls!" Sabi ko sa kanya habang nagmamakaawa.

Tumigil ang mundo ko dahil sa sinabi ng doktor sakin.


"Sir Paul sorry to say pero malaki na ang tumor sa utak ni Ella. Kung matagal niyo na siya nadala dito, ay maagapan pa." Sumara ang aking kamao at di napigilang pumasok sa kwarto na. Kung saan si Ella ngayon.

Pumunta ako sa gilid niya. Pinagmasdan ko ang maamo niyang buka at di napigilang umiyak. Maya maya di ko namalayang nakatulog na ako...




POV of Ella 

Nagkaroon na ako ng malay at nalaman ko na nasa hospital na ngayon. Napangiti ako ng mapait nung nasa gilid ko si Paul na natutulog.
Kung may chance lang ako magtagal pa.

Ayoko na din sila mahirapan pa kaya tinago ko na lang yung karamdaman ko. Napaiyak ako dahil alam kong malapit na ang katapusan ko. Naramdaman kong gumalaw ang kamay ni Paul mula sa kanina pa niyang pagkakahawak sa kamay ko. Nagising agad siya nung nakita niya akong gising.

"Love... ok ka lang? Ano nararamdaman mo?" Ayan ang narinig ko sa kanya na sobrang kitang pagaalala sa muka niya.

"Alam mo na?" diretsyo kong tanong sa kanya.

" Bat di mo sinabi sakin? Sa mommy at daddy mo?" Seryoso niyang angal sakin. Umiling ako.

"Ok na ako... sakit lang to. Wala na sila magagawa. Aalis na tayo dito!" Sabi ko habang nagmamadaling tumayo. Agad naman akong pinigilan ni Paul.

" Ella pls... magpagaling ka naman oh... para sakin... para sa sarili mo at sa pamilya mo din oh."Pagmamakaawa niya sakin.
Tumingin ako sa muka niya at hinawakan ang kamay niya.

"Love... pls lang din. Ayoko na dito. Gusto ko gumawa tayo ng memories together sa ibang lugar, hindi dito. Ayoko namang mamatay dito. Magkakasakit ako dito lalo e. Sayang pa ang oras natin dto. If it's meant to be, it will be. Maybe this is my fate... siguro hanggang dto nalang ako..."

"Pls don't say that!" Galit niyang sabi.

"Love... lahat ng tao may hangganan. May after life pa. Pls tuparin mo yung dream natin... para sakin. Di ko na kasi kaya. Pagod nako." Iyak kong sabi sa kanya kaya agad naman niy ako niyakap.



POV of Paul

Umuwi kami sa bahay ng 9:00 pm. Inalalayan ko si Ella na umupo dahil mag s-star gaizing kami sa rooftop nila. Wala na din naman nagawa si dok kaya pumayag na siya na umuwi kami. Kumuha ako ng drinks at snacks sa kusina nila at dumiretsyo na ko sa rooftop kung saan naghihintay si Ella sakin.

Nakatingin lang siya sa mga stars sa taas at nakangiti. Pumunta ako sa tabi niya at kinumutan siya.

"Love... thank you for everything. Gusto ko lang sana tanungin if you still love me?" Mahina niyang sabi.

"Of course love... I loved you. I love you and I will still love you forever. Itatanong pa ba yan?" Akma ko siyang niyakap ng mahigpit.

" I love you more than infinity Paul." sabi niya sakin at sa punto na yun di ko napigilang halikan siya.

Nabalot ng katahimikan ang paligid at ang tangi ko lang naririnig ay ang mga kuliglig.

Nakatingin lang kami sa kalangitan hawak hawak ng mahigpit ang kamay niya. Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko pero nanatiling nakadilat ang kanyang mga mata. Tinititigan ko siya habang nakatingin siya sa mga bituin. Ang ganda at maamo ng muka niya.

"Nakita mo yung maliwanag na star na yun? Isipin mo na ako yan. Ayan ang magbabantay at magbibigay ng ilaw sayo sa tuwing wala ka nang makitang liwanag." Napatingin ako sa star at bumali ng tingin sa kanya.

"Pano ko maiisip yun eh di ka naman star?"  Sabi kong asar sa kanya.

"Nagawa mo pa talaga magbirong ganyan ah... hahaha sira ka talaga."ani niya.

"Sira nga ako pero ikaw lang ang magbubuo sakin kaya buo nako pag kasama kita. " agad naman siya napangiti.

Bumuhos ng katahimikan ang kapaligiran. Nakapikit lang ako habang niraramdaman ang ihip ng hangin. Maya maya'y ramdam ko na nakapikit rin si Ella at kakaiba ang naramdaman ko.

Nanatiling nakapatong ang ulo niya sa balikat ko pero kanina pa siya di umiimik. Napaiyak ako at bahagyang napangiti. Napangiti ako dahil di na siya makakaramdam ng sakit. Napangiti ako dahil makakapahinga na siya... at makakalaya na siya.

"Magpahinga ka na Ella... Mahal na mahal kita."


- The End -

Oneshot StoriesWhere stories live. Discover now