Just For Love

13 1 0
                                    


If you love a person you can do all just for love

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

If you love a person you can do all just for love.

 Is it worth it? You know really the person or there is something a 

secret to their personality?

x~~


- - -

"Babe!!" Habol ko sa boyfriend kong si Klein na papaalis na kasi may pupuntahan daw siya. Di ko alam pero di ako mapakali. Wala namang nangyareng masama kela mama kasi tumawag ako pero alam ko may mangyayari.


"Yes?" Lapad na ngiting sabi ni Klein saken. "Ingat ka hah? Love you" lambing ko sa kanya. Walang sinagot si Klein at umalis na siya.

Kumuha ako ng pagkain at nanood ng tv sa sala. Di ko na napalayan na nakatulog nako. Maya maya...biglang tumunog ang phone ko.

Nagising ako at nakita ko tumatawag sakin si Yuan... ang ex ko. Ok naman kami pero pinagbabawalan ako ni Klein na kausapin siya. Seloso pfft!

"H-hello..... A-andrea... *toot*toot*toot* Biglang namatay ang call at nagisip ng kung ano ano. Pumunta ako kela Elisha dahil pagkatapos tumawag ni Yuan ay tumawag si elisha dahil niyayaya ako na mag night out. Di ko naman alam na may mga lalake don.

Friends niya daw. May party kasi nakapasa daw siya sa board na nagtake exam siya. Dahil sa sobrang saya, di na ako nakapaalam kay Klein.

Paguwi ko sa bahay, nakita ko si klein na seryosong nakatingin sakin. Ok di na to maganda. "San ka galing? Bat di ka nagpaalam?" Inis niyang sabi sakin. "Sorry di ako nakapaalam Klein. Kasi naman si Elisha nagyaya na mag night out kami. Nakapasa kasi siya sa board na nagexam siya." Pagpapaliwanag ko. Pero mas lalo pa siya atang nagalit.

"KAHIT NA DAPAT NAGPAPAALAM KA SAKIN! DI KO ALAM GAGAWIN KO KUNG MAY ANONG MANGYAYARE SAYO! PAANO KUNG MAY LALAKE DON? PANO KUNG BASTUSIN KA NILA HAH?!! DI MO BA NAIISIP?!!" galit na galit niyang sabi sakin. 


" ANG PROBLEMA KASE SAYO MASYADO KANG SELOSO KAYA NAG IISIP KA NUNG ANO ANO!! PARTY YUN NI ELISHA ANO BA! ANG IMMATURE MO NAMAN PARA MAGSELOS! EH KANINA TIGNAN MO DI KA MAN LANG NAGSASABI KUNG SAN KA PUPUNTA!!" 

Naiyak na ako sa galit dahil sa mga sinabi ko sa kanya. Sobrang bigat ng loob ko at umiyak nalang. Natumba ako sa kinatatayuan ko at inalalayan naman ako ni klein dahil doon. Biglang bumaba ang pride niya at pinatahan ako. "Sorry na babe... magpaalam ka kasi ok? Sorry nabigla lang ako kasi di ka kase nagpaalam. Tahan na."
Agad niya ako niyakap at hinalikan sa noo.

Next day...Nagising ako ng maaga at nagluto ng almusal para samin ni babe. Papasok na din ako sa office kaya nagiwan na ako ng note at nagpaalam sa kanya na papasok na ako. Mamaya pa kasi work niya kaya nilutuan ko nalang siya para mamaya.

Ilang oras na ako nag trtrabaho at maya maya ay uwian na. Papunta na ako sa kotse ng may...
"Hayup kang babae ka! Inaagaw mo yung project na dapat sakin lang!" Gigil na sabunot sakin ng officemate ko.  

"Aray! Tama na! Ano ba?!" Pinipigilan ko siya pero sadyang malakas talaga ang sabunot niya. Nandilim na ang paningin ko at nanghina.

Tanghali na ako nagising at nagulat na nasa tabi ko si Klein na alalangg alala ang mukha niya. 

"Ok ka lang? Ano nangyare sayo? Bakit ka sinasaktan ng officemate mo?"ani niya. Naguguluhan ako sa mga nangyare. Pano niya nalaman? Di ko naman sinasabe sa kanya. "Pano mo nalaman? Diba may trabaho ka ngayon diba?" Sabi kong nagtataka. "Ah naramdaman ko kasi may nangyayare sayo kaya nagpaalam ako na pupunta sa sayo." Pagpapaliwanag niya.

Naniwala naman ako sa kanya at ininsist niya na magpahinga ako. Nakatulog ako at nalaman ko na nagising na ako gabi na. Nagluto ako ng dinner para samin ni Klein at nalaman ko din na di muna siya pumasok ngayon. Habang kumakain kami...nanonood kami ng tv.

Nabalita na may namatay na isang lalake at isang babae. Nung kahapon daw namatay yung lalake at kaninang tanghali yung babae. Nagulat nalang ako na ang mga namatay na yun ay si Yuan at ang officemate ko.

Nakita kong natawa si Klein at malaki ang ngiti niya sakin. Nung mga times na yon wala sa tabi ko klein. 


~END~

Oneshot StoriesWhere stories live. Discover now