I woke up with a hangover, ansakit ng ulo ko sht. 10 am daw dadating sina Gab sabi nung driver namin. May 2 hours pa naman ako para mag ayos kaya nagtoothbrush muna ako bago nagluto ng makakain.
I was dancing around the house while cooking my food when I heard the door ring. Ang aga pa ah, hindi pa ako nakakakain. Hininaan ko muna yung apoy ng niluluto ko bago buksan ang pinto. I was expecting Gab to jump to hug me like he always does but I was shocked to see that he wasn't the person outside.
"Hey, sama ako." At derederetso siyang pumasok sa apartment ko. Rob is wearing a black striped shirt and white board shorts partnered with his black flipflops. Suot suot din niya yung backpack niya kahapon.
"Sure, but yan lang talaga ang dala mo? Three days tayo dun." Hmm, mukhang hindi din maganda ang gising niya a. I ignored him na lang, hayaan na kung kasama siya. Kaladkadin naman yan, kahit saan go lang. Sobrang spontaneous na tao.
"Okay na to, lalaki ako. Di ko kailangan ng maraming damit." Umupo siya sa sofa at kinuha ang cellphone. Pinagpatuloy ko na lang ang pagluluto at hinayaan na siya sa sala.
Nang matapos ko prituhin ang itlog at bacon ay inaya ko na siya mag breakfast. Sabay kaming kumakain nang marinig kong may bumusina sa labas ng apartment na sinabayan ng tawag ni Gab. "Hello ate? We're here na sa tapat ng apartment mo, baba ka na daw po."
Dali dali naman naming tinapos ang pagkain at gumayak na paalis.
Ten years ang age gap namin ni Gab, kaya naman medyo clingy siya sakin. Ako nalang yung palagi niyang naaabutan sa bahay nung mga bata pa kami lalo dahil college nun si Ate at Kuya. 30 na si mommy nung ipanganak ako, hindi nga namin akalain na magkakaroon pa kami ng kapatid nun eh.
Pagkalabas ng apartment ay tinulungan ako ni Rob na dalhin ang maleta ko. Hindi na nakapagintay si Gab at tumakbo na palabas ng SUV, tuwang tuwa siyang tumakbo at sinalubong ako ng yakap. "Ate ate, I miss you na." He was kissing my cheeks when he noticed that I was not alone. Natulala siya sa lalaking nasa likod ko, tila nanghihingi ng sagot ang tinging ginawad niya sakin.
"I miss you too baby. Nga pala, siya si Kuya Rob, sasama siya satin sa vaction natin." Kuryoso niyang tiningnan ang walang kamalay malay na si Rob na hinihila ang maleta ko.
Binuhat ko na lang siya at sumakay na kami sa SUV. Nasa tabi ng bintana nakaupo si Gab katabi ko. Tatabi na din sana sakin si Rob nang pumagitna samin si Gab. Ang sama ng tingin niya kay Rob, nakahalukipkip pa ang mga braso.
Napatingin na din si Rob sa kanya at napakunot ang noo. Di niya siguro maintindihan kung bakit ang sama ng tingin sa kanya ng baby brother ko, miski ako di ko din naman alam eh. Bumabyahe na kami nang biglang magsalita si Gab.
"Are you my ate's boyfriend?" Naka-crossed arms pa din siya habang nakatingin sa unahan. Ang cute cute talaga niya. I know na hindi tamang hinahayaan siyang magalit for no apparent reason but his cheeks are too cute to ignore. Para itong siopao asado na puno ng laman.
Para namang litong lito si Rob sa inaasta ng bata, humarap pa siya kay Gab para tingnan kung siya nga yung kausap nito. "I don't like you. Bakit ka pa sumama dito, bonding namin to ni ate eh, hmp"
Nginitian lang siya ni Gab pero mukhang naiinis na din siya sa inaasta ng baby brother ko. Tama nga ako, mukhang hindi maganda ang gising ng isang to.
"Gabby, friends lang kami ni Kuya Rob. Don't hate him okay? He has saltik sometimes but he's a good person. " Niyakap ko si Gab at kiniss sa noo. Ang cute cute talaga ng kapatid ko, protective masyado sa ate niya. I kinda feel bad for leaving him in our house.
Natahimik naman si Gab at di na pinansin si Rob. Nagkulitan pa kami habang nasa byahe hanggang sa makatulog si Gab. Unti unti pang napasandal si Gab kay Rob dahil sa kaantukan. Si Rob naman tulog din kaya walang palag. Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa hanggang sa makatulog na din ako.
BINABASA MO ANG
Sunset
RomanceDespite being exes, Rob and Amy still hang out with each other. Matapos mapagkasunduang tapusin ang relasyon ay napagkasunduan din nilang manataling magkaibigan. Naisip ni Amy "They were too alike, it would be a waste to leave him immediately," nang...