"Bakla! Sure ka ba dyan? Baka naman sa huli makarma ka ah." tignan mo tong baklang to! Noong una todo push sakin sa plano ko ngayong isang kembot nalang i didiscourage pa ko.
"Hindi ako ang dapat matakot sa karma, sya! Sa dami ng hirap na pinag daanan ko. Samantalang sya naliligo ngayon sa pera!" Sa totoo lang wala naman akong habol sa pera nya. Gustong ko lang makaganti sakanya. Pati image ko nasisira sa mga chismis na sa malamang sa malamang sya nagpapakalat.
"Bes, tama tong si bakla. Paano kung pahirapan ka nya? Kumpanya nya kaya yon. Sya yung boss. Pano ka makakaganti e hawak ka nya?" napatigil ako sa pagkulut ng buhok ko.
"Alam ko, hindi naman ako maghihiganti agad. Pag aaralan ko muna tsaka ako aatake!" tsaka hindi na ako yung dating Erika na nakilala nya. Sa tagal ng panahon simula noong naghiwalay kami masasabi kong mas lalo akong tumibay. Kaya kung pahihirapan nya ko okay lang, dahil sa huli sya ang luluhod sa harap ko.
Napangiti ako, naiisip ko palang yung itchura nya natatawa na ko . Bagay nga sayo!
" 'Wag na kayong mag-alala dyan, akong bahala. Ano okay lang porma ko? Gagalingan ko sa interview!" nakangiti parin ako ng malapad dahil alam ko , wala ng makakapigil sakin.
"Gaga ka talaga! Sabihin na nating nakapasok ka na sa kumpanya nya. Baka naman makita mo ulit yung gwapo nyang mukha rumupok ka na naman , nakalimutan mo na plano mo." todo pag alala ng bakla sakin.
"Kilala nyo ko, di ako umuulit ng pagkakamali." totoo naman iyon, once na naranasan ko na di ko na uulitin pa.
"Yan ang tignan natin! Bakla tignan mo to. Lalong gumwapo si Clark diba? Ni walang pores na makikita sakanya. Tsaka eto pa! Single parin sya!" kulang nalang mag hugis puso tong mata ni Yvette sa kakatingin sa magazine.
Tumigil ako sa pag mamake-up at hinarapan ang taksil kong kaibigan , harap harapan pa talaga ah.
"Hoy! Baka nakakalimutan mo ako yung bestfriend mo! Oo gwapo sya pero di padin mapapalitan ng charm nya yung sakit na ginawa nya sakin noon!" tumahimik ang dalawa pagkasabi ko noon.
"Bakla, kakampi mo kami ano ka ba. Syempre alam namin lahat ng naranasan mo. Sayo padin kami ano ka ba!" akmang yayakap ang bakla at ang traydor na si Yvette pero pinigilan ko.
"Oo na baka magulo pa buhok ko. Oras na kailangan ko ng umalis. I tetext ko nalang kayong dalawa dahil alam ko mga ubod ng chismosa kayo!" naglagay na ko ng lipstick bilang final touch. Tapos na ko sa pag aayos.
Nagpaalam na ko sa dalawa at todo bilin parin sila. Sumakay na ko ng taxi papunta sa kumpanya nya.
Halos matapilok ako sa heels na pinahiram ng bakla saakin. Akala ata candidate ako ng pagent. Hanggang sa naka upo na ko at naghihintay para matawag ako.
"Oo nga balita ko nga ang gwapo ng CEO dito, tapos single pa! Pag nakapasok ako dito talaga namang gaganahin akong magtrabaho!" sabay apir pa ng dalawang chaka na applicant. So ganon? Dahil gwapo sya kaya kayo nag aapply? Gusto nyo ng gwapong boss?!
Kahit gusto kong ihagis ang takong ko sakanilang dalawa dahil sobra na ang ingay nila di ko na ginawa.
"Ms. Erika Enriquez?" napatayo ako bigla ng narinig ko ang pangalan ko.
Tumayo na ako at ngumiti. Sa totoo lang kabado din ako sa interview.
"Impressive working experience Ms. Enriquez. Madami kang part time job." sabi ng isa sa mga interviewer ko.
Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"However, your past experiences has nothing to do with the position you're applying with." napatingin ako sa isa sa interviewer ko din. Maganda sya, mukhang professional. Sasabit pa ata ako.
"Yes Ma'am, as you can see po andami ng naging trabaho ko pero may common denominator po silang lahat. Lahat po ginagamitan ko ng strategy pano ma hikayat ang mga customer na bumili or mag avail sa akin. Naging waitress ako, at isa sa natutunan ko kung paano sila i satisfy sa service na gusto nila. Naging sales lady ako sa department store , pinag aralan ko muna ang produkto at yun ang ginamit ko din para hikayatin silang bumili. Lahat ng trabaho ko, iba iba man sila. Lahat kailangan ng stratehiya at masusing pag dedesisyon. Nakikita ko po na related ang aking mga skills sa marketing department." halos walang hingahan ang pagsagot ko. Iyon nalang ang sinabi ko dahil yon naman ang totoo para sa akin.
Hindi na sya nagsalita. Pagkatapos non tinawag ang susunod sa akin at nakahinga ako ng maluwag.
Nakailang buntong hininga ako ng umupo na ko sa nauna kong pwesto. Sawakas natapos na din ako.
"Teka, yung CEO ba yang papalapit dito?" napatingin ako sa direksyon na tinuturo ng dalawang maingay kanina.
Hala, hindi pa ko handa na mag pakita agad. Kailangan maipasa ko muna. Pag nakita nya ko na nag aapply baka ipa punit nya resume ko.
Ibinaba ko ang buhok ko at dali daling tinakpan ng folder ang mukha ko. Mukhang dito sya dadaan.
Nang makalagpas na sya nakahinga ako ng maluwag.
Pagkatapos ng interview sinabihan kami na mag hintay nalang ng call o text mula sakanila. Kaya nag abang narin ako ng masasakyan pauwi.
Sinisigurado ko ! Sa muling pag babalik ko dito, sisimulan ko ang plano ko. Clark Anthony Vallejo, maghanda ka na. Dahil magsisimula na ang bangungut mo!