Ikatlo

6 1 0
                                    

Napagod ako maghapon sa dami ng pinagawa samin ng Prof. kanina, 6:00 pm na ko nakauwi kaya naman dumiretso ako sa kwarto upang magpahinga, hindi na rin ako kumain dahil dumaan pa kami ng mga kaibigan ko sa isang fast-food restaurant kaya naman hindi na ako nakakain pagkauwi.

Humiga ako sa kama ay biglang pumasok sa isip ko kung kaninong kwintas ang ibinigay sakini ni lolo, ang sabi niya kasi kay Inay Sol yon kaya naman tinanggap ko upang may ala-ala ako kay inay Sol.Kinuha ko ito sa drawer ko kung saan ko iyon nilagay pagkauwi galing probinsya katabi ng litrato namin ni inay noong ako ay bata pa. Tinitigan ko ang litrato namin ni inay dahil miss na miss ko na siya, tsaka ko kinuha ang kwintas at bumalik sa kama.

"Anong bang ibig sabihin mo?" kinakausap ko ang kwintas na para bang may buhay ito at sasagutin ang katanungan ko.

Iniwan ko ang kwintas sa tabi ng kama at bumaba ako sa salas upang kamustahin si mama at nakita ko siya sa kusina, nakaupo at binibilang ang kinita ng aming business.

"Ma is there anything wrong?", tanong ko kay mama na nag-aalala dahil nakita kong mukhang problemado siya.

"Okay lang anak", ngiti niya sakin na para bang hindi nakakunot ang noo niya kanina.

hinaplos ko ang likod ni mama, "Ma alam kong may problema, tungkol ba ito sa business?"

Hindi siya sumagot at nakatingin lang sakin ng malungkot at maya maya ay bumuhos na ang luha niya at niyakap ako.

"Anak, nalulugi na ang business natin, ni hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng ipapasweldo sa mga trabahador natin, may bagong bukas na luchunan at mas dinadayo na yon kaysa sa atin, hindi ko na alam anak kung saan ako kukuha ng pambayad sa mga gastusin natin", iyak na sinabi ni mama at ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya dahik siya lang mag-isa ang bumubuhay sa aming magkapatid at iniidolo ko si mama sa pagiging matapang at matatag kahit na wala siyang katuwang sa buhay.

"Ma tutulungan kita, tutulong ako sa business titigil muna ako sa pag-aara-

"Huwag na huwag kang titigil sa pag-aaral anak, iyon lang ang tanging maitutulong mo sakin sige na umakyat ka na sa taas matulog ka na."

"pero ma gusto kong makatulong"

"Leila matulog ka na, kaya ko ito ni mama okay?"

Niyakap ako ni mama at tumaas na ko sa kwarto ko.Kinuha ko ang paborito kong notebook upang magsulat doon ng tula na ginagawa ko gabi-gabi bago ako tumulog.

Parte na ng buhay ko ang pagsusulat ng tula dahil doon ko nailalabas ang aking mga nararamdaman na hindi ko kayang maipaliwanag.Niyakap ko ang unan ko habang umiiiyak at tinabi ang aking notebook sa pagtulog at sinuot ang kwintas na ibinigay ni lolo Miguel upang maramdaman ko na kahit wala na si inay Sol kasama ko pa rin siya kahit wala na siya.

Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto ko at hindi kona namalayang nakatulog na pala ako dala na din ng pagod at dahil sa labis na pag-iyak.


pilit akong ginagambala

ng mga animo'y ala-alang nais saking ipaaalala

mga ala-alang nararamdam ngunit ng isipa'y hindi mapuna

ano ba talaga ang laman ng noong hiwaga?

bakit tila sa akin ay nakakabit na?

Beneath The Same Sky (On going)Where stories live. Discover now