CISUM UNIVERSITY : The Tale of The Forgotten Empress
This is a work of fiction
Names, places, events and characters are fictitious,unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead,or actual event is purely coincidentalAlright Reserved ⓒ
No part of this story may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the authorPLAGIARISM IS A CRIME!!
[Wrong grahams ahead]
———Vll- Cisum Test
Masama ang tingin samin ni Seven habang naglalakad kami papunta sa upuan namin at ang nakakainis doon sa harapan pa talaga kami pupwesto.
Naunang umupo si Celestia at nagsi-upuan na din kami.
Tumikhim si kuya Ethan at inalis ni Seven ang tingin samin.
"Students you can now proceed to the quadrangle."
Nagsi tayuan ang lahat ng estudyante at nag bow Kay Seven.
Tatayo na rin sana ako ng may kamay na pumigil sakin. Tinignan ko si ate Kayleen at umiling siya.
"Special rising remain on your seats." Napatingin ako sa kanya at tumayo si Celestia para harapin siya.
"Ganto kasi yan—"
"Hindi ko kailangan ng paliwanag niyo." Pagputol ni Seven sa sasabihin ni Celestia.
"Pumunta na rin tayo sa Quadrangle." Kalmadong sabi niya at naunang naglakad palabas.
Habang nakasunod kami sa kanya walang sino mang nagtangkang gumawa ng ano mang ingay.
Binuksan ni Seven ang pinto at nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Sana Hindi na ulit mangyari yon." Pagputol ni Seven sa katahimikan.
Nagsitango lang kami at nagpatuloy na ulit maglakad hanggang sa nakaabot na kami sa Quadrangle.
Nakapila ang mga estudyante sa bawat sampung machine na nandito.
"Ayan yung machine kung saan nag a-identyfy ng specialties." Turo ni ate Mathilde sa limang machine sa may gilid. Konti lang ang nakapila na estudyante dito.
"Konti lang naman ang mga bago sa Cisum dahil konti lang din ang nakapasa sa entrance exam." Pagpapaliwanag ni Celestia.
"Entrance exam?" Tanong ni Shan sa kanila.
"Pila na kayo para malaman na natin specialties niyo" na e-excite na sabi ni ate Krissie at hinatak kami palapit sa limang machine.
Ako ang nasa dulo kaya ako ang mahuhuli.
Kanina pa pala nagsimula ang mga nasa kabilang pila at makikita sa Mukha nila ang pagkasaya at pagkadismaya.
Sumunod sa pila sila kuya Ethan at pinanood namin sila.
Nagkaroon ng tubig sa paligid niya at pumasok ito sa loob ng habang umiikot.
Namangha kami habang nanonood sa pag kuha ng test ng lahat ng myembro ng special rising.
Ang lalakas nila.
Tumingin ako sa harap ko at nakita kong si Autumn na ang sunod.
"Just calm yourself and place your both hands on the machine." Turo sa kanya ni Ms. Rheneth.
Pumikit si Autumn at dahan-dahang inilagay ang magkabilang kamay niya sa machine at unti-unting umilaw ang buong paligid katulad ng nangyari dati sa palasyo.
Napapikit na din ako dahil sa sobrang liwanag ng inilalabas na ilaw ni Autumn.
"Woah." Napamangha kaming lahat dahil sa nagawa ni Autumn.
Umilaw ang machine at pinakita dito Mukha ni Autumn.
"Autumn, 15, Special Rising Hope, Light Odyssey" nag salita ang machine at may lumabas na ribbon na kulay ginto at umikot ikot ito hanggang sa naging bracelet Ito at kumapit sa kanang kamay niya.
"Looks like we had the Light Cisum!" Natutuwang sabi ni Ms. Rheneth at naghiyawan ang mga estudyante.
Sumunod si Shan at katulad ng ginawa ni Autumn pumikit siya at nilagay ang magkabilang kamay sa machine.
Humangin ng malakas at napalibutan ng iba't ibang soil particles si Shan na kinamangha din namin.
"Shan, 16, Special Rising hope, Earth Spirit" katulad kanina may lumabas na isang ribbon na green pero ito ay naging singsing na puno ng dahon na disenyo.
Nagyakapan si Shan At Autumn at tumingin silang dalawa sakin na nakangiti.
Naglakad ako palapit sa machine at pinikit ang mata ko dahan dahan ko din na inilagay ang mga kamay ko.
Hindi ko alam pano nagawa nila Autumn yon pero susubukan ko na lang.
"Omg" narinig ko na sabi ng mga nasa paligid ko.
Pero wala naman akong nararamdaman na iba.
Idinilat ko ang mata ko at naglakad nalang palayo sa machine.
Kabado ako habang pinapanood ang machine na nagloloko
"Ade—Aniah, 16, EwjmdkpflaiyjakfuvyiskwH-Human, Null"
Tinignan ko ang mga estudyante na nanonood at bakas sa mga Mukha nila ang pagka dismaya.
Biglang umihip ng malakas ang hangin.
At napunta ang atensyon namin sa babae ng nakatayo sa tuktok ng bell tower ng Cisum.
Nakasuot siya ng uniporme ng Cisum at nakatali ang buhok niya ng pulang pula na laso.
Naglandas ang mga Mata namin at bahagya siyang tumawa at nagsalita.
"Cripple."
———
@NayahPotato

YOU ARE READING
CISUM UNIVERSITY THE TALE OF THE FORGOTTEN EMPRESS (ON-GOING)
FantasíaCisum University is the most prestigious University in The Whole Cisum Empire Where all students and teachers dance and sing sooo well. The Cisum University is not only Focusing on those Talents They also Focusing on Students Powers On how to Upgrad...