Chapter 17

335 4 2
                                    

Ganito kasi yun .....

>>FLASHBACK<<

Andito kaming barkada sa Mcdo. Kasi naman ayaw tumigil hanggang di ko inaamin ang saamin ni Khalil.

"Julia, just tell us the truth. Mga kaibigan mo kami. Do you like Khalil?" -Mara

"I'm happy when I'm with him. Alam nyo na, ang lakas kasi ng trip." sagot ko

"You're avoiding the question Julia. Teka, diba you told us you love Daniel? Pano na sya?" -Precious

"It all started with the bet, and it all ends there. Hindi ko alam pero kapag may ginagawa si Daniel, hindi na ganun kalakas yung impact sakin. Hindi katulad dati na sobrang saya ko kahit alam kong pustahan lang. When I'm with Khalil, nakakalimutan ko si Daniel. Pero alam kong hindi ko sya gusto" I explained

"Because of Khalil? You moved on because of Khalil?" -Mara

"Rebound ba yun?" I asked her

"It's not rebound, nagkataon lang na ang falcon ang sumalo sayo sa mismong oras na binitawan ka ng agila." -Precious

"Julia, what if you're in a a boat? In a boat with Khalil and Daniel? What if that boat sinks? And you only have to choose one to save? Who would you choose? The eagle who made you cry and tore your heart apart? Or the falcon who never leave your side?" -Patita

Natahimik ako for a minute. I don't know what to say. I know it's impossible to happen pero what if nangyari yun? But not in a sinking boat. What if ..... dumating yung point na kailangan kong pumili ng isa sakanila? Sino ang pipiliin ko?

"Julia, did you remember when we were in grade 5? I asked you about the scrapbook that we made when we were a child. Sabi mo nakalimutan mo na yun. Tapos nagpunta ko sa bahay nyo for no reason. At dahil weekend nun, nilinis natin bahay nyo. There I found the scrapbook. Pumunta ko sa room mo and I saw you holding your new scrapbook. May nakita kang hawak ko that's why you grabbed it, nakita mo yung cover at ngumiti ka. Binuklat mo yung scrapbook and after that, you closed it at niyakap mo. Why don't you apply it to my question?" -Patita

"Patita, I don't understand"

"No Julia. You're a smart girl. You can analyze a question very well. Just think of it." -Mara

Napaisip ako sa sinabi ni Patita.

"Julia! Naalala mo ba nung pumunta tayo sa mall? May nakita akong dalawang dress, gusto ko sila pareho kaya lang masyadong mahal at yung isa lang ang pwede kong bilhin so I have to pick one. Ang sabi mo sakin, pwede ko silang subukan pareho para malaman ko kung ano yung mas bagay sakin, yung mas comfortable ako, yung mas masaya ko, at yung mas gusto ko. Hindi ako pumayag sa idea mo, kasi sinasabi mo lang yun dahil wala ka sa pwesto ko. I liked those dress so much. Gusto ko sila pareho. Nakita kong mas colorful at presentable tignan yung isa kaya dun ko binigay yung attention ko, bigla kong narealize na mas gusto ko pala yung isang dress. Yung mas una kong nakita. Kukunin ko sana yung isang dress but when I looked at the mannequin, may nakakuha na pala. Nagsisi ako nun kasi nalaman ko lang na mas gusto ko pala yung isang dress kung kailan may nauna ng makakuha sakanya. Idagdag mo yang situation na yan sa tanong ni Patita. I hope it helps." -Precious

Mas lalo pa akong naguluhan sa sinabi ni Precious. After 10 minutes of thinking ....

"Juls, don't push yourself too hard. Minsan talaga, may mga tanong na meant na itanong sayo but are not meant for you to answer. Malay mo, sayo namin tinanong at dahil hindi mo masagot, there comes a person na tutulong sayo. Hindi para masagot ang tanong, tutulungan ka nyang maintindihan ng tama ang tanong. At kapag naintindihan mo ng tama ang tanong na yun? Believe me Julia, you'll find the correct answer." -Mara

Behind the smile (Daniel Padilla, Julia Barretto and Khalil Ramos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon