Chapter 3

15 0 0
                                    

Rhielle's POV

Omo! Ang saya ko! Una sa lahat, mataas grades ko. Pangalawa, tumawa na yung masungit kong crush. In my MESSY WAY nga lang, Engot ko naman kasi eh.

Nandito ako sa garden ng school ngayon at sino pa nga bang aasahan nyong kasama ko? Si Jessica. The half of my body. Di ako kumpleto pag wala sya. HAHHAH! Ganyan kami kaloyal sa isa't isa. :D

"Bru. Bakit di mo na kaya aminin kay crush mo na crush mo sya?" Hmm. Napaisip ako. Bakit nga ba hindi ko aminin? Pero natatakot ako eh.

"Natatakot kasi ako. Sa baka kung ano yung reaksyon nya." Sabi ko.

"Natatakot ka kasing masaktan. Bes, ganyan talaga. Pero pag nasabi mo na, nakakagaan ng feeling. Masakit man, at least nasabi mo na at alam mo na yung reaksyon nya diba?" I guess it's a serious talk. Minsan lang maging seryoso ang gaga na 'to.

"Pero, bes. I'm still afraid." Sabi ko.

"Ganito bes. Isipin mo para sa'kin yung gagawin mo. Wherein 'pag ginawa mo yan for me, parang iniisip ko rin na may ginawa ako para sa'yo. E di okay di ba?" Oo na. Matalino bes ko, pero mas mataas pa rin grades ko sa kanya. Hihi.

"Sige, bes. LATER. Promise." Pinky swear. Isip bata kami ng bes ko eh.

"So going back to our normal status bes..." Teka. Abnormal ba kami?!!

"Normal status?" Sabi ko.

"Oo. Abnormal tayo 'pag seryosong usapan. Hihi. So yun nga. Bes, tell me. Be honest ha. Tumulo nga laway mo nung tulog ka?!" Sabi nya. Gaga 'to ah! Makatanong wagas, tagus-tagusan. Kakilabot sa bones.

"Gaga! Ano ko? Mana sa'yo. Ikaw lang naman ganun sa'ting dalawa eversince. Sinungaling lang talaga yang makire nating adviser." Sabi ko.

"Sama mo girl. Pero infairness, tapang mo ha!" 


CHANGE TOPIC na lang ako.

"Kamusta nga pala yung chocolate na bigay sa'yo ni Sam? Nalusaw na? Tunaw na? Kasi dinisplay mo sa bahay mo at di mo na kakainin yung forever." Sabi ko.

"Shunge. Malamang niref ko. Sa ref nakidisplay." Gaga 'to. Di maloko. Heto na!

"Kung alam mo lang bes.. BWAHAHAHA.." sabi ko.

"Na ano?" 


"Na, sa'kin.. BWHAHAHAHA."


"Eh nauuna pa tawa bago kwento eh. Bru ka talaga." Lukaret 'to ah!

"BWAHAHAHA. Kasi sa'kin.. BWHAHAAHA.. galing... bwahahaha... yan. Kunwari galing sa kanya. Galing talaga ng mga plans ko. EFFECTIVE." Hiningal ako katatawa.

"Adik ka Bes. Ang sama mo. Pinaasa mo ko." *sobs*


"Joke lang." ^_^V Yeah! Joke lang. Kasi kay Sam talaga galing yun. May pinabigay ako sa kanya, pero nakita ko, may dinagdag sya. Na alam kong bukal sa loob na galing sa kanya. Psh! Matagal ko na kasing alam may gusto yan Sam na yan kay Jessi. Torpeng palaka nga lang sya. Bwhaahah!

"Sama mo bes. Yun totoo?"


"Kanya nga galing 'yan. Capital PROMISE."


"Capital promise? Mga salita mo pang'ewan!" 


"You don't care, girl." Hihi!. mean ko talaga. ^_^

Something behind usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon