"Nasa mahigit 5,000 na ang bilang ng taong nagpositibo sa Covid-19 sa Pilipinas kaya mas pinapalawig ng gobyerno ang enhanced community quaran---" agad kong pinatay ang TV. Tsk! Paulit ulit na lang ang laman ng mga balita. Nakakaumay ng pakinggan.
Napangisi ako ng makita ang kabuuan ko sa salamin dito sa aking kwarto. Hapit na hapit sa katawan ko ang black backless dress, bumagay rin sa itsura ko ang suot na 12 inches red heels, red pouch, and dark red lipstick. Sa madaling salita, sumisigaw ng kagandahan ang taong kaharap ko sa salamin.
Kumindat muna ako sa sarili ko bago lumabas ng kwarto. Nasa huling palapag na ako ng hagdan ng makasalubong ko si mama na ikinairap ko. Ayaw ko siya makita!
"Ariela? Saan ka na naman pupunta? Alam mo ba kung gaano ka delikado sa labas anak?" nag-aalalang sambit niya.
Hindi ako sumagot bagkus ay nilampasan ko lang siya pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng marahan niyang hinawakan ang siko ko para patigilin ako sa pag-alis.
"Anak naman, makinig ka sa akin. Nag-aalala lang ako. Hindi mo ba narinig sa balita kanina? Parami ng parami ang nagpopositibo sa Covid-19, pinagbabawal na ng mga awtoridad ang bastang paglab---" hindi ko siya pinatapos at marahas kong iwinaksi ang kamay niya saka galit na humarap sa kaniya.
"Huwag ka ngang magkunwaring nag-aalala. Hindi bagay sa tulad mong iniwan kami noon para sa ibang lalaki. Ikaw---ikaw ang manatili rito dahil matanda kana mas madali kang mahawa ng virus." kita sa mga mata niyang nasasaktan siya sa mga binitawan kong salita pero wala akong paki alam. Sasagot pa sana siya ngunit padabog na akong umalis.
Hindi masyadong istrikto ang mga taga bantay sa aming lugar kaya nakalabas kaagad ako. Napahigpit ang hawak ko sa manibela nang maalala ang ginawa ni mama noon.
Napakalandi niya! Hindi pa talaga siya nakuntento kay papa at naghanap pa siya ng ibang panlasa. Iniwan niya kami at sumama sa kabit niya. Ang bata-bata ko pa noon pero nasikmura niya talagang umalis? Dahil sa kaniya namatay si papa kaya hinding-hindi ko siya mapapatawad.
Nakarating ako sa bar at pagpasok ko pa lang sumalubong kaagad sa akin ang napakalakas na ingay ng musika, naghalo-halong amoy ng alak at sigarilyo at mga taong lupaypay na dahil sa kalasingan.
Pumunta kaagad ako sa counter at umoder ng matapang na alak. Sanay naman na akong uminom dahil lagi ko itong ginagawa simula noon pa man. Lumaki akong walang ina na nag-aaruga sa akin. Habang si papa naman ang busy sa negosyo halos wala siya pahinga kaya isang araw bumigay ang katawan niya kaya naiwan akong mag-isa pero bakit pa nga ba bumalik ang magaling kong ina? Ilang taon siyang hindi nagpakita sa amin tapos lilitaw na lang siya bigla nang namatay si papa? Anong kabaliwan niya? Tingin niya ba matatanggap ko siya? Pumuti man ang uwak hindi mangyayari ang bagay na iyon.
Patuloy lang ako sa pagtungga ng alak nang bigla pang mas lumakas ang tugtog kaya parang gusto kong humataw sa dance floor.
Naglakad ako papunta sa gitna pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang bigla na lang may humila sa akin palabas ng bar. Hindi ko siya maaninag pero alam kong babae siya. Inihaharang pa nito ang kaniyang sarili para hindi ako mabunggo ng mga lasing na nakakasalubong namin.
"Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ko nang mapagtanto si mama pala ito. Binitawan niya ako pero hindi siya lumayo sa akin. Napairap ako ng makita ang nag-aalala niya mukha. Tsk! Ito na naman tayo?
"Ano bang ginagawa mo dito? Bakit mo ako sinundan?" galit na tanong ko
"Pinag-aalala mo ako, Ariela! Halika na iuuwi na kita, delikado ang lugar na 'to at maraming tao." alalang sambit niya na ikinatawa ko. Saka umatras ng tangka niya akong hawakan.
BINABASA MO ANG
SHORT | ONE-SHOT STORIES
RandomThis story is compilation of different short | one-shot stories with different genre. Hope you'll like it. Thank You!