"Mark, ayaw ko na. Itigil na natin 'to. Sawa at pagod na ako."
Nawala ang ngiti nito sa mga labi dahil sa turan ko.
"Sure ka ba babe? Baka pwede muna natin 'tong ayusin? Mag-usap muna tayo." kalmado nitong sambit pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
"Huwag na Mark, hindi na ako masaya sayo. Hindi na tayo tulad ng dati. Wala na 'yong sweetness at kilig. Mag break up na tayo."
"Stella mahal na mahal kita, sobra pa sa inaakala mo. Ang makita kang napapagod at nahihirapan ang pinakaayaw ko dahil nasasaktan ako at mas lalo akong masasaktan kung ako pala ang dahilan kaya pagbibigyan kita. Maghiwalay na tayo."
Agad siyang tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Lumapat sa aking noo ang mainit at malambot nitong labi na ikinapikit ko.
Gagawin niya talaga? Papayag na lang siyang basta na lang kaming maghiwalay?
"I love you Stella Marquez but I'm setting you free. 'Til sweetness came back again." sasagot pa sana ako pero
napatanga ako ng mawala na siya sa harap ko na parang bula.Hindi niya man lang ba ako susuyuin? Bibitaw kaagad siya? Hindi niya na ba talaga ako mahal?
Napaiyak na lang ako dahil sa kagagahan ko. This was supposed to be a prank for him but it backfired at me. What have I done? Bakit umabot sa ganito?
It's our 4th Anniversary for heaven's sake. Apat na pptaon kaming nagsama tapos ibabasura niya lang ng ganoon?
Kung totoong mahal niya ako hindi siya bibitiw agad, magtatanong siya ng mga sandamakmak na rason kung bakit makikipaghiwalay ako, at susuyuin niya ako ng susuyuin para bumalik kami sa dati. Pero ano 'to? Susuko kaagad siya?Pinagtitinginan na ako ng mga taong dumadaan sa park dahil sa paghagulhol ko pero wala akong pakialam. Ang sakit eh, sobrang sakit! Dahil sa kalokohan ko basta na lang nawala ang taong mahal ko.
Ilang minuto akong nanatili sa ganoong posisyon habang umiiyak pero napatigil ako nang may batang lumapit sa akin at binigyan ako ng isang pulang rosas. Tinanggap ko naman ito at magpapasalamat na sana nang umalis na kaagad siya at may lumapit ulit sa aking bata na nag abot rin ng rosas kaya taka ko ulit itong tinanggap.
Sinundan ko ng tingin ang bata at tumabi ito sa naunang nagbigay sa akin ng bulaklak. Ngayon ko lang napansin na may dala pala silang karatula pero hindi ko mabasa kasi nakatalikod ito sa akin.
Nabalik ang atensyon ko sa harap nang may nagbigay ulit ng rosas at nasundan pa ito ng apat na bata bago sila pumunta sa gilid bitbit rin ang kanilang mga karatula. What's happening?
Sa kalituhan ay tumayo ako at humarap sa apat na mga batang may matatamis na ngiti sa labi at ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng isa-isa nilang iharap ang hawak na karatula.
'Let's break up Stella, marry me instead.'
Basa ko sa karatula na ikinatulo ng mga luha ko. Kaagad kong hinanap sa paligid ang may kagagawan nito.
And I found him kneeling on the ground in front of the crowd, in front of me holding a ring on his right hand and a bouquet of red rose in his left hand.
"Stella Marquez I love you with all of my heart. Four years---we've been together for four years babe pero nagsawa ka na. That's why I'm breaking up with you, marry me instead. Be my Mrs. Villamor instead of my Ms. Marquez but this time I promise that you won't get tired and bored my love. I will court you everyday, give you roses every morning, shower you with sweetness every night, and tell you how much I love you every single day. Will you marry me?" a single tear fell from his left cheek.
How could he do this to me? He's so full of surprises and it's making my heart beat so fast, so fast.
Wala na akong inantay pang minuto at kaagad akong tumakbo at niyakap siya ng sobrang higpit habang tuloy tuloy pa rin ang agos ng mga luha ko. Tears of happiness. He's my happiness. My ex-boyfriend but my future husband.
Indeed, this is the happiest break-up of my life.
"Yes, yes of course I will marry you. I will be your Mrs. Villamor. I love you too. I love so much, babe.
-THE END-
BINABASA MO ANG
SHORT | ONE-SHOT STORIES
RandomThis story is compilation of different short | one-shot stories with different genre. Hope you'll like it. Thank You!