Agnes' PoVLulan ng kotse na minamaneho ni tatay pauwi ngayong hapon ay nagsusulat ako ng mga plano na gusto kong gawin sa nalalapit na birthday celebration namin ni Amelia. Napatulala ako sa labas ng bintana at tinanaw ang mga establisyemtong madadaanan namin.
Bigla ay parang nagkaroon ako ng interes tungkol sa buhay ni Andrei. Napapaisip kasi ako tungkol sa pagkatao niya, hindi ko alam kung ako lang ba o talagang napakamisteryoso niyang nilalang. Parang bawat galaw niya ay may gustong ipahiwatig—HAY! Napapraning na ata ako, epekto na yata 'to ng mga kuwento sa libro.
"Agnes, ang lalim naman yata ng iniiisip mo, nakakailang buntong hininga ka na riyan." Bigla akong napatingin kay tatay nang magsalita siya,
Bumuntong hininga naman muna ako bago sumagot, "Wala naman po, I'm just curious about my new friend's life, he looks mysterious, tatay."
"May bago kang kaibigan? Wow, bago yan anak ah. Sino yan? Ipakilala mo naman sa'min."
"I will, you might meet him sooner or later. He's kind, tatay," Hindi labag sa kalooban kong sabihin na mabait nga si Andrei, dahil may kabaitan naman talaga siya, well kahit papano.
"Teka nga, kanina ka pa "he" nang "he" at "him" nang "him" lalaki yan?"
"Oo naman, di ko naman po siya tatawaging he at him kung hindi, si tatay talaga." Biro ko, "Andrei Xi po ang pangalan niya, sa una akala ko masungit pero mabait naman po pala." Nakangiti kong dagdag,
"Unang beses mong magkaroon ng lalaking kaibigan, anak ah, papuntahin mo kaya siya dito bukas na bukas din at nang makilala naman namin"
"Sige po, susubukan ko." iyon ang huli kong sinabi bago mangibabaw ang katahimikan sa loob ng kotse,
Ngunit sadyang ayaw ko nang ganoon katahimik lalo na't hindi naman ako mag-isa kaya nagbukas ulit ako ng topic para hindi boring ang biyahe, "Tatay,"
"Oh?" tugon ni tatay,
"May naisip po kasi ako, paano po kaya kung sa Amelia's beach and resort na lang ang venue ng pinaplano kong birthday party namin ni Amelia? Papayag po kaya si mama?" tanong ko dito,
Napaisip naman muna si tatay bago magsalita, "Kung ako ang tatanungin ay okay lang sa akin, pero tanungin mo din ang mama mo siya ang may ari nun, eh" pagtukoy nito sa resort na pagmamay-ari naman talaga nilang dalawa ni mama,
"Sige po, kakausapin ko po siya mamaya," iyon na naman at namayani na uli ang katahimikan matapos tumango si tatay bilang tugon,
Pagdating sa bahay ay deretso agad ako sa kwarto para magbihis at asikasuhin ang sarili bago bumaba at mag-dinner 6:30 pa lang pero heto't kumakain na agad kami ng hapunan. Gusto ko na sanang kausapin si mama tungkol sa paglilipat ng venue, kaya lang masyadong masarap ang mga ulam kaya wala akong planong magpa istorbo o mang istorbo.
Matapos ang hapunan at nagpaalam naman muna ako kay manang, "Kain na din po, kayo. Salamat." Huli kong sinabi bago pumanhik.
Nang makapsok ay agad akong naligo saka naisipang hanapin si mama para makausap. Paglabas ng kwarto ay agad kong nakita si ate Giselle, "Ate, nasaan si mama?"
"Nasa kwarto ata nila," Sagot nito habang panay ang buklit ng pahina ng isang libro.
"Thanks, ate." Tumango lang siya bilang tugon bago maglakad ulit papuntang sa kung saan.
'knock! knock'
Agaad akong kumatok nang nasa tapat na ako ng kwarto nila mama na kahit kailan ay hindi ko pa napapasok at wala naman akong balak pasukin because I don't want to invade their privacy.
BINABASA MO ANG
If Only I Can Live With You
FantasyEverything is almost fine... They're here... I'm happy with what I have... Then suddenly, things have changed. Do you know where a person will go after he/she dies? Is it in heaven? Down there? Or somewhere else where everyone is just a part of the...