Agad na lumapit ang dalawang nurse at ang isa naman ay tinawagan ang school doctor. "Ano pong nangyari?"
"May lagnat po, please help him." Sagot ko sa lalaking nurse.
Natigilan ito saglit pero agad ding binawi ang pagkakatitig sa akin nang magsalita si Andrei, "Stop staring," may banta ang tono ng boses niya.
Mabilis na inasikaso ng nurse at doctor si Andrei ngunit nang oras na para bigyan na siya ng gamot biglang naging iritable si Andrei, "Nah, I'm fine now. I don't need to drink that," kahit nanghihina ay pinilit niyang sabihin ng malinaw ang mga salitang yun.
"But, you need to drink this, mister" nagsusumamo ang tinig ng doctor,
"When I said no...it's a no" madiin niyang usal,
Tiningnan siya ng mga umasikaso sakaniya nang talikuran sila nito at tagilid na nahiga, taliwas sa kinaroroonan namin. Nang mag-angat naman ako ng tingin sa mga nurse at doctor ay nakatingin din pala ang mga ito sa akin.
"Ikaw na ang magpainom nito sakaniya, miss." Pakiusap ng doctor nang makalapit ito sa akin.
"E-eh, ayaw niya n-nga po eh," napapakamot sa kilay kong tugon,
"Please, he need it. Ako na lamang ang magsasabi sa adviser niyo kung bakit hindi kayo makakapasok sa mga susunod na subject." Pakiusap pa nito, kaya wala akong nagawa kundi ang kunin ang tray kung saan nakapatong ang gamot at tubig saka nagsialisan ito at sinara ang kurtina ng kama ni Andrei.
Napatitig ako sa likod niya, kitang kita ang panginginig ng buong katawan niya, "Andrei," pagtawag ko dito pero hindi siya kumibo. "Andrei, kailangan mong inumin 'to, please."
Naupo siya at isinandal ang katawan sa headboard ng clinic bed, "Nah, it's bitter and it taste like an octopus ink" masungit na ani nito,
"Pero kailangan mo 'tong inumin." Inalis ko ang balot ng gamot na binigay sakin kanina ng doctor at inilahad yun sakaniya kasabay ng tubig ngunit tinitigan niya lamang ang mga ito, "Please,"
Napairap pa muna siya bago kunin ang gamot at ilapit yun sa bibig niya, dali dali kong inilapit din sa bibig niya ang tubig at nagmamadali niya din itong tinungga na tila diring diri siyang malasahan ang lasa ng mapait na gamot.
Nang bitawan niya ang baso ay saka niya lang napagtantong nahawakan niya din pala ang kamay ko, iyon sa tingin ko ang naging dahilan ng pag iwas niya ng tingin. Nangibit balikat na lamang ako bago kumuha ng tissue para iabot sakaniya. "Mahiga ka na muna, magpahinga ka na. Si doc na daw ang mage-excuse sa atin." Ani ko, tumango siya at saka nahiga ng patalikod sa gawi ko.
Inayos ko ang pagkakapatong ng kumot sa katawan niya at saka ako lumabas para ibalik sa nurse na naroroon ang tray at baso. "Pakibantay po muna yung nasa bed #7, bibili lang po ako ng makakain niya."
Tumitig na naman sa akin ang lalaking nurse na kanina pa titig ng titig sa akin bago sumagot, "Y-yes miss." Problema neto?
Tumango muna ako bago lumabas ng clinic at dumeretso sa cafeteria. Kaunti pa lamang ang mga istudyanteng palakad lakad sa loob at paligid ng cafeteria kaya hindi naging mahirap para sa akin ang bumili ng pagkain.
Nang makabalik ako ng clinic ay dumeretso agad ako sa bed ni Andrei. Nadatnan ko siyang natutulog pa din, kaya naupo na lamang ako sa kama niya at pinagkatitigan siya. Hinawakan ko ang noo niya para pakiramdaman ang init. Mainit pa din.
Alam kaya ng mga parents niyang may lagnat siya ngayon? Sabagay, kung alam naman ng mga ito ay hindi na nila papayagang pumasok si Andrei.
Bago ko pa mapigilan ang sarili ay gumalaw na ang kamay ko para kunin ang cellphone nito na nakapatong sa side table, medyo nagulat pa ako ng makitang wala itong password.
BINABASA MO ANG
If Only I Can Live With You
FantasyEverything is almost fine... They're here... I'm happy with what I have... Then suddenly, things have changed. Do you know where a person will go after he/she dies? Is it in heaven? Down there? Or somewhere else where everyone is just a part of the...