MOVE ON 101. Lesson 1.

279 3 0
                                    

GUSTO KO NG BOYFRIEND

Yan dapat ang ilalagay ko sa slogan making contest kanina. Yung theme kasi tungkol sa global issue keme. O diba tama naman ako?

Andaming single sa paligid.

Pati ako!

Kating-kati na kong gumawa nyan at isabit sa leeg ko para naman malaman nilang lahat na interested in men din naman ako.

Pano ba ko magkakaboyfriend?

Paano?

“Hoy Kateng”

“Aray ko naman!” Kinaltukan ako sa ulo ni Lei.

“Yung palda mo gaga nakasalupit sa shorts mo”

Nanlamig yung buo kong katawan sabay hawak sa may puwet ko.

“Ay tanga!” Ibinaba ko  agad yung palda ko.

“Uy Winnie the pooh HAHAHAHA”

“FUUUUUUUUU--NAKAKAHIYAAAA” Palakad-lakad pa ko habang naglalakad nang mabagal sa corridor pagkagaling ko sa CR huhu Kaya pala medyo mahangin sa may bandang likod ko. BAKEEEEET

“Tanga mo buti nakita ko agad HAHAHA”

“Tingin mo maraming nakakita? WAAAA ayoko naaaaa” Hinampas hampas ko yung braso nya. Parang gusto kong mangalmot o kaya tumalon ng patiwarik sa building habang nakatali yung paa.

“HINDEEEE. Konti lang binilang ko mga 50”

“HEH! at least sakin Winnie the pooh, sayo Dora!”

“Eto naman maliit na bagay, galit nag alit ka saking tanga ka! Halika na malelate na tayo!”

Ganyan kami mag-asaran at magbarahan ng best friend ko simula nung high school. Kumbaga sa classroom kami yung magkaibigan na hindi maganda, medyo balugain pero strong, minsan walwal sa acads at yung nasa isang tabi habang pinagtatawanan yung mga kadramahan ng mga kaklase namin..OMG we’re definitely the cool kids.

Uso pa nun yung mga KPOP, wala pang kathniel, may Fans Club pa ni Goo Jun Pyo ng BOF, trending ang She’s Dating the Gangster at nung mga panahon na uso pa ang “forever”

Ay? Pa-deep sorry. HAHA

Pero one year ago palang naman simula nung iwan namin ang high school. Relax :) Ang kempet lang nung part na nagrereminisce ako baket ba.

So ano na nga ba. Bakit ganito.

Kasi ngayon, after one year naming maghiwalay ng landas ng best friend ko, andito sya ngayon sa kwarto. Tulad ng dati. Kaya nga lang imbis na magokrayan. Imbis na magtawanan. Imbis na magsabunutan o kung ano mang violence..heto sya.

Umiiyak.

Nagbreak daw kasi sila.

“Pucha nagkaboyfriend ka pala?!” Gulat kong tanong. Nakaupo sya sa kama kong makalat. Tipong 2/3 nun puro damit at kung ano-ano pa. Tapos ako nakaupo sa tapat nya habang kumakain ng chicharon.

“Oo Kateng”

“Weh?”

Binato nya ko ng lupon ng nakabalot na medyas.

“Aray! HAHA sorry. Sinetch si boylaloo?”

“Naman e, seryoso kasi p’rang tanga na naman. Si Hans!”

Paano ba mag-move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon