Lesson 1.1-2

149 3 0
                                    

Lesson 1.1. How did you meet him?

Monday, 4 PM.

Nakareceive ako ng text kay Lei. Hinahanap ako ng bruha. Hangout daw jusko pag nga naman naging city girl na. Well sorry sya kasi may tutor ako ngayon.

“O ano Pachoy last 10 minutes!”

“Ate naman ang hirap ng problem na ‘to!”

Nandito kami sa bahay simula pa kaninang 2PM. Hanggang 4:30 lang kasi yung tutor ko tapos twice a week lang. Syempre bakasyon ano?

“WOOOO bat si Kayla tapos na oh. Daig ka naunahan kapa. O Kayla pwede kana magmeryenda ulit”

“YEHEY!”

 Si Kayla anak ng co-teacher ni mama si tita/teacher Em. Nakatira sila sa kabilang subdivision. Nalaman kasi nya na tinututor ko si Pachoy.

“ATEEEEE” atungal ni Pachoy

“HEH! Tapusin mo yan. Last na oh”

“Opo Miss Minchin”

“Narinig ko yun ah. Magbabalat ka mamaya ng patatas”

“baho ka”

Matapos ang ilang batuhan ng insulto natapos na ng kapatid ko yung problem na pinapasagutan ko. Sumunod na kami kay Kayla sa dining table para magmeryenda. Medyo guilty na rin ako sa “baho ka” ni Pachoy. Hindi parin kasi ako naliligo. Oily, pawisan, mukhang basura. Nakapony tail tas butas yung laylayan ng shorts. Wala e. Lalaley lang kasi nasa bahay naman ako. Baka talaga magmaganda pa ko ano?

“Kayla, ihahatid ba kita sa inyo o susunduin ka?”

“Sunduin po ate Kate”

Ah mabuti hindi ko na kaylangang magmalinis kasi di nako lalabas ng bahay.

“Ate pupunta ko kina lola mamaya ha” sabi ni Pachoy

“O bakit na naman? Manggugulo kana naman dun alam mo namang may high blood yung matanda”

“E titingnan ko saglit yung alaga kong sisiw”

“Si Honey bear?” sabi ni Kayla.

“Hindi nga kasi honey bear yung pangalan ng sisiw ko e!”

“Cute nga yon!”

“Delfin nga kase yung pangalan pakelamera ka talaga!”

“HOY PACHOY. Tama na yan ah” Saway ko. Nako jusko. Kaya ayokong nagbabantay sa dalawang to e, away ng away. Kapag kasi summer wala kaming katulong kasi nasa bahay lang naman kami so, sabi ni lola mas mabuti daw na matuto kami ni Pachoy ng gawaing-bahay.

“Ate Kate nagtext na po yung sundo ko. Nasa labas na daw po sya” sabi ni Kayla. Kinuha nya na din yung bag nya. O diba seven years old lang sya may phone na. Samantalang ako nagkaron ng cellphone grade six, yung 3310 pa. Yung kanya touch screen. Laway!

“ate kate blahblahblahbla blablablahhhh” bulong ni Pachoy sa isang tabi habang kumakain. Napakamapang-asar ng batang ‘to jusmiyo.

“Osige tara ihahatid na kita sa labas. Wala kana bang naiwan?”

Umiling naman yung bata.

Paglabas namin ng gate, may kotse na nakaparada. Haynako rich kid, sorry. Maaga siguro umawas sa trabaho yung daddy nya kaya sinundo na sya. Bumukas yungpinto tapos-

“KUYAAAAAAA!!”

May lalaking lumabas.

At ngayon ko lang sya nakita.

Paano ba mag-move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon