chapter 7

2 0 0
                                    

Angelic Eisha's POV

Today's Wednesday and that means ngayon kami magmi meeting sa bahay ni Ryker. Aaminin ko medyo kinakabahan ako kase first time ko pumasok sa ibang bahay, especially sa bahay ng lalaki.

Tinext niya kahapon ang address kung saan siya nakatira and it's kinda familiar. I don't know pero parang malapit lang dito sa amin.

Maaga ulit akong pumasok sa school at nag breakfast na rin dito, but not in the garden/forest place ako kumain. Baka makita ko pa siya don.

Kasama ko si Jamie ngayon na nonstop ang pag kwento sa nangyari sa kanila ni 'Kali' daw.

"Hindi mo ba alam sobrang kinakabahan ako pagkaharap siya! Omyghosh antahimik niya lang. Hayyys, kapag may tatanong at sasabihin lang siya saka lang magsasalita."kuwento niya pa rin, magkatabi kami ngayon at tahimik lang akong nakikinig sa kuwento niya.

"Ikaw? Diba ngayon kayo magmimeet ni Ryker? Where pala?"

"Sa bahay daw nila."maikling sagot ko.

"Talaga?! Suwerte talaga. Kami sa cafe lang, pero okay na yun atleast parang date! Hahahah!"

Sira talaga to. Ano naman suwerte dun? Feeling ko magiging awkward ang tensyon naming dalawa don.

O baka ako lang?

Nagring na ang bell, tumayo si Jamie at nagtaka naman akong tumingin sa kanya.

"Anong pang inuupo mo diyan? Next subject na huy!"nahinto ako sa oag iisip nang tawagin ako niya ako.

"Ah oo nga pala, science na."tumayo ako at kinuha ang aking bag.

"Tange! Doble period tayo sa TLE ngayon!"

Doble..... period?

"Seryoso?!"hindi makapaniwala kong tanong. TLE? As in?!

"Oo! Kaya pumunta kana sa room ng coarse mo. Una na ako, bye!"pagpapaalam niya.

Ibig sabihin, dalawang oras kong makakasama si Ryker?! No effin way.

Napabuntong hininga nalang ako at nagtungo sa Cookery room. I wish this wouldn't be awkward.

Pagkarating ko sa room laking pasasalamat ko wala pa siya. Umupo na ako sa upuan sa likod at tahimik na nagmasid ng paligid.

As usual, chika dito chika doon ng mga babae dito. Puro sila Ryker lang naman pinag uusapan. Hindi ko nalang sila pinansin.

Hindi pa dumarating ang teacher ay nakita kong nasa pinto na si Ryker. Maaga ba siya o sadyang late lang ang teacher?

"Kyahhhhh!!!!!!"

"Hi Ryker!"

"Dito tabi tayo ahihihihihi"

"Babe here!!!!"

Blah blah blah blah blah.

Kainis naman tong mga to, kung makasigaw kala mo ilalabas na ang lungs nila eh.

Pero dumaretso dito sa tabi ko tong si Ryker. Nadinig kong nagbulungan ang iba, ansasama din tumingin.

Paki ko sa inyo.

"Silence!"sigaw kaagad ng teacher pagkapasok.

"I'll be leaving for a meeting. Pag usapan niyo na ng partner nyo ang gagawin niyo sa task."yun lang ang anunsiyo saka umalis.

Dalawang oras, hindi na masama. Puwede na naming pag usapan dito ang gagawin namin. Diba?

"Pss, huy!"mahinang tawag ko kay Ryker. Baka marinig ako ng mga to, mahirap na.

Not Yours Truly || (ON-GOING)Where stories live. Discover now