One

52 8 4
                                    

Past

Kanina pa ako nakatingin sa screen ng phone ko. Hindi ko alam kung ilang oras na pero matagal na.

Nakaakbay ang batang lalaki sa batang ako. Parehas nakangiti at mukhang masayang masaya. His gray eyes color is looking at me while his hair na kakulay ng mata niya ay magulo naman. Habang ako naman ay nakatingin sa camera at dikit na dikit sakanya.

Kamusta na kaya siya? He's married?

Tatlong araw na ang nakakalipas pero hindi pa din mawala sa isip ko yung lalaking nanghalik sa akin.

Familiar talaga ang lalaking naghalik na 'yon. Ang mata at ang labi niya parang nakita at nahalikan ko na dati.

He's fucking so familiar! His gray eyes!

Nakaupo pa din ako sa sahig habang nakatitig sa screen ng phone ko at walang balak matulog kahit madaling araw na. Ilang oras pa ako na nakatitig sa kawalan haggang sa kusa nalang akong dalawin ng antok at nakatulog.

"Rhyme, Ano ba! Tara na." sigaw sa akin ni Ate Kim.

Mabilis kong iniligpit ang mga nakakalat na laruan sa sahig at nilagay sa loob ng kwarto.

Andito ako sa Ancestral House nila Lola dahil bakasyon naman at wala ring oras sila Mommy sa akin dahil sa pagaalaga kay Jace. Magkakasama kaming magpipinsan na nagbabakasyon.

"Ate saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Pupunta tayo kila Tita, Kaya bilisan mo! Wag kang babagal bagal jan..." sigaw niya sa akin.

"Hindi kapa nasanay jan kay Rhyme. Maarte naman palagi yan." narinig kong sabi ng isa kong pinsan.

"Ang arte tapos mabagal kumilos. Hindi naman maganda." narinig kong bulong ng isa ko pang pinsan pero halatang parinig naman kaya nagtawanan silang lahat.

Napayuko nalang ako at hindi na umimik.

Hindi ko alam kung bakit lahat silang magpipinsan ay parang laging galit sa akin. Lagi nila akong inuutusan at pinapagalitan. Minsan naman nilalait nila ako. Kung itrato nila ako ay parang hindi nila ako kadugo. Isang tao lang ang mabait sa akin. Normal siya makitungo hindi katulad ng iba kong pinsan.

"Hoy, Rhyme! Alagaan mo nga itong si Liam." sabi sa akin ni Ate Zara.

"Bakit po ako?" inosenteng tanong ko.

"Bakit ayaw mo? Ang tamad tamad mo na nga pati ito hindi mo pa magawa?" inis na sagot niya sa akin.

"Aalagaan ko na po." sabi ko at mabilis na kinuha ang batang si Liam sa kanya.

"Good! Mukha ka namang Babysitter sa pananamit mo e," malakas na sabi niya kaya nagtawanan silang lahat.

Hindi nalang ako umimik at mabilis na pumasok sa kotse habang buhat buhat si Liam kasunod ni Ate Kim. Pupunta daw kami ngayon sa bahay ng isa naming Tita na ngayon ko lang makikita dahil laging nasa ibang bansa.

Ang sabi sa akin dati ni Mama ay may isang pinsan pa akong hindi nakikilala dahil laging nasa ibang bansa. Kaya baka siya na. Excited na akong makilala siya. Babae kaya siya o Lalaki? Ano kaya ang magiging trato niya sa 'kin? Sana mabait siya sa akin.

"Kapag nakita niyo si Tita at Tito, Magmano at Bumati kayo! Baka sabihin wala tayong galang." paalala sa amin ni Ate Kim.

"Opo." sagot ko at inirapan niya lang ako ang iba naman ay tumango lang.

Kahit naman hindi niya ipaalala iyon ay gagawin ko pa din. Bata palang tinuruan na ako nila Mama kung paano gumalang at laging magmano at bumati sa mga nakakatanda sa amin. Lagi din gumamit ng 'po at opo' at wag sasagot sa nakakatanda. Lagi din dapat mabait.

Chasing in the Sea of Love (Lady Series #1)Where stories live. Discover now