Chapter 12

131 36 24
                                    

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑻𝒘𝒆𝒍𝒗𝒆

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑻𝒘𝒆𝒍𝒗𝒆

▪︎X▪︎

7 DAYS after we shared our first kiss. Naramdaman kong mas lalong naging malapit ang loob namin ni Patrick sa isa’t isa.  Nag-oopen na rin sya ng mga problema nya sa’kin; tungkol sa mga kaklase nya, kung sinong guro ang hindi nya gusto kapag nag bibigay ng lesson, mga rants nya sa buhay at kung ano yung mga pinagdaanan n’yang pagsubok noong unang taon matapos s’yang lumabas sa ospital.

Na-ikwento nya rin sa akin, yung mga pagkakataong ilang beses s’yang magtangkang magpakamatay dahil sa depression, pero hindi nya ito matuloy-tuloy dahil may kung anong boses raw na pumipigil sa kanya na gawin yun, at upang hindi makulong sa kadilimang iyon, ay sinubukan n’yang pagbuksan ng pinto ang mga taong gustong pumasok sa buhay nya.

Tinanggap nya ang reyalidad na meron s’yang mapagmahal na ina, nagkaroon ng pagkakataon na makipag-kwentuhan sa dati n’yang mga kaibigan at naniwala s’yang may isang misteryosong kaluluwa na nagigising sa iba’t ibang katawan bawat araw at ako yun.

Simula nang maipagtapat namin ang tunay na nararamdaman sa isa’t isa nagkaroon kaming dalawa nang pagkakataon na bumuo ng mga bagong alaala.

Kaya siguro kami pinagtagpo dahil upang tulungan ang isa’t isa.

Ako, na tinulungan s'yang makalabas sa madilim n’yang buhay at alam ko sa pagkakataong ito ay tuluyan na n’yang napalaya ang sarili sa kalungan na iyon.

At sya, na tinulungan akong malaman kung sino ba talaga si “X” na hindi ako isang kaluluwa na nang-aagaw lang ng katawan.

Dahil ang totoo?

Mayroon talaga akong pagkakakilanlan, Xell Ashley Navarez yan ang tunay kong pangalan.

TODAY, I woke up in a body of a girl who worked as a gym instructor.

Kasalukuyan akong nagliligpit ng mga gamit ni Patrick sa kanyang silid, nang biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at pumasok sya na may dala-dalang beer, chips, cup noodles at kung ano ano pang pagkain na nasa loob ng isang 7-eleven na cellophane.

Nakangiti s’yang nakatingin sa akin kaya nakangiti rin akong naglakad palapit sa kanya.

Mabilis kong inagaw sa kanyang kanang kamay ang isang supot at nilapag ito sa may sahig. Naka indian seat naman akong umupo habang kinukuha ko ang mga laman nito at inayos nang mabuti sa aking harapan.

“Wow look at this room it feels like I don’t own it.” nakakamanghang sabi nito habang iniikot ang paningin sa buong paligid. Mabilis kong hinampas ang kanyang binti upang maagaw ang kanyang atensyon.

“Syempre, nilinis ng girlfriend mo eh.” Pagmamalaki ko.

I saw him smirked and then he reached the top of my head and kissed it. Bumaba sya ng posisyon, tumabi sa akin at ginaya ang aking pagkaka-upo sa sahig.

Today is weekend that’s why he decided to hang out in their house. Wala rito ngayon ang mama nya dahil pumunta ito sa bahay ng kanyang kaibigan na may sakit, upang tumulong sa pagbabantay at bukas pa raw ito makakauwi.

Kaya kaming dalawa lang ang naririto ngayon.

Binuksan nya ang isang malaking chips at pinwesto sa aming harapan, nagbukas sya ng dalawang can ng coke at binigay sa akin ang isa.

I opened his laptop, wala itong password kaya mabilis na tumambad sa aking harapan ang kanyang wallpaper.

It’s a midnight style. The stars and moon are visible but one thing that made me smile is the big letter “X” on the screen.

“Kilig ka noh? Wag munang pigilan, okay lang naman eh.”

Hinarap ko sya at mabilis na hinalikan ang kanyang labi.

“Thank you.”

Muli akong humarap sa laptop at pumili ng movies na maaari naming panoorin buong araw.

Ang una kong pinindot ay yung movie na Titanic.

Pareho kaming naging interesado sa palabas. Hindi nga namin alam kung napanood na ba namin to noon, nung mga panahon na hindi pa nawawala ang alaala nya at ako na hindi pa namatay.

Natapos ang dalawang oras na nilaan namin sa panunood at nakita kong naiyak sya.

Samantalang ako ay galit at inis ang naramdaman dahil sa ginawang kaartehan ni Rose at hindi ko namalayan na kaming dalawa na pala ay nag-aaway.

“Totoo naman kasi. Kung hindi sya tumalon pabalik sa barko edi sana buhay pa si Jack.”

Mabilis naman na sumalungat ang katabi ko.

“Eh, kung hindi sya bumalik. Sa tingin mo makakawala si Jack sa pagkaposas sa kanya roon sa ilalim?”

Inirapan ko muna sya bago muling nagsalita.

“What I mean is okay yung part don na hindi sya sumakay sa barko kasama ang mama nya, dahil yun yung chance na natulungan nya si Jack. Pero yung point ko is, yung pangalawang pagkakataon na n’yang sumakay sa life boat pero tumalon ang gaga para lang makipaghalikan kay Jack.”

“Eh, anong magagawa mo? Dahil mahal nya yung tao.”

“Mahal? Eh dahil sa ginawa nya naging pabigat sya sa survival ni Jack. Na dapat kung wala sya, si Jack yung makakasakay sa head board ng kama.”

“But for Rose, she decided to die together with him than to live without Jack beside her.”

“Eh, Tanga sya.”

“Lahat naman tayo nagiging tanga pagdating sa pagmamahal eh.” He said by looking at me in the eyes

Biglang nanlambot ang puso ko dahil sa sinabi nya. And that moment I realize that we have the same situation just like Rose and Jack.

𝓽𝓸 𝓫𝓮 𝓬𝓸𝓷𝓽𝓲𝓷𝓾𝓮𝓭...

See You, Tomorrow | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon