CHAPTER 2

25 2 0
                                    

HINDI man aminin ng binata ngunit siya na ang sinungaling kung sasabihin niyang hindi bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang dalaga.

Parehas lang naman sila ng mukha ng asawa niya pero bakit parang tumatalon ang puso niya kapag nakikita niya ang dalaga?

I'm fvcked up.

"Ano daw nangyari sa kakambal ko?" wika ng dalaga habang masuyong hinahaplos ang kamay ng kakambal niya gamit ang mga palad.

Stop it heart! Fvck! pinapagalitan niya lang naman ang puso niyang halos mangisay na sa sobrang bilis ng tibok nito. Nanatili lang siyang pinapagalitan ang puso niya at pinapakalma ang sarili.

"Hey. Tinatanong kita," nag iwas siya ng tingin nang magtama ang mga mata nila. Halos mangisay siya sa mga mata nito at laking pasalamat niya nang alisin din ng dalaga ang tingin nito sa kaniya.

"A-ah," napalunok siya ng humarap sa kaniya ang dalaga at titigan siya sa mga mata," T-The doctor said that my wife," nag iwas ng tingin ang dalaga sa kaniya at itinuon ang atensyon sa kamay ng kakambal,"s-she accidentally hit her head on a metal at baka hindi siya agad magising."

Thankfully. Natapos ko din! mukhang may balak pa itong magbunyi dahil nabawasan ang probabilidad na magmukha siyang asong ulol kung hindi niya napigilan ang kaba sa boses niya.

"I'll stay here, whether you like it or not. I'll take care of my kambal," may diin ang boses ng dalaga kahit hindi ito nakatingin sa kaniya.

"Sure. Kakambal mo siya. May karapatan ka na alagaan siya," nakatitig pa rin siya sa dalaga at halos magsilabasan ang mga lamang loob niya nang ngitian siya nito.

Fvck you heart! Stop!

Para siyang baliw na ngumiti pabalik.

Ano bang nangyayari sa'kin? Darn.

H

INDI na mabilang kung ilang beses ng pinagalitan ni Zenairah ang sarili niya. Naiinis siya dahil hindi niya pwedeng maramdaman ito dahil alam niyang bawal mahumaling sa taong nakatali na lalo pa't asawa ito ng kakambal niya.

Listen. Self. Nandito ka para alagaan ang kakambal mo. Dapat wala kang pake sa ibang tao okay? pagkumbinsi niya sa sarili.

Ayaw niyang sirain ang buhay ng kakambal ng dahil sa kaniya. Kailangan niyang labanan ang hindi mapaliwanag na nararamdaman niya para sa binata. Kundi mawawalan siya ng dignidad bilang isang babae.

"I'm Kaiven Ace Caliente Del Fuente, or you can call me Kai," halos mawalan siya ng hininga nang nakita niyang papalapit sa kaniya ang binata habang nagsasalita.

Inilahad nito ang kamay sa harapan niya.

"I'm Zenairah Collins," tinanggap niya ang kamay nito kahit na halos mangisay na siya sa epekto ng ilang dangkal na pagitan ng katawan nila.

Oh my! You have to go self! Let go. Or else you'll be a mess. Pangongonsensya niya sa sarili.

Binitawan niya ang kamay ng binata at nag iwas ng tingin saka tumakbo papunta sa pintuan ng hospital room.

"I'll go and get some food," sana lang talaga ay gumana ang palusot niya. Wala na siyang hinintay na sagot mula sa asawa ng kakambal at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

PINAPAGALITAN niya ang sarili at tinatapik ang noo niya ng paulit ulit. Hindi siya dapat makaramdam ng kahit ano sa lalaking iyon kundi ay masisira talaga ang relasyon niya sa kakambal niya.

Nakalabas na siya ng hospital at naghanap ng pinakamalapit na fast food restaurant. Namiss niya na rin ang fast food dahil hindi siya nakakalabas dahil may trabaho siya sa bahay niya sa probinsiya at binabantayan niya ang lola niya.

Parang swerte siya nang mahanap ang paborito niyang restaurant na malapit lang sa hospital. Nag order siya ng dine in saka take out. Kain siya ng kain hanggang mabusog siya. Isa siyang dalagang mas pipiliing kumain ng kumain hanggang mabusog kaysa bilangin ang kinakain niya. Laking pasalamat niya na lang dahil parang walang epekto sa kaniya ang pagkain niya ng marami. Kahit na marami siyang nilalamon ay may kurba pa rin ang katawan niya, at proud siya rito.

Kanina pa siya nakikipagsagutan sa isip niya kung bakit nga ba siya nag take out.

Easy. Pinagtake out ko lang siya para makitungo sa kaniya dahil asawa siya ng kapatid ko. Parang may kausap siya sa harapan niya at patango tango pa siya.

Asus. Nag order ka kasi ayaw mo siyang magutom. Ayan na naman, may pinagtatalunan na naman sila ng isip niya. Umiling iling siya.

Hindi kaya! I did that for ahm, for...

For him.

Hell no!

Hell yes.

Napasabunot na lang siya sa sarili niyang buhok at inis na hinilamos ang mga palad niya sa mukha.

NANG GABI na ay napagdesisyunan niyang bumalik na sa hospital. Pagkatapos niyang kumain ay nag ikot ikot muna siya upang maglibang. Ang totoo ay ayaw niyang madatnan ang asawa ng kakambal niya na nasa hospital room.

Kasi ayaw mong mapalapit sa kaniya. Mukhang magtatalo na naman sila ng isip niya.

Ang dakilang epal mo rin ano? Hindi kaya! Ayaw ko lang makita ang pagmumukha niya!

Napailing iling siya. Para na kasi siyang baliw sa ginagawa niya. Pero bakit kasi ayaw lubayan ng lalaking yun ang isip ko! Putcha oh.

Tulala siya habang naglalakad sa parking lot kung saan niya ipinarada ang kotseng hiniram niya sa kaibigan niyang si Sirene. May kaya ito sa buhay, sa totoo nga ay kababalik lang nito mula sa sampung taong paninirahan sa States. Napakayaman na nito ngayon, ngunit kahit ganoon ay nagpapasalamat siya dahil hindi lumaki ang ulo nito at mabait pa rin ito sa kaniya.

Samantalang siya, eto, kumikita lang sa pagbebenta online. Kung paminsan nga ay wala pa siyang mabenta. Ayaw niyang manghingi sa kakambal niya o sa kahit sino. Ang gusto niya ay kumikita siya sa sarili niya.

Nang naglalakad na siya papunta sa loob ng hospital ay biglang umulan ng malakas.

Bumalik na naman ang panaginip na mistulang totoo para sa kaniya.

"KUKUNIN ko ang lahat sa'yo!" ayan ang katagang narinig niya sa isang babaeng di niya malinaw kung sino dahil medyo may pagka blurred ang mukha. Pagkatapos ng katagang iyon ay puro putok ng bala ang namayani at natapos ang panaginip niya.

Para na siyang baliw dahil kaysa tumakbo siya papasok upang hindi na mabasa ay nanatili lang siya. Umaasa siyang may maaalala ngunit wala.

Biglang sumakit ang ulo niya na parang binibiyak ito. Sobrang sakit na halos mapahawak na siya dito at mabitawan ang dalang pagkain na  naka plastic. Akmang mahuhulog na ang katawan niya nang may makasalo sa kaniya.

"Zenairah!"

Yan lang ang narinig niya bago lamunin ng kadiliman ang nakikita niya.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DESIRE FOR MY TWIN'S LIFEWhere stories live. Discover now