Napabalikwas sa higa si Zenairah nang makarinig ng sigaw.
"Zenairah!"
Nagkusot pa siya ng mata gamit ang likod ng palad dahil nagising lang naman siya ng boses ng kaniyang lola.
"Po? Lola?" tugon niya.
Nag ayos siya ng upo sa di kalakihan na kama niya sabay ng pag angat niya ng tingin sa nakatayo niyang lola.
"Ang kakambal mo! Nasa hospital!" napakapit siya sa bedsheet niya kasabay ng pagtalon ng puso niya.
Alalang alala siyang tumayo at naligo para puntahan ang kakambal niyang nasa Manila.
Ano bang maitutulong niya kung hindi puntahan ang kakambal diba? Oo nga't may hinanakit pa siya sa kakambal dahil naglihim ito sa kaniya ngunit hindi niya naman ito matitiis.
Kahit halos umakyat ang dugo niya nang malamang nagpakasal ang kakambal niya ng wala mang permiso galing sa kaniya.
Pinangarap nila ng kakambal niya na ikasal ng sabay ngunit parang kinalimutan ito ng kakambal niya simula ng mamatay ang mga magulang nila.
Nagkaniya kaniya sila ng buhay ng kakambal niya.
Kamusta na kaya ito ngayon? nawalan siya ng balita rito dahil nagkaiba sila ng tinitirhan. Hindi rin ito umiwi sa probinsiya.
Siguro ay masaya ito dahil nagkapamilya na siya....
ALALANG ALALA si Kaiven ng malamang na aksidente ang asawa niya. Sobrang minadali niya ang pagliligpit at walang sere seremonyang nagtungo sa hospital.
"KAMUSTA yung asawa ko doc?" di siya nag iba ng tingin sa kamay ng asawa na hawak hawak niya habang nakaupo siya sa upuan na nasa gilid ng kama ng mahal niyang asawa.
Tumungo lang ang doctor at nagsalita,"Tatapatin na kita Mr. Samonte, she unluckily bumped her head on a metal. Medyo may katagalan pa ang paggising niya,"hindi na ito naghintay ng sagot niya at lumabas ng kwarto.
Masakit man aminin sa sarili, ngunit tiniis niya ang pagbabago ng sarili niya pagdating sa dalaga.
Kung dati ay mabilis ang tibok ng puso niya kapag kaharap ang asawa, ngayon ay parang nawawalan siya ng gana. Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng ganoon ngunit hindi rin niya gustong saktan ang asawa kapag sinabi niya iyon sa kaniya.
Baka pagod lang siya kaya hindi siya nakakaramdam ng pagmamahal sa asawa.
Fvck. I love her. Pagtutol niya sa ideyang kumawala sa isip niya.
If you love her, why can't you feel it? pag salungat sa kaniya ng isip niya.
I love her. I know.
You just know, but you can't feel it.
"Darn! Fvck!" binitiwan niya ang kamay ng asawa at nagmumumura sa loob ng pribado nitong hospital room.
Ipinikit niya ang mata at humiga sa sofa sa nasa gilid ng pader. Kailangan niyang magpahinga. Ipinatong niya ang likod ng palad sa mata niya upang umidlip.
"Ikaw ba yung asawa ng kakambal ko?"
Inalis niya ang kamay sa mga nakapikit niyang mata sabay ng pagmulat ng mga ito. Nag ayos siya ng upo at halos malaglag ang panga niya sa nakita.
His wife has a twin? Fvck. This can't be.
YOU ARE READING
DESIRE FOR MY TWIN'S LIFE
De TodoHow can you stop loving the person who loves your twin sister? How can you stop the feeling of wanting your twin's almost perfect life?