Chapter 15

294 13 8
                                    

Emi's POV
Hindi ko naman gustong sabihin pero kailangan na niyang malaman eh. Patawarin mo ako Alli huhu.

"Emi ano na? saan ba tayo pupunta?!" aligagang tanong ni kuya Eizer.

"Kuya pumirmi ka saglit puwede?" natatarantang sabi ko sakaniya.

"Tiyaka ano pala yung sinasabi mo kanina na my son needs me?" takang tanong niya.

"Puwede bang manahimik ka muna diyan kuya? hindi ako makapag concentrate sa ginagawa mo eh!" naiinis na sabi ko sakaniya at binilisan pa lalo ang pagdadrive.

Sina kuya Ellizer nakasunod sa kotse ko kasi kung isasabay ko sila dito sa kotse baka mas lalo akong mataranta sakanila. Sa ngayon malapit na kami sa hospital kung saan dinala ni Alli si baby Ellison, napansin ko lang bakit Ellison ang pangalan ng baby nila? edi parang anak ni kuya Ellizer, katangahan nga naman ni Alliyah.

"Malapit na ba tayo?" tanong ni kuya Eizer.

"Oo malapit na, malapit na kitang ilaglag sa kotse ko." asar na sabi ko sakaniya.

"Taray naman, meron ka ba?" sabay tingin sa akin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin "Manahimik ka nalang diyan ok?" nagtitimping sabi ko sakaniya.

Natahimik naman siya, nakikita ko na yung hospital ang kaso traffic naman. "Ano ba yan! kung kailan naman nagmamadali tayo tiyaka pa traffic." napapalo nalang ako sa manibela.

Napatingin sa akin si kuya na may pagtataka sa mukha. Aha! may naisip ako hihi.

"Kuya, nakikita mo yung hospital na yun?" sabay turo ko dun sa hospital na may hindi kalayuan sa amin.

"Oo bakit?" naka kunot noo niyang tanong.

"Ako din hehe, charot lang hahaha. Labas ka na dito puntahan mo na yung mag ina mo." sabay ngiti ko sakaniya.

"Sige salamat!" palabas na sana siya pero pinigilan ko siya.

"Room 369, fighting!" sabay pakita ng fist ko sakaniya.

"Fighting!" at nagfist bump naman kami tiyaka na siya lumabas ng kotse ko.

Nakita kong tumakbo na si kuya Eizer kaya napangiti ako. Tinext ko na si kuya Ethan at sinabing pinauna ko na si kuya Eizer sa hospital.

Eizer's POV
Pagkapasok ko sa hospital nagtanong ako sa nurse na nakasalubong ko.

"Miss saan dito yung room 369?" hingal na tanong ko.

"4th floor then turn right po." paliwanag niya.

"Thank you!" at patakbong pinuntahan ang elevator.

Pinindot ko agad ang numerong 4 pagkapasok ko. Hindi ako mapakali sa loob ng elevator at halos mawalan ng hininga dahil sa pagod. Pagkabukas ng elevator agad akong lumabas at sinunod ang direksyon na sinabi nung nurse kanina.Nakita ko din agad yung room 369 at agad na kumatok. Nagulat ako ng si Alliyah ang nagbukas ng pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong niya sa akin.

Pero hindi ko siya sinagot at tumingin sa baby na nakahiga sa hospital bed. Niluwagan naman niya ang pagbukas ng pinto kaya pumasok na ako at nilapitan ang baby. Natutulog ito at pinagmasdan ko siya, kamukhang kamukha ko ang bata.

Hindi ko namalayan na naluha na pala ako "Anak ko..." nanginginig na sabi ko.

Nakita ko si Alliyah sa kabilang side ng kama na napatakip ng bibig at napaluha rin kaya siya naman ang tinitigan ko. Nilapitan ko siya at niyakap, hinaplos ang kaniyang buhok at hinalikan sa noo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Over Protective KuyasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon