Emily's POV
May narinig kaming mga sasakyan sa labas at oo MGA sasakyan kasi nga sinama nina kuya yung mga kagangmates nilaBale 45 sila kasi tag 15 sina kuya kaya marami rami na kami
Sinalubong sila ni Nika sa labas
Pagpasok nila napa'woah' sina kuya pati yung mga kagangmates nina kuya
Ako?nakaupo lang habang nanonood ng T.V para na kasi namin tong bahay kaya ganun
"Ano ready na kayo?"-tanong ko pero nakatingin pa rin ako sa t.v
"Oo kaya nga nandto na kami dba"-pilosopong sabi ni kuya Ellizer
Kaya tinutukan ko sya ng totoong baril tyaka ko kinasa
Nagtaas ng kamay si kuya Ellizer
"Ok hahaha hindi na"-sabi ni kuya kaya tinignan ko na sina Nika,Thea at Yuki at nagnod ako ibig sabihin nun ay pumunta na kami sa kanya kanya namin kwarto at magbihis
So tumayo na ako tyaka na kami pumunta nasa kwarto namin sina kuya naman umupo na sa sala
Pinalitan ko yung pangitaas ko ng tube tapos leather vest na hanggang sa bewang ko tyaka ko pinalitan ng converse yung rubber shoes ko
Bb cream,blush on,light red lipstick tapos nilugay ko yung buhok ko at hindi ko na cinurl kasi kulot talaga sa baba yung buhok ko
Tapos na ako kaya lumabas na ako ng kwarto at hindi namin alam na sabay sabay pala kaming lumabas ng kwarto
Sina kuya naman naka poker face na nakatingin saming apat
"Bat ganyan suot mo?"-cold na tanong ni kuya Ethan
Nag smirk lang ako tyaka naglakad papasok sa office ko kaya sinundan ako nina Nika,Thea at Yuki tapos sumunod nadin sina kuya at yung mga kagangmates nya
Malaki tong office ko kasi parang syang malaking apartment
Umupo ako sa swivel chair ko at kinuha yung phone dto sa table ko
Tinawagan ko yung iba pa naming kagangmates namin
(Pumunta kayo sa hideout sharp)
[K]
Binaba ko na yung tawag
Apat lang kaming babae sa group namin kaya para kaming prinsesa para sa mga lalaki naming mga kagangmates
Ayaw nila kaming nasasaktan,nagagalusan,at nagkakasakit
May narinig kaming ingay na papunta dto sa office ko at alam kong mga kagangmates ko yun
"Yow!"-sabay sabay na sabi ng mga kagangmates ko kasama pala nila lahat bale 80 na kami kasi 35 kami at 45 sina kuya
"Dami natin ahh"-sabi ni Steven ang makulit sa grupo namin pero mas makulit ako hahaha
"Ang black and white phoenix ay nagsanib pwersa na para pabagsakin tayo"-seryosong sabi ni Thea
"At nakahanap na din sila ng mga kakampi nila kaya sobrang dami na nila ikumpara mo sa atin"-seryosong sabi ni Yuki
"Call the others"-cold kong sabi kaya naman tinawagan ni Nika ang 10 pa naming kagangmates
"Emi...di sila pwede kasi daw may emergency sa bahay nila"-sabi ni Nika kaya nagnod nalang ako.
"Tara na at tayo na lang ang lalaban"-sabi ko tyaka na ako lumabas tapos sumakay sa lamborghini ko color black na may red,white, at light blue
Ngayon palang nila nakita toh kasi ngayon ko lang nilabas