Munti

0 0 0
                                    

Wala akong hardin
Subalit gusto kong itanim
Isang binhi na kung tawagin
Ay 'pag-ibig na malalim'

Itong aking munting pananim
Hindi madaling payabungin
Luha ang sa tuwina'y pandilig
Ngiti ang liwanag na hahalik

Lupang pagtataniman dapat ingatan
Binhi at lupa'y dapat pakibagayan
Nang sa ganoo'y bulaklak ay masilayan
At bungang handog ay matikman

Ngunit aking pananim mahirap anihin
Para ang bunga'y maging hitik
Paghihirap sa munting hardin
Maraming taon ang bibilangin

Ito ay hindi magiging madali
Bagyo'y darating baka sakali
Ngunit munting halama'y 'di pagagapi
Aruga at kalinga lamang ang hinihingi

Sa oras na ang bunga'y iyong matikman
Munting halaman 'wag sanang kalimutan
Halamang aking itinanim
Sa ating munting hardin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Midnight ReverieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon