Chapter 5: My Journey to Home II

428 41 0
                                    

MIYU's POV

Inalog ko yung braso niya. Pero ayaw parin sumagot. Ang sama ko no? puro dugo na siya, inalog ko pa.

"Ano ba? Sasagot ka o dadagdagan ko yang dugo sa mukha mo?!" Seryoso na akong tumingin sakaniya.

"Miyu.." Bigla niyang sinandal yung chin niya sa balikat ko tska ako niyakap, biglang umiyak.

Medyo nagulat pa ako. Ngayon ko nalang kasi siya nakitang umiyak. Close friends kami since grade 1, kaya kapatid na turing ko dun. Bata pa kami nung huli ko siyang makitang umiyak. Mga 11 years old pa noong libing ng lolo niya.

[FLASHBACK]
"Jin.. tama na." Hahawakan ko sana yung braso niya. Pagka-dampi nung daliri ko, bigla siyang humarap sakin na punong puno ng luha yung mukha niya.

"Tama na?! Si lolo lang ang nag-iisang nagmalasakit saakin! Si mama? nasa hospital, lumalaban sa sakit niya! at si papa?" Napaluhod siya sa lupa habang patuloy ang pagbuhos ng luha sa mga mata niya.

"Wala siyang kwenta." Nakita kong nanginginig siya sa galit. "Simula ng nawalan si mama ng trabaho, iniwan niya na kami! Nag-ibang bansa ng hindi namin namamalayan! Siguro ngayon.. may pamilya na siya doon, at nakalimutan na kami.." May pumatak na isang luha sa may lupa pagkasabi niya nun.

Di ko namalayan na umiiyak na din ako. Lumuhod din ako at hinawakan yung kamay niya tska ngumiti.

"Alam ko nararamdaman mo, masakit sa pakiramdam yung mamatayan ka ng pamilya lalo na kung sila yung nagmahal sayo." Napatingin siya sakin.

"Pero.. wag mo naman ubusin yung luha mo. Andito pa ako oh! I-save mo yan pag namatay na ako." Ngumiti lang ako tska niya pinitik yung ilong ko.

"Aray!" Napahawak ako sa ilong ko.

"Sira ulo ka! lalo mo akong pinapa-iyak!" Nagpupunas siya ng luha. Pi-nat ko yung ulo niya.

"Bestfriends forever tayo diba.. kaya walang iwanan. Andito lang ako." Nag-pinky finger ako habang nakangiti sakaniya.

"Bestfriends forever." Ngumiti siya sakin tska nakipag-pinky finger. Bigla niya akong niyakap, kaya niyakap ko rin siya.

[END OF FLASHBACK]

At ngayon.. heto siya, parang batang iniwan ng nanay kung maka-iyak.

"Masaya na ako Miyu.. matutuloy na ulit yung surgery ni mama." Hinarap ko siya.

"Teka.. akala ko ba magaling na si tita? at.. sino ba gumawa sayo niyan huh?!" Tiningnan ko yung damit niya. "Sinong g*go yang bumugbog sayo! ako papatay jan!"

Tumingin lang siya sa paligid tapos biglang nawalan ng malay.

"H-Hoy! Jin!"

Nilagay ko yung braso niya sa balikat ko tska naglakad ng dahan dahan. Sakto, padaan sila Matt kasama sina Dylan, Alver, Sean, at Drex.

"P-Par? Anong nangyare kay Jin? Nagpapanic na tanong ni Matt.

"Napabugbog tas nawalan ng malay, kaya ayan." Sabi ko.

"Tsk! Ba't hindi man lang sinabi satin, edi sana may back-up siya."

Sabi ni Sean. Kahit kelan talaga to.

Binuhat ni Alver yung kabilang braso ni Jin. Siya lang ang naka-isip na tulungan ako, hay buti nalang. Nako, wala talaga akong maasahan sa iba.

"Tara, saan ba natin dadalhin si Jin?" Tanong ni Alver.

"Sa bahay namin."

"Sa bahay niyo? Diba dapat sa hospital?" tanong ni Dylan.

"Haaay para wala kayong tiwala kay tito! Bilis na!"

"Oo nga pala, naging nurse si Tito Ems." Sabi ni Drex.

Yup, naging nurse si tito dito sa Pinas bago makapunta ng Japan. Nag-lakad na kami papunta sa bahay, ilang lakad lang ang layo. Pagdating sa bahay, nagulat si Tito ng buksan niya yung pinto na makita kaming bitbit si Jin na duguan.

"Jusko maryosep! Bakit duguan si Jin, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Tito.

"Hindi rin ho namin alam, napabugbog ata." Sabi ni Matt.

"Oh dali, pumasok na kayo!" Sabi ni tito.

Pumasok na kami sa loob. Dahan dahan kong hiniga si Jin sa sofa. Habang sila Matt tinulungan akong alalayan si Jin, si tito naman nagmamadaling pababa ng hagdan na may dalang medical kit.

"Ako nang bahala dito, halatang pagod ka, kumain muna kayo jan baby girl."

"Sige po tito, nasan nga pala si Aya?"

Si Aya, ang makulit kong pinsan na AYAw ng gulay, AYAw kumain ng isda, at last.. AYAw ng pinapaki-alaman siya. In short, Aya.

"Natutulog sa kwarto ko. Kanina pa yun, tingnan mo baka gising na."

"Ok po tito, puntahan ko lang."

"Par, saan ka pupunta?" Sabi ni Dylan. Napatigil ako sa gitna ng hagdan.

"Sa baba, sa baba ako pupunta. Kita mo namang umaakyat ng hagdan, diba?" Sabi ko kay Dylan na naka-poker face.

"Booooooom!" Sabi nilang lahat.

"Oh kalma lang baby girl." Medyo natatawang sabi ni Tito.

"Uwe na Dylan! Haha!" Sabi ni Sean.

"Basag ka nanaman! Ok lang yan tol!" Tawa ng tawang sabi ni Matt.

"Iyak ka na Dylan!" Sabi ni Drex

"Wew, trash talk nanaman." Nakasimangot na sabi ni Dylan.

"Yung may sense naman kasi Dylan, para di ka ma-trash talk." Sabi ni Alver.

"Tss." Umakyat na ako.

Pinuntahan ko yung kwarto ni tito at dahan dahang binuksan yung pinto. Sinilip ko si Aya. Sabi na nga eh, gising na siya.

"Aya~!" Nakangiti ako sakaniya papasok.

"Ateee!" Bigla siyang bumaba sa kama at niyakap ako.

"Namiss kita!" Tiningnan ko siya. "Baby ka pa dati ah. Ngayon oh, 4 yrs old ka na." Medyo humigpit yung yakap ko.

"A-ako din po a-ate, na-a miss din po ki-kita." Nauutal na sabi niya.

"Oh bakit ganyan ka magsalita? May masakit ba sayo?"

"A-ang higpit po, ng ya-yakap mo ate."

Napabitaw ako sa pagkakayakap sakaniya at pininch yung dalawang pisngi niya.

"Oh sorrrryy, ang cute cute mo talaga."

"Heehee, ate may papakita po ako." Naka-smile na sabi niya.

"Anu yun?"

"Tada! maganda po ba yung pagka-kulay ko ate?"

Halos mahiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko nang makita ko yung manga (anime comic book) ko na puro drawing at kulay. Kakabili ko lang non!!! Hindi ko pa nga nababasa eh! Inunahan na ako! Pisti kang bata ka! x__x

Ms. Boyish Meets Mr. Gangster (ON GOING, Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon