"Mukhang mag-isa ako this year." Wala sa sariling bulong ko ng makita si Ysa na sumakay sa van nila Ortho, don't get me wrong I'm happy for her at least for now.
Alam ko naman kasi na dahil sa wish ko ay mahihirapan siya, makakasakit siya. Kahit naman hiniling ko na mangyari yun sa akin alam ko din naman na masakit yun, masakit sa pakiramdam na makasakit and she's going to go through that.
"No you're not." Napatalon naman ako sa gulat ng may bumulong sa akin.
Lumingon ako at nakita si Alyson na nakangiti sa akin, nakakatakot talaga ang babaeng yan minsan! I mean maganda siya kaya lang pag nagsalita na siya o kaya kahit sa tingin pa lang niya para bang kilalang kilala ka na niya, na para bang nakikita niya yung kaluluwa mo.
Pumasok na kami sa bus namin at umupo na, magkatabi kami at nakita ko naman kung paano niya isalpak ang earphones niya at sumandal sa akin bago natulog. Last week lang kami nagkakilala pero ito siya, kung umakto parang magkaibigan na kami ng ilang taon.
Pero sa maiksing panahon na magkakilala kami masasabi ko na kilala ko na siya at kung anong klase ng tao siya. What I mean is I know her likes and dislikes, hindi naman kasi siya yung secretive na tao... yung pa mysterious.
She doesn't like being around people, sa maiksing panahon na magkakilala kami ay walang ni isang araw na hindi niya dala ang earphones niya na para bang ayaw na ayaw niya ng maiingay which is contradicting kasi ang unang besses ko siyang nakita ay sa party ni Samuel.
Akala ko nga noong una siya yung type na party girl o kung ano man.
"Alyson," tawag ko sa pangalan niya habang niyuyugyog siya.
Ginising ko siya ng makarating na kami sa beach, yes we have this trips every quarter di ko din ba alam for socializing daw.
Pag nagkakaroon kami ng Quarterly Trips na ganito ay kadalasan ay parang outing lang din naman siya at lumalabas lang kami per year level. Last year pumunta pa kami ng ibang bansa pero pinagdesisyonan nila ngayon na local ang trip namin, nakakasama naman ako kahit papaano sa mga trips dahil may grade yun at ang maganda pag scholar ka ay ang school ang bahala sayo.
Bumaba na kami ng bus ni Allyson at naisipan na umupo sa may cottages, na sa isa kami sa mga resorts na pagmamay-ari ng may-ari ng school so may mga iba kaming nakikita na di namin kaklase or ka-batch. May mga foreigners pa nga na nags-sunbathing.
"Okay, boys prepare the barbeque and girls prepare the tables." Kahit naman puno ng mga spoiled ang school namin ay tinuturuan pa din kami ng mga simpleng gawain, yun ang maganda sa school namin.
You'll need to relay on your background to enter but you need to relay on yourself if you want to stay. Strict ang Central High in terms of academics and sports pero halos wala silang pake pag may nab-bully as long as kaya nilang mag-keep up, it's a matter of public image hindi papayag ang school na grumaduate ka na bagsak bagsak ang mga grado mo.
"Danielle right? Can you wash these?" Biglang utos sa akin ni Karen habang nakaturo sa mga plato na pinaglagyan ng meat na ginigrill na ngayon nila Crimson, boyfriend niya.
"Why don't you wash it yourself? You don't seem busy," sabat ni Alyson habang hawak yung mga bagong hugas na baso, mukhang pinupunasan niya yun ng marinig niya si Karen.
"I'm busy and I'm not talking to you, I was talking to Gabrielle." What the hell? Sino si Gabrielle?
Nakita ko naman kung paano ngumisi si Alyson at pasadahan siya ng tingin. Naka red itong flowy top at maong shorts, may sunglasses na nakapatong sa ulo niya at hapit-hapit siya ni Crimson habang nagb-barbeque ito...halatang walang interes sa away ng mga babae.
"You can't even get her name right, tsk. Well sad to say we're also busy, and I mean literally busy so get your own maid," sabi ni Alyson bago ako hinila paalis at pabalik sa puwesto namin kanina kung saan kami nagpupunas ng mga bagong hugas na pinggan at mga kutsara at tinidor.
Napadaan lang naman kasi ako kila Karen noong kinukuha ko yung mga iba pang bagong hugas at kailangan punasan.
"Thanks," sabi ko kahit na kayang-kaya kong sunugin si Karen kaya lang tulad nga ng sabi ko dati, I want to be extraordinary but I don't want to cause trouble.
"Aish," singhal naman ni Alyson pero nauwi din yun sa isang ngiti, na sa ganoon kaming sitwasyon ng biglang may humila sa akin.
"Y-Ysa?!" Gulat na sabi ko pero di siya tumigil sa paghila sa akin hanggang sa makapasok kami sa isa sa mga cr dito sa resort.
"He's here," problemadong sabi niya bago humarap sa akin.
"Who's here?" Tanong ko naman pabalik, I can do wishes but reading minds is another thing...
"Zenon is here! My childhood friend slash first love is here!" Problemadong sabi niya agad naman nanlaki ang mata ko.
Oh dear, here comes trouble...
to be continued
BINABASA MO ANG
Whenever She Wish
Teen FictionExtraordinary #1 "Para saan pa ang aking mga hiling, kung hindi naman ito ngyayari sa akin" ---- Danielle Avery Lopez is a girl who never found contentment, to her...her life is plain and boring thus she makes wishes, wishes that will soon teach he...