Lavi's Chronicles
"Oh Hey there!" Ava exclaimed and she has the guts to wave her hand!
Nathalia is a warfreak! Hahaha
"Hoy! Ikaw na hipon ka! You have no right to step inside this botique this is not your territory!" Pangduduro ni Nathalia kay Ava
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Kung makangisi sya akala nya natutuwa kami sa pagsulpot niya dito!
Pinagtitinginan na kami ng ibang costumer dito dahil sa ingay ni Nathalia. Nginitian ko lng ang cashier kasi mukhang natatakot sya haha. Pasensya may kasama akong wild!
Sinenyasan ko lng na ipagpatuloy niya ang pagpa punch ng mga damit ni Nathalia...
"Oops! My bad! I didn't know that the two of you are here!" Pagtataray niya kay Nathalia
"Now you know that we are here!" Pang iinis ni Nathalia at si Ava namn ay mukhang naiinis na kay Nathalia
"Get out!" Mahinahon pero seryosong sambit ko habang naka tingin kay Ava
Wala syang nagawa kaya umalis nlng sya.
"How often is she visiting here?" Mahinahong tanong ko sa cashier
"She's always here every week Madam" may takot pa sa boses niya.
"I didn't know that she's that brave to step her foot inside my territory and buy her clothes here!" Seryosong sabi ko sa cashier
Pagyuko lng ang tanging ginawa ng cashier at ng bagger ng botique na ito
"Next time don't let her come in here even if I am not here!" Nilakasan ko ang boses ko para marinig ng lahat ng staff pati guard
Napatango nalng silang lahat.
This botique is Catanzaro's property! And this is named after ME!
Rule #7
Rivals are not allowed to enter any property of the 5 Clans without any approval.It's not our staffs fault, kaya papalampasin ko ito.
Ava is a Lucca, and LUCCAs are the 5 Clans' Rival. Lucca is a big Clan but Catanzaro Clan are all over the world hindi lng nila alam.
Nang dahil sa inis ni Nathalia ay buong gala namin ay napaka boring pagkatapos naming mag bayad kanina sa Adelaide's ay pumunta kaming arcade at sumayaw lng tapos kumain and lastly nanuod kami ng Cine.
Nandito kami sa isang cafe dito sa Mall nag hihintay kay Vanni.
"Una na ako Lav, hinahanap na ako ni mama. Sorry!" Nag mamadaling sambit nya at tumayo. Ipinakita niya pa cellphone niya para patunay na hinahanap na siya ni tita, nagmadaling lumabas sya pagkatapos humalik sa pisnge ko.
Lahat ng anak na babae sa Clan ay kumakalampag pagdating sa mga Mama namin.
Rule #15
All girls should obey their mothers.Kaming mga babae ang pinaka iniingatan ng buong angkan, kaya wala kaming magawa kundi sundin lahat ng utos nila kahit labag pa sa kalooban namin. Same with the boys to our fathers.
Minutes had passed when Vanni arrived.
Mukha nito palaging galit hindi ko ma drawing haha!
"Let's go!" Wow yan bungad niya sakin ng makalapit sya sa table atsaka tumalikod agad at nag lakad palabas....
Problema nun?!
Kinuha ko mga gamit at pinamili ko at sinundan nlng sya palabas.
"Kumain kana? Ako tapos na!" Sambit ko habang hinahabol siya, ang bilis niyang maglakad ngayon ahh grabe!
"Done" simpleng sagot niya nang maabutan ko na siya...
Bahala sya sa buhay niya...
Hindi ko na sya pinansin hanggang makarating kami sa kotse.Kahit mismo sa loob ng kotse diko sya dama ehh!
Ang lalim ng iniisip ni brader hanep!
Hanggang sa makarating na kami sa condo nakabusangot parin sya....
Hindi ko napansin dala dala niya na pala maleta niya haha hindi ko maiwasang ipagkumpara ang gamit niya sa gamit ko HAHAHA
Sa kaniya medium sized luggage at isang backpack lng tapos yung sakin isang large at isang medium tapos isang backpack hahaha mga lalake nga naman.
Dito na sya matutulog ngayon kasi maaga flight namin bukas papuntang Thessaloniki.
Hindi ako sanay ng ganito. Hindi ako sanay na tahimik si kuya vanni. At hindi ako sanay na tawagin siyang kuya o sino mn sa kanilang apat.
Nag tungo ako sa kusina para uminom ng juice. Habang nag sasalin ako ng juice sa baso ko ay natanaw ko si vanni sa sala na seryosong nanonuod ng Netflix sa tv. Kumuha ako ng isa pang baso at nag salin ng juice para kay vanni.
Tinabihan ko sya sa couch,
"May problema ka kuya?" Malumanay na tanong ko sakaniya at inabot ang baso na may juice
Tiningnan niya ako nang may pag tataka at pagka mangha sa mukha niya.
Tinawag ko syang kuya!
"May sakit ka bunso?" Nang iinis na tanong niya at inilapat ang palad niya sa noo ko.
Ulol!
Kahit nang aasar siya ngayon nakikita ko parin sa mga mata niya ang lungkot na may halong galit.
Banibagong utos na naman siguro.
I just sighed.
"Go change your clothes and sleep! Maaga pa tayo bukas." At yun bumalik na naman pagiging seryoso niya
Inubos ko muna ang juice at hinugasan ang baso at binalik sa lagayan bago ako nag tungo sa kwarto ko.
Niligpit ko muna ang mga naiwang kalat ko kanina bago ako pumasok ng bathroom para maglinis ng katawan. Dalawa ang pinto dito sa loob ng banyo, ang isa ay connected sa walk in clost at ang isa naman sa kwarto. May pinto rin galing sa kwarto patungo sa closet pero ito ang gusto ko. Lakampake!
Nag bihis na ako ng pantulog at nag tungo sa kama.
Naaninag ko ang isang makapal na notebook na nasa ibabaw ng mesa na nasa gilid ng kama ko.
Lavi's Chronicles
Yan ang nasa book cover.
Dito ko isinusulat lahat ng pangyayari sa buhay ko, mga hinanakit ko, masasakit na ala ala at masasayang pangyayari.
Ibinuklat ko iyon sa unang pahina.
Our Family Picture
Si Mama at Daddy ay pinagigitnaan ni Stefano at Samuele sa likod namin nina Gastone at Giovanni. Kaming nasa harap ay nakaupo, ako na nasa gitna ng dalawang kuya ko.
Ang kasunod na pahina ay ang litrato ng buong angkan.
Mama and Daddy, Tita Ella and Tito Nathan, Tita Avian and Tito Carlo, Tita Isabella and Tito Fabian, Tita Ana and Tito Lorenzo together with all their children. Tapos ang nasa gitna ay sina Lolo at Lola.
I am just 10 years old when this picture was captured. Lahat kami ay nakangiti at masayang masaya. Hindi alam na ang mga ngiting iyon ay sa litrato na lamang matutunghayan.
To be continued (*˘︶˘*).。.:*♡
(Lessayah ateee Thankyou!♡)
BINABASA MO ANG
Masked Lady (The Clan #1)
RomanceTHE CLAN #1 Story of Lavinia Catanzaro A brave lady who respect and values the family's tradition most than anything else. She'll do anything she's told to please her family.